Finally na-release na rin sa ospital si CL. Pwede na daw syang magsalita ulit, but she needs atleast a week more bago makakanta nang ayos.
Nag-aya agad itong mag-work out dahil parang medyo naging weak daw s'ya nang maospital so sabay-sabay kaming tatlo nina Minzy na pumunta sa private gym.
Nang makatapos kami ng routine, lumapit ang isang staff at inabutan kaming tatlo ng sari-sariling tumbler ng energy drink, the same fancy one na ininom ko before. Again, may nakapaskil na namang note sa tumbler ko na 'my lady'.
"Sino ba kasi 'tong nagsusulat nito?" Inis na tanong ko.
"Nagsusulat ng alin?" Tanong ni CL.
"Etong 'my lady' sticky note sa tumbler ko. Ang creepy kasi parang stalker lang." Sagot ko naman.
Sabay na nagtawanan sina Minzy at CL sa reaction ko. Napakunot-noo naman ako sa kanila but all became clear to me when they showed me that their tumblers also have a sticky note. "My girl" kay CL at "my energizer" naman kay Minzy.
"Ah, galing siguro talaga kay CEO. Iba din ang trip." I said out loud after the discovery.
"Bakit? Kanino ba galing sa akala mo?" Curious na tanong ni CL na ngumiti nang makahulugan.
"Wala naman. I just got weirded out nung una. Hindi ko kasi alam." I answered nonchalantly.
"Okay naman ang nakasulat sa 'yo di ba? Kay Bommie nga before 'my muncher' ang nakasulat. Ang hilig daw kasi n'ya kumain sabi ni CEO. Asar na asar nga si Bom." Natatawang paliwanag ni Minzy.
Kawawang V ng BTS, napagbintangan ko pa talaga s'ya noon about this note. Buti pala hindi ko na s'ya na-confront about it, kung hindi mas lalong nakakahiya. Nag-assume kasi kaagad ako. Isa lang pala sa weird trips ng CEO namin ang note na 'yun.
Since wala naman akong schedule na shooting, umuwi muna ako sa apartment ko after namin mag-gym. Bukas na lang siguro ako uuwi sa bahay ng parents ko.
Nang bumukas ang elevator paakyat sa unit ko, nagulat ako nang makita kung sino ang nasa loob, si Chanyeol. Mukhang kagagaling lang n'ya sa taas.
"Aish!" Bwisit na bwisit si Chanyeol nang makita ako at hinila pa ko papasok sa elevator.
"Aray naman! Ang harsh mo ha! Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. Pinindot ko ang elevator button para makaakyat kami sa apartment ko.
"Saan ka ba kasi galing, bansot? Nakaka-apat na beses na kong balik dito sa apartment mo pero parati ka na lang wala." Halatang naiinis pa din s'ya. Nakarating na kami sa loob ng unit ko.
"Bakit kasi di ka muna tumawag bago pumunta para alam mo kung may tao o wala? Nakakailang tawag at text na ko sa'yo pero deadma ka." Nakapamewang na tanong ko.
Bwisit kasi 'tong kapreng 'to. Matapos akong halikan ang tagal na di nagparamdam tapos ngayon s'ya pa ang galit na galit? Ibang klase talaga ang topak.
"Nabagsak ang cellphone ko. It's acting funny. Kakaiba 'yung lumalabas sa screen so it's basically useless. Wala namang time for me to get a new one since sobrang busy namin for the new music video. Kapag break ko naman pumupunta ako dito pero lagi ka namang wala." Paliwanag ni Chanyeol. Inismiran pa ko pagkatapos. Galit talaga?
"Naoperahan si CL kaya nasa kanya 'ko kapag break ko." Paliwanag ko.
"Is she okay now?"
"Okay na s'ya." Matipid na sagot ko. Bigla ko na naman kasing naisip 'yung bagong video ng EXO with those new girls from XOXO under SM. Lalo na 'yung girl rapper na pinaglihi sa ahas na sinabi ni Minzy na bagay kay Chanyeol.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Napansin ata agad ni Chanyeol ang pagbabago sa expression ko.
"Wala." Pag-iwas ko.
"Bakit nga?"
"Ang kulit mo."
"Bakit nga?"
"Aish!"
"Bakit nga! Sagutin mo na lang kasi!"
Hala. At sinigawan pa talaga ako? Nakakabwisit talaga ang tengang 'to kahit kelan.
"Sino 'yung babae?" Bigla kong naitanong sa sobrang inis.
"Babae?" Takang tanong ni Chanyeol.
Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko out of frustration. Bakit ko pa kasi nasabi 'yun? Nakakairita ka talaga, Sandy!
"Yung member ng XOXO." Sagot ko pagkatapos huminga nang malalim.
"Sino dun? Siyam silang members." A slight smile formed in his lips.
"Yung parang ahas kung makapulupot ng legs sa'yo. Yung magaling mag-rap. Bagay daw kayo sabi ni Minzy." There. I said it. Wala na. Bahala na ang tengang 'to kung anuman ang isipin n'ya. Nakakapagod na din kasi na sarilinin. Parang sasabog na ang dibdib ko sa selos tuwing napapanood ko ang video nila. Their chemistry is just undeniable. Oo na. Tama si Minzy. They look good together.
Bigla namang tumawa nang malakas si Chanyeol sa sinabi ko kaya binatukan ko s'ya sa sobrang inis.
"Aray ko! Ikaw talaga Sandy ang bigat ng kamay mo." Reklamo ni Chanyeol.
"Bakit mo kasi ako pinagtatawanang kapre ka?"
"Bakit ka ba kasi nagseselos dun? Mas maganda pa ang legs mo dun kahit bansot ka!" Hirit ni Chanyeol.
Hindi ko alam kung kikiligin ba ko na sinabi nyang mas maganda ang legs ko o maaasar kasi sinabihan na naman nya ko na bansot ako.
"Nakakaasar ka!" Sigaw ko.
"Nakaka-inlove ka! Ang cute mong magselos!" Sigaw ni Chanyeol na ikinagulat ko.
"Ano'ng sabi mo?" Tanong ko. Tama ba ang narinig ko na inlove s'ya sa akin?
"Selosa."
Then he did it again.
Park Chanyeol kissed me on the lips. It was just a quick one pero para akong namaligno. I couldn't move. I couldn't blink. I couldn't believe it.
"Na-miss kita." He said to me sincerely while cupping my cheeks to face him. Naka-smile s'ya at para naman akong matutunaw na ewan sa kilig.
I still didn't know what to say to him. I was at a loss for words. But I was smiling back.
"And just to be clear, that lady is just my labelmate. Girlfriend s'ya ng music producer namin so imposible ang naiisip mo. Saka mas maganda ka pa dun, Sandy. Wala kang dapat ipagselos." He winked at me.
"Seryoso ka ba talaga?" I asked, still sounding doubtful.
Kumunot naman ang noo ni Chanyeol nang marinig ang tanong ko and I could tell in his eyes that he's slightly hurt. But it's too late now to take back what I just said.
Kailangan ko ng klarong sagot. I need to be sure where I stand in his life.
"Ganyan ka ba talaga kamanhid, Sandy?" He looked at me intently and I felt a little guilty for him.
Natahimik kami pareho. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Naputol lang ang awkward na titigan namin ni Chanyeol nang mag-ring ang telepono ko. Si Cheondong.
"Hello Doong."
Nabagsak ko ang telepono ko sa sinabi ng tao sa kabilang linya. Nanlamig ang buong katawan ko.
"Anong nangyari, Sandy?" Tanong ni Chanyeol.
Pero di pa din ako makapagsalita.
The man on the other line said he is a policeman. Cheondong was in an accident and his car was a total wreck. My baby brother is in the hospital and badly needing surgery. He is also unconscious and fighting for his life.
Pinulot ni Chanyeol ang telepono ko at tinawagan si Cheondong. Agad n'ya kong niyakap nang mahigpit at hinila ako para makapunta kami sa ospital.
BINABASA MO ANG
Gotta Be You {Chandara} - COMPLETED
FanfictionTHE ULTIMATE KPOP ROYALTY LOVE STORY OF ALL TIME. This is the story of Park Chanyeol or Channie (EXO's main rapper and happy virus) and Sandara Park or Sandy (2ne1's fresh vocals and communications director). They are two of the biggest names in Sou...