His POV:

1.3K 32 4
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


His POV:

"Papalabas na si Elica.." ani ni Myrrh sakin at hindi ko na lang ito pinansin. "May lunch tayo later huh! Sumama ka na.." dugtong pa nito.


Nagtuhumbs na lang ako sa sinabi nya kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako sasama dahil may gagawin pa ako paguwi ko ng bahay. At nakita ko naman mula sa periphial vision ko na lumabas na mula sa dressing room si Elica suot yung damit na imomodelo nya.



"Ready?" tanong ko sa kanya kahit na pinipigilan ko ang sarili ko na mailang sa kanya.


At isang tipid na ngiti lang ang sinagot nito sakin. Naninibago lang ako sa kanya ngayon dahil sa tuwing tatanungin ko to panigurado na may kasamang pambabara ito. Patuloy lang ako sa pagcclick ng camera ko at hindi ko maiwasang humanga sa galing nyang magpose. Pero nakakaramdam naman ako ng kakaipbang kaba sa tuwing tinitignan ko sya sa likod ng camera.

Ilang taon din ang lumipas nung umalis sya papuntang Brazil, at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita na naman kaming muli. At naninibago lang ako sa kanya dahil ang laki ng pinagbago nya.


"Very impressive! Great job!" pagpupuri ko sa kanya at saka sabay thumbs up ko.


Pero isang ngiti lang ang sagot nito at dun ko nakita na may hindi pa nagbabago sa kanya. Hindi sya sanay na pinupuri ng ibang tao at ramdam ko naman na naiilang sya sakin. Pagkatapos ay mabilis ko naman inayos yung gamit ko ng bigla kong narinig ang nakakarinding boses ni Myrrh.


"Wow! Im totally speechless Elica! Mukhang mas forte mo ang modeling kesa sa ballet dancing!" masayang sabi ni Myrrh. "Right Van?" dugtong nito.


Mukhang nang aasar si Myrrh kaya naman napahinto ako sa pag aayos kaya naman nilingon ko sila.


"Kulang sya sa expression.." ganti ko at napansin ko naman sila na mukhang nagulat sa sinabi ko.


"Expression? Really Van? Photographer ka ba talaga? She's really perfect!" sagot naman ni Myrrh.


Isinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko at saka tinalikuran ko sila.


"Aalis na ko.." sabi ko habang hindi ko nililingon sila at saka tinahak papalabas ng boutique ni Myrrh.

"Sandali!" napahinto naman ako sa paglalakad pero hindi ko pa rin sila nililingon. "May luch pa tayo ah?! Ayaw mo? Libre ko!" dugtong nya.



Itinaas ko na lang ang kaliwang kamay ko na senyales na aalis na ko at saka nilisan ko na ang boutique. Sa ngayon ayoko munang kausapin si Elica, nararamdaman ko naman na naiilang sya sakin kahit na hindi naman nya sabihin.


"Kuya dito!"napalingon ako dun sa babaeng sumigaw kaya naman agad naman akong lumapit sa kanila at saka umupo ako sa tabi ni Elisha.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now