Chapter 24: Talk About Us

993 24 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 24: Talk About Us


Nandito kami ngayon sa bahay ni Myrrh at asual dahil parte ako ng pagiging party animal kaya nandito ako. Cinecelebrate kasi namin yung pagkakapanalo ni Myrrh sa Singapore sa contest na sinalihan nya. Kaya naman grabe celebration ang nagaganap dito. Bukas yung laptop at nakaonline si Myrrh sa skype..

Hindi pa kasi makakauwi si Myrrh dito dahil na rin sa maraming sya gagawin. Hay, iba na talaga ang isang to! Hindi ko na mareach!


Tahimik ko naman silang pinapanood habang nagkakantahan, kahit si Myrrh na nakaonline sa Skype eh ayun nakikienjoy! At nakacrown pa ito, hay feel na feel nya talagang reyna sya ngayong araw.


"Kanina ka pa tahimik dyan Elica? Kanta ka naman.." at inabot sakin ni Elaine yung mic.

"Wala ako sa mood Elaine.." sagot ko.


At napatingin naman ako sa gawi ni Van na tahimik lang sa isang sulok at mukhang ineenjoy lang yung ginagawa nya with the boys.


Sa pagkakaalam ko kasi pinilit lang kasi syang pumunta rito.


"Pupunta na muna ako sa guest room ni Myrrh medyo inaantok na kasi ako. Paghinanap ako ni Myrrh sabihin mo nagpapahinga ako. O kaya txt nyo na lang si Dale para makauwi na rin ako.." sabi ko at saka yumayo naman ako.


Agad ko namang tinungo yung guest room dahil nga sa mabilis akong tinamaan ng antok. Pero pagkarating ko naman sa guest room hindi naman ako makatulog.


Seriously? What happen to me?


Nagmoonie-moonie na lang ako dahil hindi na ako tinamaan ng antok. Npaagdesiyunan ko namang bumalik na lang dun sa salas kung saan nagkakasiyahan ang lahat dahil alam kong maboboring din ako dito. Pero tinamad naman akong bumangon.


Nakarami na rin kasi ako ng bilang sheeps at talaga namang hindi ako makatulog. Imagine? Naka 404 sheeps ang nabilang? Seriously? Ano ba talagang nangyayari sakin?


Pero naramdaman ko na may nakaupo sa side ng kama buti na lang at nakatalukbong ako ng kumot at hindi ko nakita kung sino yun. Pinapakiramdaman ko naman yung umupo sa kama kaya naman pinilit kong ipikit yung mata ko para magpaggap na tulog. Pero pakiramdam ko na nakahiga na ito sa tabi ko.


Lilingunin ko sana kung sino pero agad naman ako nitong niyakap at nanlaki naman yung mata ko sa nangyari. Pilit ko syang lilingunin pero sadyang mahigpit ang pagkakakyakap nito sakin. Then i heard him calling my nickname..


"Cai.." said in husky voice.


Paulit-ulit nya lang sinasabi yun at hindi ko na naman maiwasang hindi maiyak.





Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now