Chapter 19: Let You Go

920 29 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 19: Let You Go

"Elica? Glad your awake.." bungad sakin ni Dale.


Napatingin naman ako sa paligid at napatingin ako sa kamay ko na may nakakabit na dextroze. Tsaka ko lang napagtanto na nasa ospital pala ako at nakaramdaman ko na masama pala ang pakiramdam ko.

"Buti na lang at nakita kita sa kalsada kanina.." sabi nito. "Ano bang nangyari sayo? Basang-basa ka at wala pang malay, ano bang nangyari?" 


Hindi ako sumagot sa mga tanong na binabato sakin ni Dale, mas minabuti ko na lang ang manahimik. Napatingin naman ako sa nagbukas ng pinto at bumungad sakin na may halong galit sa itsura nito.

"Hindi ba sinabi ko sayo na huwag kang aalis ng mansyon?" maawtoridad na sabi sakin ni Dad.

"Tito wag nyo na hong pagalitan si Elica, she need rest baka masstress pa po sya.." pagtatanggol sakin ni Dale.

"Hindi ko inaasahan na susuwayin mo ako hija, binalewala mo ang tiwala ko sayo.." at napayuko na lang ako sa mga binibitiwang salita ni Dad.


Narinig ko naman ang kasunod nitong isang matinding buntong hininga, gusto kong maiyak dahil alam ko naman na may mali ako. Malaki ang tiwala sakin ni Dad pero dahil sa ginawa ko, sinira ko ang tiwala nya.

"Alam ba ng lalaking yun na nagdadalang tao ka?" nagulat naman ako sa sinabi ni Dad kaya naman napatingin ako sa kanya. "Im sure na hindi alam ng lalaking yun na nagbunga ang pagmamahalan ninyo. Dugo pa lang yang nasa sinapupunan mo hija, im sorry to say this Dale pero.." at saka tumingin si Dad kay Dale.



"Im going to cancel your wedding, kailangang panagutan ng lalaking yun ang ginawa nya sa anak ko.." diin na sabi nito.


Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na kami ni Van, bakit kung kailan hindi matutuloy ang kasal saka pa kami naghiwalay? This is so unfair.

"No Tito, hindi na mahalaga kung nagdadalang tao sya, im going to marry her no matter what happen.."

"Hindi iho responsibilidad ng lalaking yun ang ginawa nya sa anak ko at hindi ko mapapatawad na pag oras na iwanan nya ang anak ko kakasuhan ko sya ng rape.."


Nagugugluhan na ako sa mga nangyayari. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan iniwan na ako ng lalaking mahal ko?

"Dad..Dale.." napahinto naman sila sa paguusap ng magsalita ako. "Papakasalan ko si Dale, im going to marry him as soon as possible wala ng pero pero.." sabi ko sa kanila.

"Pwes tatawagan ko yung lalaking yun-"

"No Dad hindi ko sya pakakasalan si Dale ang pakakasalan ko.."  mariing sabi ko. "Ayokong mapilitan lang sya dahil sa dinadala ko."

"Hija..kakausapin ko yung lalaking yun, responsibilidad nya ang nangyari sa iyo-"

"Dad ngayon pa? Ngayon pa kung kailan iniwan na nya ako? Ngayon pa kung kailan nasaktan na ako ng sobra? Hindi na nya ako mahal! Ginamit na nya lang ako, ay ngayon nakaganti na sya tapos na ang lahat.."


Nanahimik lang sila sa mga sinabi ko. Punong-puno na ako ng galit at poot na nararamdamn ko ngayon. At the same time galit din ako kay Dad dahil sa ginawa nya samin ni Van pero huli na ang lahat para saming dalawa.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now