Chapter 28: Scars

974 25 0
                                    

AUTHOR'S PAEPAL NOTE: Dahil sa nagluluksa ako dahil sa sobrang disspointed ko sa aking nabasa na 'END OF BOOK 1' ayan nakapagupdate ako. Alam ko masaya at at nakapagupdate ako, tagal mo tong hinintay eh. Ang hirap maging sawi. Ayan enjoy reading!



Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 27: Scars



Puting ilaw ang bumungad sa pagising ko, at bumungad sa harapan ko sila Anna na may malungkot na ekspresyon sa mga mata nila.

"Buti at gising ka na Elica, nag-alala kami sayo.. Ayos na ba pakiramdaman mo?" pag-aalalang tanong ni Myrrh.


Hindi ko rin maisip na hanggang labas ng bansa ay umabot pa kay Myrrh to. Grabe lang talaga at sobrang nag-alala sila sakin. Aakmang tatayo ako ng mahawakan ko ang aking tiyan.


"A-Ang baby ko? Nasan yun baby?" natatarantang sabi ko.

"Ssshh.. Elica clam down, ayos lang ang baby mo. Kasalukuyang nasa incubator sya, hindi namin inaasahan na mapapaanak ka ng di oras.." pag-aalang sabi ni Anna habang hawak nito ang laptop.


Napansin ko naman napatango si Myrrh sa monitor. Don't tell me-


"Don't worry buhay naman ang baby mo, nasa pangangalaga ni doktora. Buti na lang at pa-eigth months na ang baby mo at nakaligtas sya..." dugtong nito.

"Kumain ka muna kailangan mo ng lakas girl.." sabi ni Anna at binaba nito ang laptop at saka pinagbalatan naman ako nito ng orange.

"Si Elaine? Nasaan?" tanong ko at saka inabot ko yung orange na binalatan nya.

"Si Elaine ba? Hindi ko nadatnan dito, bakit? Nandito ba sya kanina?" tanong ni Anna na mukhang hindi nya rin inaasahan ang sasabihin ko.

"May hindi ba kami nalalaman Elica? May nangyari ba? Ang sabi nya nadulas ka at kaya napaanak ka daw ng hindi mo inaasahan. Ano? May nangyari ba?" sabi ni Myrrh na mukhang binubusisi ako nito kahit na nasa loob sya ng monitor.



Sabay-sabay naman kaming napalingon ng iniluwa ng pinto si doktora at may kalong itong bata sa braso nya.


"Ayos lang ang baby mo Ms. Velasquez, congrats kahit na alanganin mo sya nilabas he's healthy naman.." at saka lumapit naman samin ito at inabot sakin yung bata.

"Thanks doc, i owe you a lot. Salamat sa pagligtas mo sa anak ko.." at saka ngumiti ako sa kanya.

"Doc, anong nangyari sa pisngi nyo? Bakit may pasa yan?" tanong ni Anna sa kanya.

"Ah eto ba?" at saka napahawak naman ito sa pisngi nya, "Natamaan lang ako kanina sa edge ng table ko habang inaawat ko si Ms. Salazar.." sagot ni doc at saka nakuha pa nitong ngumiti.

"Sino? Si Agatha ba yung binabanggit mong Salazar?" tanong muli ni Anna.

"Sya nga po, may balak pa kasi syang pekein yung pagbubuntis nya kaya sya pumunta dito. Hindi ako pumayag dahil pag ginawa ko yun mawawalan ako ng lisensya.." paliwanag ni doktora.

Unexpected You [CGS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon