Chapter 9: Talk About Kiss

1.1K 29 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez



 

 

Chapter 9: Talk About Kiss


 

"Van?" gulat na sabi ko.



Pero tuloy-tuloy lanbg ito sa pagpasok sa loob kaya naman sinundan koi to kung saan sya papunta. Hindi ko alam sa lalaking to bigla-bigla na lang sumulsulpot dito. :/




"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.



Pero hindi pa rin ako nito pinansin at saka nangialam dun sa loob ng kitchen ko, hindi ko alam kung anong gagawin nya, gulo talaga ng lalaking to.



"Alam ba ni Elisha na nandito ka?" tanong ko uli.



Kaya naman nakuha ko ang atensyon nito, mukhang mas magandang binabanggit ko si Elisha para makuha ko ang atensyon nya. Pero kunot-noo naman akong hinarap ng lalaking to.



"Bumalik ka na sa kwarto mo, ipagluluto kita.." sabi nito at saka tinalikuran ako nito at tinuloy nya yung pangangalkal dun sa loob ng kusina ko.



Ako naman ang napakunot ng noo sa ginawa nya, nakakapangigil lang. Kaya naman sa inis ko ay binato ko ito ng Nestle Cream na nasa ibabaw ng lamesa ko. Napakamot naman ito sa ulo nya at saka nilingon ako nito.



"Ang kulit mo alam mo yun?!! " inis na sabi nito.

"Ikaw ang makulit! Ano ba kasing ginagawa mo sa pamamahay ko?! At bigla-bigla ka na lang sumusulpot na parang kabute dyan!" sagot ko sa kanya.



'Sya pa tong may ganang magalit, sya na nga tong nanghimasok ng ibang bahay..'

 



"Kaya ako nandito dahil concern ako sayo, hindi ka magkakasakit ng di dahil sakin. Ngayong nasagot ko na ang tanong mo masaya ka na?"

"Kung ganun ibig sabihin totoo rin ba yung paghalik mo sakin Van?"

 


Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now