Chapter 21: Ghost Him

932 31 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez



Chapter 21: Ghost Him


"Van?" tanging nasabi ko ng makita ko sya mismo sa harapan ko.


Finally, sa loob ng ilang buwan nagkita na rin kami  ng hindi inaasahan sa hospital na ito. Talaga bang nananadya yung tadhana?


"Elica?" napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko.


At nakita kong papalapit sakin si Dale, nang makalapit na ito ay saka hinalikan naman ako nito a pisngi.


"Kanina pa kita hinahanap, kausap mo lang pala si Van.." sabi ni Dale at napagawi ito sa  kay Van.


Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa mga nangyayari. Napatingin naman ako sa kanilang dalawa na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.


"Buti at si Van lang ang kasama mo, akala ko naman sumama ka na sa iba.." sabi ni Dale.


Hindi ko alam kung anong pinapaparinig ng lalaking to? Baka umaarte lang to.


"Wag kang mag-alala Dale, wala naman akong ginawang masama sa asawa mo. At isa pa gusto ko lang sya kamustahin.." rinig kong sabi nya.


Hindi ko naman magawang makatingin sa kanya dahil iba yung feeling nung nasa harapan ko na sya, feeling ko katapusan ko na..


"Maayos lang naman sya pre at inaalagaan kong mabuti, wag kang mag-alala nasa mabuting kalagyan naman sya.." sabi ni Dale at sabay na inakbayan ako.

"Aalis na kami, maiwan ka na namin Van.." sabi ni Dale at saka hinila nya ako paalis dun sa harap ni Van.


Nang makalayo na kami pakiramdam ko nakahinga naman ako ng maluwag ng makaalis na ako as awkward moment na iyon. Sa lahat talaga ng pagkakataon biglaan na lang ang kanyang pagsulpot.


"Are you okay Elica?" pag-aalalang tanong ni Dale sakin.


Nag nod na lang ako bilang sagot at muli ay naglakd na kami pabalik kung saan si Anna ngayon.


"I can't believe na may gana na pa pala syang magpakita sayo pagkatapos ng lahat ng ginawa nya sayo? Huh! Ibang klase.." at saka napailing naman si Dale pagkatapos nyang sabihin yun.


Natahimik na lang ako habang nagsasalita sya at siguro hindi nya napansin na hindi ko pinapansin yun. Isa lang naman yung gusto kong mangyari, ang wag na lang pagusapan ang tungkol kay Van. Sa ngayon ayoko munang marinig yang pangalan na yan.


Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob nagulat naman ako ng nandun na sya sa loob.


'Ghad! Minumulto ba ako?'


"Ayos pre! Ano bang naisipan mo at ngayon ka lang nagpakita? Musta na?" cool na sabi sa kanya ni Regie.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now