Chapter 22: Pretend

1K 25 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 22: Pretend


"Hey somebody open this! May nastuck sa loob!" sigaw ko at saka pinagsisipa ko yung pinto ng elevator baka sakaling bumukas.

"Kahit anong gawing mong pagsipa dyan hindi bubukas yang elevator, at isa pa walang tutulong satin hindi nila alam yung nangyari satin.." napatigil naman ako sa ginagawa ko at saka hininto ko iyon.


Napaupo na lang ako sa isang gilid dahil sa pinaggagawa ko. Bakit ba hindi ko naisip na ganun yung mangyayari.


"Tsk panigurado maghihinatay yung mag-asawang Fuentes sakin sa wala. Aish! Bakit ngayon pa!" inis na sabi ko.


At saka kinapa ko yung bag ko para kunn yung phone ko pero nakakaiyak isipin na dead bat sya. Talaga bang maiistuck ako ako sa loob kasama ang isang to?


Sinubukan kong hindi lumapit sa isang to at saka napahawak na lang ako sa sinapupunan ko at napahumham. Wala naman akong magagawa kasi nandito sya sa tabi ko. 


"Hmm...hmmm..hmm.." humham ko.


Nagulat naman ako ng may biglang humawak sa kamay ko sinubukan ko namang bawiin  yung kamay ko pero mas lalo naman nyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko.


"Bitiwan mo nga ako Van.." mariin na sabi ko sa kanya.

"Cai.." napaawang na lang ang bibig ko ng tawagin nya ako sa palayaw ko.


Buti na lang at madilim at hindi nya nakita yung bibig kong nakanganga. Ang hirap naman ng sitwasyon ko dito.


"Van yung kamay ko.."

"Im sorry.." sincere na sabi nito.

"Huh? Sorry?" naguguluhang tanong ko.

"Im sorry Cai please mag-usap naman tayo.."

"Naguusap na nga tayo.." pambabara ko.

"Ok, i want to say sorry sa lahat ng ginawa ko sayo. Hindi ko natupad yung mga pangako ko sayo, and i know you're happy with him.."


Hindi ko na lang pinahahalata na umiiyak na ako, laking tulong din ng dilim dahil hindi nya nakikitang umiiyak ako. Bakit ngayon pa kung kailan huli na ang lahat? Bakit? 


"Iniisip ko na sana ako yung nag-aalalaga sayo pero huli na ang lahat Cai, sya na ang nanalo.."  at saka naramdaman kong binitiwan nya ang kamay ko.


Sinukan kong ayusin yung sarili ko bago magsimulang magsalita. Hindi ko nakikita kung ano ang itsura nya ngayon ang hirap mag adjust sa dilim. Kinakatakot ko baka magkamali ako ng galw dito at iba ang mahawakan ko.


"Bakit mo sinasabi sakin yan Van? Ano bang gusto mong iparating?" tanong ko sa kanya at sinusubukan kong hindi magcrack yung boses ko.

Unexpected You [CGS #3]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum