Chapter 7: Elisha Quen

1.2K 31 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


 

 

Chapter 7: Elisha Quen



 

*boogsh*

 

 

Nagising naman ako sa ingay ng party popper sa loob ng kwarto ko at nakita ko na nakapaligid yung mga kaibigan ko sakin. At nakita ko naman sila Elaine na nakasuot ng party hats at kasunod ay ang pagkanta nila ng 'Happy Birthday'. Na gawi naman yung tingin ko dun sa kalendaryo, at binaling ko yung tingin ko sa kanila na hindi makapaniwala.





Hindi ko namalayan na birthday ko pala.



 



Lumapit naman sakin si Myrrh na bitbit yung cake kaya naman napangiti naman ako.




"Blow the candle and make a wish.." sabi nito at pumikit na muna ako ng pandalian at pagkatapos ay hinipan ko na yung kandila.





Nagpalakpakan naman sila pagkatapos kong hipan yung kandila.




"Thanks guys.." sabi ko.



"Magbihis ka na girl, nagready na kami sa baba, hintayin ka naming ah.." sabi ni Anna at isa-isa naman silang lumabas.





Inayos ko na muna yung sarili ko bago ako bumaba, ok na yung iosang red middy dress na regalo ni Dale sakin nung nasa Brazil pa kami at saka tinernuhan ko ito ng isang simple heels na signature ni Myrrh. Ready na ako pababa ng may nakabunggo naman akong isang babae.





"Sorry.." sabay naming sabi.






Ngumiti naman ako sa kanya para naman hindi nakakahiya. Napatingin naman ako sa paligid at mukhang may celebration na nagaganap at ako naman itong si buang na hindi ko namamalayan na birthday ko pala, tsk masyado na akong busy sa pagmomove on ko kay Van.

Unexpected You [CGS #3]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें