Chapter 35: Kneel Down

984 24 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez



Chapter 35: Kneel Down


"Common Elica! Magsalita ka! Naghahanap ka ng kakampi diba?"  galit na galit na sambit ni Van sakin.


Iyak lang ako ng iyak sa harapan nya ni hindi ko magawang ipagtanggol yung sarili ko sa kanya. Galit sya sa harapan ko ngayon, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi ako naghahanap ng kakampi. Biktima din ako sa nangyayari ngayon at hindi ko alam na mangyayari ito.


"Bitiwan mo sya Van! Sinasaktan mo lang si Elica!" sigaw ni Regie sa kanya.

"Wag kayong mangiealam dito! Naniniwala kayo sa babaeng to?! Huh! Ano Elica? Yaman lang ba habol mo o ang katawan k-"


*pakkkk*


At sa wakas nagawa ko na rin syang sampalin, nanginginig ang mga kamay ko pagkatapos kong gawin sa kanya yun.


"Kahit kailan hindi ko hinagad ang yaman mo! At kahit kailan hindi ako humingi ng tulong! Sila! Sila ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon! At sila ang dahilan kung bakit buhay ang anak ko!" galit na sabi ko.

"Babe umalis na ta-" singit ni Agatha pero pinigilan ko ito.

"Ano Agatha masaya ka na? Nasa iyo na ulit si Van! Nanalo ka!" sabi ko sabay walk-out ko.



Pero hindi pa ako nakakaalis ng nilingon ko sila at nakita ko namang nagpalitan ng suntok si Dale at Van. Pinipigilan naman sila nila Ian pero ako nanatiling nakatayo pa rin. Mas lalong kinagulat ko ng may biglang humila sa buhok ko kaya naman napahinga ako sa buhanginan at saka patuloy na sinabunutan. Hindi ko nagawang lumaban dahil nasa ibabaw nya ako pero napansin ko naman na may humila sa kanya at nakita ko si Myrrh na pinagsasabunutan si Agatha. 


Niyakap naman ako nung dalawa at saka pinunasan ang luha ko. Napansin ko naman na pinipiglan ni Regie si Myrrh na galit na galit sa pagsabunot kay Agatha.


"SANDALI NGA REGIE! BITIWAN MO KO!! HINDI PA AKO TAPOS SA BABAENG YAN!"  sigaw ni Myrrh.


Pero binuhat naman ng parang sako ni Regie si Myrrh at dinala sa kung saan. Inalalayan naman ako nung dalawa at saka ginamot yung mga sugat ko.


"Sorry kung nadamay ka pa, dapat kami lang naman ang involved dito. Gusto lang naman namin maging maayos yung relasyon nyo ni Van.." sabi sakin ni Anna.

"Wala na kayong dapat ayusin.." sabi ko sa kanila.


At narinig ko naman na sabay na napabuntong hininga yung dalawa sa sinabi ko. Pagkatapos ko namang gamutin yung mga sugat ko ay nagpaaalam ako ng maglalakad lang ako sa labas para magpahangin. Halos hindi kinaya ang lahat ng nangyari ngayon at eto ako ngayon umiiyak na naman dahil sa nangyari.


Napahigpit na lang ang hawak ko sa scraf na nasa balikat ko dahil sa lakas ng hangin. Napaupo na lang ako sa buhanginan at saka tumingin ng malayo. Pero nararamdaman ko naman na may papalapit sakin, hindi ko na lang yun pinansin at saka pinunasan ko na lang ang luha ko.


"Elica.."


Nagulat naman ako na nakita ako ng taong yun buong akala ko pa naman na wala akong kasama at totoo pala yung pakiramdam ko na may papalapit sakin.


"Look.. Im sorry Cai.."


Muli ay pinunasan ko yung luha ko at saka humarap ako sa kanya na nakangiti.


"Ganun lang yun Van? Sorry? Ganon lang ba sayo kasimple sabihin yun?" sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Pasensya na kung hindi ako nakini-"

"Pasensya kasi hindi ka nakinig? Bakit nauntog ka na? At bakit ka nandito sa harapan ko? Nasaan yung girlfriend mo?" sarcastic kong sabi.


Humakbang naman ito papalapit sakin ngunit umatras naman ako sa kanya.


"What Van? Iiyak ka ngayon sa harapan ko? That fucking sorry will never healed my bleeding heart! You broke me Van! You broke me.. again..." basag na boses ko habang sinasabi ko sa kanya.


Nakatingin lang sya sakin at ni hindi man lang gumawang sumagot.


"Wag mong ipilit ang sarili mo para sakin Van, kung napipilitan ka wag mo. Dahil alam ko namang awa lang naman yang nararamdaman mo sakin at hindi pagmamahal.." pagpapatuloy ko.


Tinalikuran ko na lang ito at narinig ko ang tunog ng isang pagbagsak. Napalingon naman ako at nakita ko namang nakaluhod ito.


"Cai... Im sorry.. Tanga na ako kung tanga Cai.. Please come back to me Cai, i'll be good just come back here.." pagmamakaawa nito.

"Van wag na nating pahirapan yung mga sarili natin, icancel na rin natin pati yung kasal natin.. Ayoko na.." at muli ay tinalikuran ko ito.


Pero naramdaman ko naman ang pagyakap nya mula sa likuran ko.


"Hindi ko alam kung paano ko parurusahan ang sarili ko dahil sa mga ginawa ko sayo. Pero Cai... Wag mong iisipin na awa lang ang nararamdaman ko sayo. The moment that i saw you, sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar balang araw-"

"Wag mo akong paikutin dyan sa mga salita mo, mag patibong mo lang to para mahulog ulit ako sayo hindi b-"


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng maramdaman ko na dumapi ang labi nya sa labi ko. Pinilit ko naman syang itulak pero hinawakan nya lang ako kamay ko. Nanghina na ang mga tuhod hanggang sa maramdaman ko na sya na mismo ang humiwalay sa pagkakahalik sakin. Pagkatapos ay niyakap ako nito at napahagulgol na lang ako sa mga braso nya at saka hinalikan nya ang noo ko.


"Im sorry Cai..sorry.."


Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now