Bet Your Heart ♡ Chapter 12

Start from the beginning
                                    

Ngumiti lang din ako at humalik na lang sa pisngi ng apat na matanda.

"Saan kayo galing?" tanong ni Daddy. "Pinuntahan namin kayo sa room mo anak, pero wala kayo doon."

"Oo nga," singint naman ni Renz na ngayon ko lang napansin. "Nag-date kayo?" pang-asar niya pang dagdag kaya pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Nanood lang po kami ng sunset ni Lianne habang naglalakad-lakad," sagot ni Mark sa tanong ni Daddy at inakbayan niya pa ako.

Tsss! Gusto ko siyang sikuhin sa sikmura niya, pero siyempre, hindi ko puwedeng gawin iyon sa harap nila. Mamaya na lang para may kasama pang sapak!

"Mabuti 'yan, hijo," kumento naman ni Mommy. "Maganda para sa buntis na naglalakad-lakad."

Pinigilan kong mapasapo sa ulo ko. Heto na naman po! Oh, please! I'm not pregnant! I am not! Ano ako? Si Virgin Mary?!

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Renz. Tumingin siya kila Mommy at sa huli ay sa akin. Nagtatanong ang mukha niya.

Wala naman akong maisagot sa kanya. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang kalokohan na ginawa ng Kuya niya sa harap ng mga magulang namin ngayon?

At dahil nga wala siyang makuhang sagot galing sa akin, hindi na niya napigilang magtanong. "Buntis? Sino?"

Hindi ko na binanggit sa kanya ang problema ko kagabi. Kasi naman, hindi ko din naman alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya. At malamang sa malamang, ikatuwa niya pa ang mga nangyayari at makikisakay pa siya sa kalokohan ng Kuya niya!

"Itong best friend mo, anak. Magkakapamangkin ka na," tuwang-tuwang sagot ni Tita Belle sa bunsong anak niya.

"Huh?" Lalong nangunot ang noo ni Renz. "Magkakapamangkin na ko?" tanong niya pa sa hindi makapaniwalang tono.

"Oo, anak," kumpirma ni Tito Rick sa sinabi ni tita Belle. "At ikakasal na sila ng Kuya mo in two months."

"Huh?" napapatangang reaksyon ni Renz at halatang gulong-gulo pa rin siya sa mga sinasabi ng mga magulang niya.

"Halina kayo, and let's celebrate," yaya na sa amin ni Mommy na nagpatigil sa usapan nila. "The baby is a blessing."

Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa restaurant ng hotel. Pagdating doon, siyempre, magkatabi kami ni Mark sa upuan. Todo asikaso pa siya sa akin. Ngiting-ngiti pa siya habang ako ay hindi na maipinta ang mukha.

Nang mapatingin ako kay Renz, seryoso naman ang mukha niya. Siguro iniisip niya pa din iyong babaeng naka-one night stand niya.

May naramdaman akong nagpunas ng tissue sa gilid ng labi ko at napalingon ako kay Mark. He smiled at me pero isang nakakamatay na irap ang isinukli ko sa kanya.

Agh! Naaaburido na talaga ako! Naaaburido na ako kay Mark! Nakakaasar talaga! Feel na feel niya itong kalokohan niya. Ang sarap niyang sungalngalin ng kutsilyo!

Napatingin ulit ako kay Mark nang nilagyan niya na naman ng pagkain ang plato ko, 'tapos nginitian na naman niya ako pero this time, nang-aasar na ngiti iyon. Sinimangutan ko naman siya na lalong nagpalawak sa ngiti niyang pang-aso.

Dahil sa nainis ako sa kanya, inapakan ko ng malakas ang paa niya sa ilalim ng table. Nakakabuwisit talaga kasi ang klase ng ngiti niya.

"Ouch!" may kalakasan niyang daing sa ginawa ko.

Napatingin sa kanya lahat ng kasama namin. Ako naman, painosenteng napatingin lang din sa kanya. Kunyari hindi ko alam kung bakit siya napasigaw.

"Okay ka lang, anak?" nag-aalalang tanong ni tita Belle.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now