Bet Your Heart ♡ Chapter 12

Start from the beginning
                                    

"Isa!" nagbabanta kong bilang sa kanya.

"Dalawa!" tumatawang bilang din niya at inalis na din naman niya ang kamay niyang nakapisil sa pisngi ko.

Ang sakit! Nabanat yata pati gilagid ko!

"Epal ka talaga!" gigil kong sabi sa kanya at pinaghahampas ko siya sa braso.

Tawa pa rin siya ng tawa habang sinasangga ang mga palo ko sa kanya. Tuwang-tuwa talaga ang loko na ito kapag nabubwisit ako sa kanya!

"Aww..." Nag-pout siya, 'tapos hinaplos ang pisngi kong kinurot niya kanina. "Kawawa naman ang pisngi mo. Namumula, o."

"Tsee!" pagsusungit ko at iniwas ko ulit ang mukha ko.

"Tara dito, iki-kiss ko dali!" sabi niya na parang lang bata ang kausap.

Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Ang hindi ko alam nakalapit na pala ang mukha niya sa akin kaya...

Oh, my gosh!

Natigilan at nanlaki ang mga mata namin pareho sa nangyari. Nagkatitigan lang kami for a minute.

Parang nabulabog na naman ang buong sistema ko at pati na din ang kaluluwa ko.

We kissed... again. Smack lang naman iyon pero... kiss pa rin iyon!

Waaah! Nakakailan na siya sa akin?!

Nagulat na lang ako sa bigla niyang malakas na pagtawa sa hindi ko malamang dahilan.

Napatanga lang ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang nakakatawa o kung mayroon nga bang nakakatawa!

Gusto ko na siyang ibaon sa buhanginan o kaya naman ay ipaipit sa maraming talangka ngayon! Nakakaasar talaga siya to the ultimate level!

"Ikaw talaga..." he teased while wiggling his bows. "Nakakadalawa ka na sa akin, hmm..." Tumawa na naman siya na parang baliw.

Shit! Nakakabaliw ba ang halik ko? At shoot ulit! Hindi naman masasabing ako ang humalik sa kanya dahil hindi ko naman iyon sinasadya!

"Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Manyak!" sigaw ko sa kanya pagkatapos ay tumayo na ako.

Agh! Nakakainis lang. Sinira na naman niya ang araw ko. Buwisit talaga ang lalaking iyon, eh! Ang sarap ilibing ng buhay!

"Hoy, teka!" tawag niya sa akin pero hindi ako lumingon. "Saan ka pupunta?" tanong niya pa at alam kong sinusundan niya na ako.

"Doon sa malayo! Sa lugar na hindi ako makakakita ng pangit na nilalang na katulad mo!" walang lingon-likod kong sigaw din. Bahala siya sa buhay niya.

Narinig ko na namang tumawa siya, pero hindi ko na lang pinansin. Dire-diretso lang akong naglakad. Pero dahil pandak nga raw ako, maya-maya lang ay naramdaman ko nang kasabay ko na siya sa paglalakad. Ngunit hindi pa rin ako nag-abalang lingunin siya.

"Babe, naman..." malambing na niyang sabi. "Huwag ka na magalit. Binibiro ka lang naman, eh. Okay lang naman talaga sa akin kahit i-kiss mo ako lagi."

Eh? Seriously?! Baliw na yata talaga ang lalaking ito. Shit! Nai-stress 'yong bangs ko sa kanya!

Ugh! Please, get him out of my world!

Hindi ko pa rin siya pinansin kasi nga nakaka-stress siya ng bangs. Binilisan ko na lang ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa hotel na tinutuluyan namin.

At kapag minamalas ka nga naman... nakasalubong ko sila Mommy sa may lobby.

"O, hijo, hija... nariyan na pala kayo," nakangiting bati sa amin ni Tita Belle.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now