5. Seryoso ako!

Magsimula sa umpisa
                                    

"TUngkol sa nangyari sa SG Office. Ano kasi..." Kinamot ko ang ulo ko. Ano ba ang sasabihin ko? Namemental block na naman ako.

Tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ano, hindi ko sinasadya. Ano....sorry na." Hindi pa din siya nagsasalita.

"Wag mo na akong deadmahin. Please..." Then it happened.

Hinampas niya ako sa braso ng hawak niyang drumstick. Nagulat ako siempre. Ikaw ba naman hampasin nun. Ang laki kaya nun. ANg sakit. Buti sana kung mahina yung hampas niya eh ang lakas kaya.Walang pakundangan!

Takteng Charm.

Sadista.

"Aray! naman!"

"Bakit mo kasi ako pinagttripan? Ha!?" Hampas ulit. Hindi ko nailagan at hindi ko rin napigilan kasi malay ko ba naman na hahampasin niya ako ulit.

"Aray!"

"Sagot!" Hinampas niya ulit ako. Wahhhhh! Hala! Wag sana tamaan ang pogi kong mukha.

"Aray! Wag ka na ngang manghampas. Ang sakit eh. Sasagot na!" Ginawa kong shield ang mga kamay ko kasi baka matamaan ako sa mukha kasi di pa rin siya tumitigil. 

Punyemas na Charm. Ano akala niya sa akin? Drums?

Pero dapat ba akong magpasalamat at drumstick ang hawak niya at hindi electric guitar?

"tama na sabi!:" Tumigil naman siya at hinintay akong sumagot.

"Hindi kita pinagttripan. Okay." Hahampasin niya sana ako ulit pero pinigilan ko siya.

"Ooopppss! Ooopps! Ayan ka na naman eh. Sabing tama na eh. Masakit na kaya."

"Pag yun inulit mo pa Sampo! Malilintikan ka sa akin! Intestine mo lang ang walang latay! Naiintindihan mo?" Akma na naman siyang hahampas.

"oh, hahampas pa ulit! OO na! Sorry na nga eh! Hindi na mauulit pag walng consent mo!" Hehehe. Nagawa ko pang ngumiti sa isip ko eh binibugbog na nga ako! Punyemas..

"Ano?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko! Punyemas! Kasasabi ko lang na di na uulitin eh. Tapos Gaganun ganun siya sa akin ngayon!

Lumayo ako ng kunti sa kanya bago pa ako mawala sa sarili ko at mahalikan ko na naman siya. Hindi ko na din tinitingnan ang pink lips niya. Nakakabaliw eh.

"Hindi ko na nga uulitin!" Tsss!

"Buti nagkaintindihan na tayo." Tapos tumalikod na siya sa akin.

"Nagugutom na ako. Ilibre mo ako. Pambayad ng atraso mo." Hala. Hindi pa ba sapat yung mga hampas? Ang sakit pa kaya ng mga yun?

Pero hindi  ko na nagawang magreklamo kasi mahirap na!

"Charm" Lumingon siya sa akin

"Ano....." Lensyak! Maghunus dili ka Heinz!

"Gusto kong ligawan ka." Fuck! Niready ko na ang sarili ko sa hampas pero hindi dumating.

Tapos nakita kong kumunot ang noo niya. Tapos hinampas ako ulit sa ulo ng stick. Pucha! Ang sakit niya manghampas. At bakit sa ulo?

"Aray!  Nakakarami ka na!" Sinangga ko na ng braso ko ang hampas niya.

"Gago! Umayos ka nga Samuel Heindrick Po"

"Seryoso ako!"

"Ewan ko sayo! Para kang tanga!"

Tapos tumalikod na siya at iniwan ako. Takte! Pinalo na ako ng maraming beses, sinabihan pa akong gago tapos naging tanga pa ako! Punyemas.

Bakit ba ako nagtitiis ng ganito?

She's just another C!

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon