Thirty-five

2.3K 125 6
                                    

Kanina pa nagpupuyos sa galit si Prema.  Tatlong araw na ang nakaraan mula nang makauwi sila sa norte  pero ni minsan ay hindi pa nagpakita sa kanya si Firen.  Pagkatapos na siniguro ng HealerMage na ligtas ito ay iniwanan ito ni Prema at tumulong sa pag aasikaso sa katatapos lang na labanan.  Lahat ng mga sugatan ay nauna ng bumalik sa Rukai.  Nagpaiwan si Prema ng isang araw bago bumalik sa Rukai. 

Pagkarating sa Rukai ay agad na tinungo ni Prema ang Healing house na kinaroroonan ni Firen pero hindi siya nakapasok dahil sa daming dumadalaw dito.  Mukhang okey naman ito at nag-enjoy sa mga babaeng bisita nito. Si Valerius sa kasamaang palad ay hindi na kinaya ang natamong sugat, binawian ito ng buhay bago pa man matapos ang labanan. Hindi alam ni Prema kung paano ngayon ipapaalam kay Camthaleon ang nangyari sa kapatid.   Hindi na nagpakita si Prema kay Firen at dumeretso sa kanyang Manor para magpahinga. 

Days had past. Valerius had been laid to rest. She have been waiting na magpagpakita sa kanya si Firen pero kahit anino nito ay hindi nagparamdam.   Nagpasya si Prema na hanapin si Brandon at kuhanin ang longbow ng kapatid para isauli dito.   Pero nang magpunta si Prema sa tinutuluyang silid ni Brandon sa palasyo ay wala ito roon.  She found him in the training ground with his warriors, bow in hand.  May mga kasama ito at naroon din ang lalaking hinintay niya na magpakita sa kanya.  Paglapit ni Prema sa grupo nito ay ni hindi nito tinapunan ng tingin si Firen.

Pagkatapos siyang batiin ng mga ito ay may panghihinayang na ibinigay ni Brandon ang longbow kay Prema. 

"Are you willing to sell it?" Tanong ni Brandon, his expression hopeful.

Umiling si Prema bilang sagot.

"For any price?" Si Brandon. 

"Hindi ka ganun ka yaman para mabili mo ito."

"Name your price." Pilit nito.

"It's not mine to sell. Ipinahiram lang ito sa akin, and now I must return it."

"Kanino?" Curious na tanong ni Brandon.

"It's my brothers's bow, kaya doon ko sa kanya isasauli."

"Brother?" Naguguluhang tanong ni Brandon.

"Daxen." Walang anumang sagot ni Prema.

"What?!!" Sabay na tanong ng mga naroroon, maliban kay Firen.

"Daxen as in Daxen Strongbow?  The Ranger?" Prema rolled her eyes and didn't answer.

"No wonder it's priceless.  So, this is the famous bow made of dark wood, crafted by a dark elf master craftsman in Darkden." Brandon said reverently. "Kaya pala kaya nitong pumatay ng isang troll sa isang tira lang." Dagdag pa ni Brandon. At pinagkakaguluhan na ang longbow ni Daxen ng mga naroroon. Lahat gustong makita at mahawakan. Hindi naman masisisi ni Prema ang mga ito dahil isang alamat ang kakayahan ng kapatid sa buong kontinente.

"Master ViticiPrema, sabi mo isasauli mo ang longbow na yan, babalik ka na ba sa mundo ng mga elfo Master? Kaya bigla ka nalang nawala nitong mga nakaraang araw?" Tanong ng isa sa mga naroroon. Mukhang noon lang din narealized ng mga naroroon na maaring ganun nga ang gagawin ni Prema. Drat this man's curiosity!

Dahil kanina pa nakatoon ang atensiyon ni Prema kay Firen kaya hindi nakaligtas dito ang bahagyang pagtayo ng tuwid ng binata. Napansin din ni Prema ang pagsulyap si Brandon kay Firen.

"Oo." Simpleng sagot ni Prema sabay lahad ng kamay. May pag-aatubiling ibinigay sa kanya ni Brandon ang longbow. Muli ay napasulyap ito kay Firen na para bang dito nanghihingi ng permiso na lalong ipinagtataka ni Prema. There was something odd about their attitude.

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon