Sixteen

2.3K 146 10
                                    

The king is not dying! Niloloko siya ng dalawang unggoy na iyon! Malusog pa ang hari, yon nga lang may sakit. But he will still be around for a couple more years. Nais pala nito na iatang na sa dalawa nitong anak ang responsibilidad para mamatay man ito ay nakakasiguro itong iiwanan ang kaharian sa mabuting kamay. Pati ito ay nakiusap sa kanya na kung gugustuhin niya ay ibibigay nito sa kanya ang pamamahala. Tigas ng tanggi niya!

Kung ang ibang tao kasihudang papatay magiging makapangyarihan lang pero itong mga kadugo niya kulang nalang ipamigay! Oh well...ipinamigay na nga. Tsk! Tsk! May deprinsya yata ang kalahi niya sa utak.

Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nina Prema at ng hari ay sunod niyang pinuntahan ang magkakapatid. Nasa training ground daw ang mga ito kaya nagpahatid siya doon dahil hindi niya kabisado ang lugar.

Ang training ground ay malaking patag na lupain, carpeted with carabao grass. Marami ang naroroon para mag-ensayo. Na curious si Prema ng marinig niya ang hiyawan ng mga tao. She saw a throng of people making a circle. Mukhang may labanan na nangyayari. Dahil nakagown siya ay itinaas ng bahagya ni Prema ang laylayan ng kanyang puting damit at lumapit sa grupo. Inside was two people fighting with swords in hand. Pamilyar sa kanya ang hitsura ng dalawa. Ito ang nagpakilala sa kanya na Valerius at ang isa ay ang lalaki ka gabi na may bughaw na mata. Parehong magaling ang dalawa, pero may mga galaw ang dalawa na mali. Parehong nakangisi ang dalawa, mukhang tuwang-tuwa sa ginawa. Ang sarap pag-uumpugin. She wondered why these two are still alive with their skills.

Hindi alam ni Prema kung anong nangyari basta naramdaman nalang niya na nanayo ang balahibo sa kanyang batok. Iginala niya ang mga mata. She saw no one watching her---aw well, everyone is watching her with awe in their faces but not enough to make her hackles up. She continue to watch the fight but wasn't really watching.

Then she saw him. He was huge, probably 6"3. He was wearing a leather pants and winter jacket. He was leaning on a tree, hindi inalis ni Prema ang tingin dito. With her elven eyes she saw him clearly.  Nakapikit ito, he appeared to be napping pero alam ni Prema na gising ito.  Pinagmasdan ni Prema ang mukha ng lalaki.  His face is not as handsome as the man with blue eyes or in perfect proportion like Valerius but he...he have chiselled face.  Hindi kumukurap habang pinagmasdan ni Prema ang mukha ng lalaki.  A masculine face.  Lalaking-lalaki.  Wala sa loob na napatango si Prema   Bilang pagsang ayon sa naisip.  Patuloy na naglakbay ang kanyang mga mata sa katawan ng lalaki.  Muli na naman siyang napatango, she liked what she saw.  Hindi masyadong naglalakihan ang muscle nito sa katawan.  He have a lean body, kahit may damit pa ito.  Bahagya itong gimalaw kaya napatingin si Prema sa mukha ng lalaki. 

Sa unang pagkakataon ng buhay ni Prema ay pinamulahan siya ng makitang may sumilay na ngiti sa mga labi ng lalaki na para bang alam nito na pinag aralan niya ang katawan nito!  Pero bago pa siya tuluyang mapahiya ay inungusan ito ni Prema at taas noong nilisan ang lugar.  Nang makalayo ay saka lang naalala ni Prema ang pakay kung bakit siya nagpunta roon.  Naisin man niyang bumalik ay hindi niya ginawa ayaw niyang magmukhang tanga.

Sa nakalipas ng mga araw ay patindi ng patindi ang sama ng mood ni Prema.  Alam niya matanda na siya and she should act the part pero kung kagaya naman niya na namuhay ng tahimik ay talagang mapupuno sa daming kailangang harapin na mga tao, dinner and parties.  Lalo na ang parties.  Pakiramdam ni Prema ay nasasakal na siya.  Ang hari ay wala ng ginawa kundi ang dalhin siya sa kung saan-saang party.  Hindi naman niya mahindian lalo na at imbes na ito ang sumama ay ang mga anak nito ay pinasama kanya.   Alam niya na strategy lang ito ng hari para matotong maging responsable ang mga anak pag nakahanap na ng mapapangasawa.  Okey sa kanya iyon.  Ang masaklap lang kasi mukhang pati siya ay damay.  Kulang nalang pati siya ipamigay.

Gaya ngayong gabi, kailangan na naman niyang umattend ng party.  Kung hindi lang kaarawan ng hari ay hindi na sana siya aattend. This will be the last! Pangako ni Prema sa sarili habang pinagmasdan ang hitsura sa harap ng kanyang vanity mirror.  She was wearing a white gown with a V-neckline. Kahit hindi siya comfortable sa suot ay kinaya ni Prema. Kung tutuusin ay mas disente pa ang kanyang gown kumpara sa mga suot ng iba. Nang masigurong presentable na siya ay bumaba na si Prema.

Iginala ni Prema ang mata sa paligid, ang sabi ng lady's maid niya ay nasa baba na ang kanyang sundo pero walang tao doon. Prema put on her cloak before she went outside, at gaya ng kanyang inaasahan ay naroon nga ang karwahe at ---natigilan si Prema sa nakita. Imbes na si Valerius ay and lalaking pinakatitigan niya noon ang naroroon.

"Nasaan si Valerius?" Tanong niya dito.

"Good evening my lady, hindi makakarating si Valerius ngayong gabi kaya ako muna ang maghahatid sayo sa palasyo." Seryoso ang mukhang sagot nito sabay binuksan ang pintuan ng karwahe at anyong aalalayan na sana siy nito ay mabilis na sumakay si Prema na hindi tinaggap ang nakalahad na kamay ng lalaki. Nang makaupo ng maayos si Prema ay sumunod naman ito.

Habang naglalakbay ay tahimik ang lalaki. Na curious naman si Prema dito kaya hindi napigilan ang sarili na magtanong. "Ngayon lang yata kita nakita?"

Sumulyap ito sa kanya bago sumagot. "Hindi ako mahilig sa party."

Tahimik na naman ito. Mukhang ayaw ng lalaki na makipag-usap kaya tumahimik na rin si Prema. Huminto ang kanilang karwahe sa harapan ng palasyo, naunang bumaba ang lalaki at gaya ng ginawa niya kanina, hindi niya pinapansin ang nakalahad nitong kamay.
Bago pumasok ay muling humarap si Prema sa kasamang lalaki at nagtanong,"what's your name?"

"Firen my lady."sagot nito sa buo na tinig.

"ViticiPrema." Iyon lang at iniwan na niya ito.

Nang makapasok ay saglit na huminto si Prema to remove her cloak, someone took it from her hand. Walang lingon-lingon na tuluyan na siyang pumasok sa loob ng malaking bulwagan kung saan ginaganap ang kasayahan.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit nananatili pa rin si Firen sa kinatatayuan. Hindi malaman ang gahawin. Iniwanan siya ng babaeng elfo, isn't he supposed to accompany her to the party? Pero heto siya ngayon iniwan nito sa labas. Napabuntonghininga si Firen, kung bakit kasi siya pa ang napakiusapan ni Valerius na sunduin ang babaeng elfo. Nang sabihin nito iyon sa kanya ay nakaramdam ng excitement si Firen, pero naroon din ang kaba. Sa tanang buhay niya noon lang nakaramdam si Firen na maintimidate sa isang babae. Women in different shapes and sizes come and go at hindi niya lubos akalain na darating ang panahon na magkaramdam siya ng hiya sa isang babae.

ViticiPrema.

The woman is the most beautiful female specie that he had ever seen. She walked as gracefully as a dragon queen. But Firen also felt something inside her na pilit itinatago ng babae. Pero ang pinaka nakapukaw sa atensyon ni Firen sa babae ay ang mga mata nito. She has eyes as green as emerald. Napatingin si Firen sa kapoteng nasa mga kamay at inilapit iyon sa ilong. It smells like lavander and sunshine. Her.

He might not be able to shift but every time he looked into her eyes something inside him shifted, her eyes...those beautiful emerald eyes...awaken the dragon in his blood.

And the dragon wants her.

•note•
Heto na! Heto na!  Kinakabahan na ako kay Firen!  Paano ba magsulat ng romantic love scenes? Huhuhu!!!!another mountain I need to climb and conquer!
Hindi ko to na edit ng maayos, masyadong mabilis ang Johnny Walker.

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon