Thirty-three

2.1K 127 9
                                    

Nagtagis ang bagang ni Firen sa nalaman.  Labis na nag-alala sa kaibigan.  Si Valerius at si Brandon lang ang pinakamalapit niya na kaibigan o higit pa sa kaibigan, mga kapatid niya ang mga ito. Si Brennon at Camthaleon ay malapit din sa kanya pero may mga malalaking responsibilidad ang dalawa. Nang matagpuan siya ni Valerius at Brandon na naghihintay kay Prema ay walang tanong-tanong na basta nalang siyang dinamayan ng dalawa. Hindi maiwasan ni Firen na sisihin ang sarili. Kung nasa tabi lang sana siya nito hindi ito mapapahamak. Si Camthaleon at Brennon ay nasa Ver kaya naiwang tanging si Brandon lang ang kasama nito.

"Nasaan si Captain Brandon?"  Noon lang niya naalala na magkasama ang dalawa.

"Nasa gitna ng labanan Commander."  Sagot ng sundalong nagbalita kay Firen.

Nakahinga ng maluwag si Firen.  Ibig sabihin nun ay lumalaban pa ang kaibigan. Mamamatay muna siya bago hahayaang may masamang mangyari dito.  These motherfuckers will pay! Pagbabaliin niya ang mga buto ng mga ito! Walang siyang ititira kahit isa.   Nagbigay ng signal si Firen na agad namang sinunod ng mga tauhan.

Awtomatikong nagbago ang porma ng hanay ng mga sundalo. Nauuna sa hanay ang mga BattleMages na handa ng lumaban.  Lahat naghihintay sa hudyat.

When Firen heard the  horn blow, he let out a loud war cry and ride to war with the BattleMages.

Nangingitim ang ulap sa dami ng lumilipad na mga buwitreng ibon. Naghihintay. Naghihintay na matapos ang madugong digmaang nangyayari sa ibaba at humandang magpakabusog sa mga pagkaing magkalat mamaya pagkatapos ng labanan.

Simula ng lumusong sa labanan si Firen ay nakalimutan na niya ang oras.  Ang tanging laman ng utak niya ay ang pumatay ng maraming mabalahibong higante.  Bilang BattleMage Commander ay siya mismo ang nag-uutos sa mga BattleMages sa mga gagawin ng mga ito.  Pero sa dami ng mga trolls ay hindi iyon kinaya.  Wala ring silbi ang kapangyarihan niya sa hangin.  Masyadong malakas at malalaki ang trolls kaya ibinigay niya sa Lieutenant niya ang pamamahala sa mga BattleMage.  Hinugot ni Firen ang malaking espada niya at pumagitna sa labanan.  At nagsimulang hiwain, tadtarin, saksakin walang pakialam si Firen ang importante sa kanya ay makapagbigay siya ng malubhang pinsala at mapatay niya ang kalaban. 

Duguan pero nananatiling nakatayo si Firen sa gitna ng napakaraming nakahandusay na katawan ng parehong trolls at tao.  Ang isang kamay ay nakalaylay sa tagiliran at ang isang kamay naman ay nakahawak sa espadang may tumutulong itim na likido. Parang walang kamatayan ang mga trolls.  Ngayon niya nalaman kung bakit halos maubos ang mga kasamang sundalo ng kaibigang  si Valerius.  Hindi pangkaraniwang trolls ang nakakalaban nila. Katunayan niyon ay ang dugong kulay itim na lumalabas sa katawan ng mga ito.  Ang alam ni Firen, mapahayop man, Mage, elfo, tao, Were o totoong dragon at trolls ay pare-pareho ang kulay ng dugo.  Pula.  Pero ang mga trolls na nakakalaban ngayon ay itim ang kulay.  Ang katawan ng mga ito ay kasing tigas ng bakal.  At mukhang  walang kahinaan ang mga ito. 

Nakatingin si Firen sa troll na nasa kanyang paanan. Putol ang ulo. "Aim for the eyes!" Sigaw ni Firen. "Archers! FireMages! AirMages! Archers! Aim for the eyes!" Malakas na sigaw ni Firen na ng marinig ng mga tauhan nito.

Pero hindi ganun kadaling patamaan ang mga higanteng trolls. Parang walang anuman na pinalis lang ng mga trolls ang paparating na mga pana.

Pagod at nanakit ang buong katawan ni Firen. Naramdaman din niyang basa ang ilalim ng metal armor niya.  Hindi rin nakaligtas sa kanya ang lupang kinatatayuan niya ay nabasa sa sariling dugo. Pero hindi siya pwedeng mamatay. May labing isang trolls pa na natitira.  At sa bawat segundo na nakatayo siya at walang ginagawa ay iilang buhay ang nawawala.

Kahit masakit igalaw ang katawan ay pinilit pa rin ni Firen na lumakad.  Shit!  Bakit kasi nagpakahero pa ako! Pwede naman akong lumaban bilang isang mandirigma at mamatay bilang isa. Iyong walang iniisip na responsibilidad! Di sanay pwede na akong mamatay ngayon ng hindi iniisp ang mga maiiwan.

Patuloy sa pagkastigo si Firen sa sarili habang pilit na ininda ang sakit na nararamdaman sa bawat paghakbang ng biglang may marinig ito na yabag ng kabayong paparating galing sa likuran. Huminto ito at lumingon.

Ang tanawin na sumalubong kay Firen ay hindi niya makakalimutan kailan man.  Iyon ay kung tatagal pa siya.  Sa dami ng sugat at dugong nawala sa kanya ay duda siya.  Sakay ng warhorse nito ay si Prema.  Kumikinang sa bawat pagtama ng araw sa suot nitong hapit sa katawang BattleArmor.

Saglit itong huminto at inilibot ang mata sa paligid, parang may hinahanap hanggang sa mapadako ang tingin nito sa kinaroroonan niya. Muli nitong pinatakbo ang kabayo patungo sa kanyang direksyon.

Huminto ito sa tapat mismo ni Firen at humarang sa dadaanan nito. Saglit na naglakbay ay kulay berde nitong mga mata sa katawan ni Firen. Hindi alam ni Firen kung ano ang nakita ni Prema sa hitsura niya basta nakita niyang saglit na tumigas ang mukha nito. May dumaan na takot sa mukha niyo pero saglit lang o baka guni-guni lang niya lalo na at malapit na siyang maubusan ng dugo. Posible. Kasi bakit naman ito makaramdam ng takot gayong magaling itong makipaglaban. Hindi ang mga kagaya ng trolls ang kakatakutan ng isang ViticiPrema.

"Are you okey old man?" Nahimigan ni Firen ang hamon sa tanong ni Prema. Lihim na napapangiti si Firen.  

"Worried princess?" Nakakalokong nginitian pa ito ni Firen.

"You better not die on me Gwawrddydd! You don't drag me back into this realm only to die on me!" There it was again the fear she tried to hide by insulting him.

Tinitigan ni Firen ang mga berdeng mata ni Prema.

"This old man will not be so foolish meFelina." Seryosong sagot ni Firen dahil naramdaman nito na ang nakita niyang takot sa mga mata nito kanina ay hindi para sa kalaban kundi para sa kanya. Shit! He must looks so fucking bad! Way to go to impress a lady Firen. Malas!

Pero mukhang may pag asa pa naman siya kung ang pagbabasihan ay ang paglamlam ng mga mata ng dalaga.

Tumikhim si Prema bago nagsalita, "mabuti na yong nagkaintindihan tayo dahil kung mamamatay ka hindi kita patatawarin."

"If my body doesn't hurt like hell I will drag you down from your horse and kiss you senseless." Bantang totoo ni Firen.

"Promises, promises!" Nakalabing sabi nito. 

"I missed you meFelina." Buong pusong pahayag ni Firen.

Hindi nakasagot si Prema dahil may narinig malakas na tunog. Isa na namang troll ang napatay ng mga kasama nila.

"Stay here. I'll be right back. Your Princess will do battle for you! And win it in an hour." Sabay kindat at mabilis na pinatakbo ang kabayo. Si Firen ay naiwang nakatayo na napapalibutan ng mga katawan ng mga kasamang sinamang palad at ang katawan ng troll na napatay niya kanina.

Gustong-gusto na ni Firen na humiga sa damuhan at magpahinga. Ang kaninang iniindang sakit ay unti-unti ng namamanhid. Alam niyang delikado na ang lagay niya dahil hindi namamanhid ang sugat ng isang taong sugatan maliban nalang kung malapit na itong mamatay. Pero nakapangako na siya. Hindi niya babaliin yon, lalo na at nagpahiwatig si Prema na siya ang dahilan kaya bumalik ito. Kaya hihintayin niya ito. Lalaban niya ang antok na nararamdaman dahil baka makatulog siya at hindi na muling magising kailanman.

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon