Love~3

15.1K 294 23
                                    

"San ka?" tanong ni Kyd sa kabilang linya. Ang aga nga nya tumawag,umaga pa lang buo na ang araw ko.

"Eto,pababa na kami ng jeep. Manong sa tabi lang!"

"May kasama ka?"

"Oo. Si Roo,kapitbahay ko lang sya eh." sagot ko at naglalakad na kami palapit sa gate ng school.

Tiningnan ko si Roo. Kumakanta kanta lang,may naka salpak na earphone sa magka-bilang tenga. Music lover pala ang bago kong bestfriend.

"Okay. Nakita na kita." at naputol na ang tawag.

"Hi my love!" agad na salubong sa amin ni Kyd. Ramdam kong nagblush agad ako dahil sa simpleng pag hi lang nya.

"O sige best,mauna na ako. See you around!" tinapik ni Roo ang balikat ko at umalis na. Hay,talagang totoo palang hindi sila nagpapansinan,si Kyd naman hindi talaga tinitingnan si Roo,na para bang hindi ito nag e-exist. I need to know what really happened at kailangan mapag ayos ko sila.

"Kamusta ang umaga ng mahal ko?" ani Kyd habang naglalakad kami,kakapasok lang namin sa gate. Tumingin muna ako sa paligid bago sumagot. Ang dami na namang kasing nakatingin eh. Hindi talaga ako sanay.

"Ayos naman. Maganda ang tulog,maganda din ang gising." naka ngiti kong sagit. Humagikgik sya.

"Ano plano mo ngayong araw?" tanong nya habang may dinudukot sa bag at patuloy pa din kaming naglalakad.

"Uuwi pagkatapos ng klase. Wala naman akong alam dito sa lugar na ito. Bagong lipat lang kami diba?"

"Ay! Oo nga pala! Edi mag gala tayo sa Mall. Ako ang bahala,okay ba sayo?"

"Sige! Sasabihin ko kay Roo para hindi na sya maghintay."

"That's great!"

Nakarating na kami sa room ko,talagang hinatid pa nya ako. Yung mga kaklase ko namang babae mga nagpipigil ng kilig at ngiti. At sina Kim at Flexi! Kitang kita ko kung paano sila sumilip sa bintana! Mga baliw talaga!

"Nga pala Maine,bago ka pumasok sa room mo. Gift ko sayo." naka ngiting sabi ni Kyd. Napagwapo talaga. Pero ganun na lang ang gulat ko ng kunin nya kanang kamay ko at may isuot dito.

Gold Bracelet!

Napanganga talaga ako. Bakit nya ako binigyan? Ang mahal nito ah?

"K-kyd? Ano yan? Mahal to ah? Huwag na!" Ang nahihiya kong sabi. Pero ngumiti at kumindat lang sya. At ayon,nagrigudon na naman ang puso ko.

"Mas mahal naman kita! Gift ko yan sayo,gusto ko laging makita na suot mo yan. Sige na,bye! I love you Maine ko" sabi nya sabay halik sa labi ko at tumakbo na palayo.

Natulala ako. Napahawak ako sa dibdib ko,tapos sa labi ko. Saglit lang yon pero damang dama ko. Parang lumutang ako sa alapaap,napaka magical.

"Ikaw na talaga teh! Parang bet ko na mag drop out!"

"Sinabi mo pa. Maglayas na tayo Kim."

Naririnig ko sila at ang sigawan ng mga kaklase kong babae pero parang na stuck na ako sa nararamdaman ko. Ang sarap! Unang halik sa lalaking una kong minahal. Napaka saya ko!.

Bumalik lang ako sa wisyo ng may kumurot sa tagiliran ko.

"Araay! Masakit yon ah?" ang agad kong daing. "Bakit ba?."

"Akala ko hindi nya mararamdaman teh." ani Flexi na tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Bumalik na sa earth ang space ship nya teh."

"Huh? Anong space ship?" taka kong tanong habang hinihimas yung part na kinurot ni Flexi.

-----

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon