Love~14

9.4K 220 1
                                    

Buo na ang desisyon ko. Papayag na ako sa gusto ni Kyd. Halos isang linggo na din akong bored dito sa bahay pag nasa trabaho si Kyd. Lagi ko lang iniisip yung pagkikita namin ni Roo at yung mga sinabi nya. Idagdag na natin ang sinabi ni Kiernan na tapos na syang bumawi. Bakit? Ano ba ang masama nyang ginawa noon?

"Sir,may sulat po." ani ng katulong at lumapit sa akin habang nanonood ako ng Tv sa living room.

"Salamat po!" at tiningnan ko ang mga ito. Hindi sya sulat. Invitation sya mula sa dati kong school. Alumni homecoming ito,tig isa kami ni Kyd. Ewan ko pero bigla akong na excite.

Tiningnan ko ang petsa. 3weeks from now. Makakapag prepare pa ako. Dito ko na din siguro unti unting malalaman ang mga lihim at nangyari sa nakaraan.

"Hello bie." ang sabi ko ng sagutin ni Kyd ang tawag ko.

"Yes? Napatawag ka bie? May nangyari ba?"

"Wala naman. Uhm may dumating na invitation,alumni homecoming ng dati nating school. Pupunta tayo?" ang pagcbakasakali ko. Baka kasi ayaw nya dahil nga may tinatago sya.

"I'll think about that bie,baka hectic ang schedule ko nun eh."

Napabuntong hininga ako.

"Yung alok mo. Pumapayag na ako bie." ang mahina kong sabi. Saglit na tumahimik.

"Talaga? Lets talk about that pag uwi ko. Thanks bie! I love you! Sige na,ang dami ko pang trabaho. Bye." at ibinaba na nito.

Ngayong pumayag na ako,siguro pagkatapos ng operasyon ay pwede ko ng dahan dahanin ang pagtatanong kay Kyd. Im really dying to know everything,lalo na ang tungkol sa tatay ko. Kung kasama ko sya sa aksidente,nasaan sya?

Sumapit ang gabi,dumating si Kyd na ang laki ng pagkakangiti. Agad nya akong hinalikan,syempre nagpaubaya ako,kung ang lahat ng ito ay para malaman ko ang katotohanan ay gagawin ko.

Matapos ang aming dinner ay inaya nya ako sa kwarto.

"Salamat sa pag payag bie,magpapa book agad ako ng flight natin to Thailand para maoperahan ka agad." aniya habang naghuhubad. "But before that,susulitin ko muna ang panahong hindi ko na magagamit ang butas na yan."

At ng matapos ang mainit naming pagtatalik ay nagsimula ulit kaming mag usap ng seryoso.

"Natatakot ako sa magiging operasyon,pero para sayo,gagawin ko." ang bulong ko sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Salamat talaga bie. Hindi mo naman mararamdaman yon,maybe after ng operation ay may pagdaanan ka ngunit hindi yon magtatagal. And by that time siguro,aattend na tayo sa Alumni Homecoming." pabulong din nyang sabi at hinalikan ang aking noo.

"Talaga? Salamat!" sabi ko na lang at gumanti ng yakap. Alam kong may patutunguhan din itong pagsasakripisyo ko.

Hanggang sa sumapit ang araw ng pagpunta namin sa Thailand,lahat na ay naisa ayos ni Kyd. Pati ang mga duktos na hahawak sa operasyon ko ay mga nakausap na din nya.

Ilang beses pa akong tinanong kung sigurado na ako dahil once na pumasok na daw sa operating room ay wala ng atrasan.

Nagdalawang isip ako. Pero para sa katotohanan ay gagawin ko ito. Kaya ng ipasok na ako sa operating room ay abot-abot na ang kaba ko.

Pagkatapos ng operasyon na ito ay tuluyan na akong magiging babae. Ni hindi pumasok sa isip ko na dadating ako sa ganitong punto.

At nang may iturok na sila sa akin at nakaramdam ako ng antok ay ipinagpasa Diyos ko na lang ang lahat.

Mahabang katahimikan at kadiliman. Hanggang sa may mga makita akong imahe,ako at si Roo,may mga kasama kami at nagtatawanan,parang nasa isa kaming kainan. Hanggang sa nagbago ulit, ang sarili ko ang nakikita ko,naka toga at umiiyak,nanakbo ako papunta sa isang kotse at may sumunod na lalaking may edad.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Where stories live. Discover now