Love~16

9.6K 235 27
                                    

Kinabukasan ay pinayagan na ako ng duktor na makalabas. Yun nga lang,naka wheelchair ako at si Roo ang nagtutulak.

Sa van kami ni Mister M. sasakay papunta sa kung nasaan si Papa. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang maisip si Kyd.

Kamusta na kaya sya? Ayos na kaya sya? Naisip ko yung mga panahon na sobra kaming nabaliw sa isa't isa. Nga lang,sumobra sya at sinamantala nya na wala akong maalala. Mahal ko sya,pero ngayon hindi ko na alam,bago pa man maganap ang aksidente ay malinaw sa akin na may nararamdaman na ako nun kay Roo,at ngayon nga napatunayan kong may nararamdaman nga ako kay Roo.

"Again,I just want to say sorry kung itinago ito ng anak ko." ani Mister M Habang nagmamaneho. Wala sa amin ang kumibo. Naisip ko na magiging masaya kami ni Papa dahil magkikita na kami pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Nagsalubong ang mga kilay ko ng mapansin kong sa sementeryo kami pumasok. Kumalabog ang dibdib ko.

"Bakit dito po tayo pumunta?" ang malakas kong sabi. Kinakabahan na ako,nagtutubig na ang aking mga mata.

"Kalma Maine." ani Roo at hinaplos ang likod ko. Bumaba na si Mister M,sumunod kami. Habang tinutulak ni Roo ang wheelchair ay palakas ng palakas ang pagkalabog ng dibdib ko. Sana mali ako ng iniisip,dahil hindi ko talaga mapapatawad si Kyd.

Tumigil sa tapat ng isang Museleo si Mister M,binuksan nya ito. Agad may bumara sa lalamunan ko ng makita ko ang litrato ni Papa. Pumasok kami sa loob. Nag unahan ng tumulo ang mga luha ko ng makita ko sa lapida ang pangalan ni Papa.

"Nung ma aksidente kayo,dead on arrival ang Papa mo,nataranta ang anak ko,nakiusap sya sa akin na sa bahay ko ipagamot,ang kwarto sa guestroom ang naging ospital mo. Ang papa mo naman ay agad naming inasikaso para mailibing. Believe me Maine,naging biktima lang tayong lahat ng sitwasyon." mahabang sabi ni Mister M,Pero walang nagawa yon para mabura ang galit ko.

"Napaka sama nyong mag ama! Hindi ko kayo mapapatawad! Itinago nyo ang lahat! Inilihim nyo! At ngayon,ihaharap nyo sa akin ang ama ko na lapida na lang? Nasan ang mga puso nyo!" ang singhal ko habang umiiyak,hindi ko matanggap. Ni hindi ko man lang nayakap si Papa.

"Im sorry Maine." ani Mister M.

"Mister M,salamat po sa pagsama nyo dito. But can you give us a minute?" ani Roo. Tumango si Mister M at lumabas.

"I don't know what to say." dinig kong sabi ni Flexi.

"Maine,look at me and listen to me." ani Roo at lumuhod sa harap ko. "You just have to open your heart and mind. Alam naming sobra kang nasasaktan,but I don't think na matutuwa si Tito dahil umiiyak ka." at hinawakan nya ang mga kamay ko. It felt so warm,parang kumakalma ako.

"Bakit nila ginawa sa amin ito? Pinagsamantalahan nila ang pagkakataon. Nagpagamit ako ng ilang beses kay Kyd,pumayag akong ipaopera nya ako dahil naniwala ako sa mga sinabi nya."

"Its because,he loves you. But he was just consumed with his love for you. Ginawa nya ang sa tingin nya ay tama para sa kanya. At si Mister M,bilang ama ay inintindi nya ang anak nya. Hindi magandang magtanim ng galit sa kapwa Maine. Ayokong lamunin ka ng galit mo sa kanila." nakatitig sya sa akin,para akong tinutunaw. And somehow kumalma na ako ng tuluyan.

"Ayaw ko muna silang makita at makausap." ang mahina kong sabi.

"Roo,Maine uhm,mag offer tayo ng dasal para kay Tito,then iwanan muna namin kayo saglit para masulit nyo ang pakikipag usap kay Tito." ang sabi ni Kim.

Si Toy ang nag lead sa dasal. At habang nangyayari yon ay panay ang iyak ko. Pumapasok sa isip ko si Papa at yung mga panahon ma magkasama kami,masaya. He was my hero,my idol and my everything. Mahal na mahal ako ni Papa. At ngayong wala na sya ay hindi ko na alam kung paanong magsisimulang ulit. Parang sa salamin na pag nabasag ay ang hirap ng buuin,ganon ang buhay ko ngayon,mahirap ng mabuo.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Where stories live. Discover now