Love~10

10.1K 243 11
                                    

NOTE - Ang chapter na ito ay magiging 3rd Person Point of view. Alam kong madaming magugulat sa pangyayari,kaya nga ginawa kong 3rd person para maihayag ang Pov ng bawat isa.

---

"Limang taon mo ng itinatago dito sa States si Maine. Limang taon na din syang comatose anak. Anong plano mo?" ang sabi ni Mister M. sa anak.

"Dapat ko lang syang itago,sobra na ang naranasan nya sa Pinas,Dad. Kahit pa abutin ng ilang taon syang comatose ay hihintayin ko ang pag gising nya." ang sagot ni Kyd sa ama. Hinaplos nya ang buhok ng wala pa ding malay na si Maine.

"Pero hinahanap na sya ng mga kamag anak nya,pati ng mga kaibigan nyo. Look at Maine,makina na lang ang bumubuhay sa kanya." ang pagpapatuloy ni Mister M.

"Tapos na ang lahat dad,naayos na natin iyon remember? Tsaka huwag kang magsalita ng ganyan,ang doctor na ang nagsabi na magigising pa sya. Kaya kahit gaano katagal ay hihintayin ko ang araw na iyon. Bakit hindi ka na lang bumalik sa Pilipinas at asikasuhin si Uriel at ang agency mo. Kaya ko na dito mag isa." ang mahabang sagot ni Kyd sa ama. Huminga ng malalim si Mister M,saka lumabas ng kwarto.

Hinihiling ni Mister M,na kung magising man ang batang si Maine ay matanggap nito ang lahat,ganon din sa anak nyang si Kyd,matanggap sana nito ang magiging reaction ni Maine pag nagising na.

"Bie,pasensya ka na at ginawa ko ito,ayoko lang talaga na mawalay ka sa akin,sa kahit anong paraan ay gagawin ko,huwag ka lang malayo sa akin,mahal na mahal kita,at sana balang araw,mapatawad mo ako sa mga pagkakamali ko." ang pagkausap ni Kyd kay Maine.

Matapos kasi ang aksidenteng iyon,sa mismong araw ng graduation nila ay madaming nangyari. Mga pangyayaring nagtulak sa kanya para itago si Maine sa America. Ng dahil kasi sa mga litratong iyon ay nagulo ang lahat.

Oo,inaamin nyang hindi nya talaga gusto ang mga bakla at naisipan nyang magtrip. Pero ng makita nya si Maine ay nag iba ang lahat. Ang tanging pagkakamali nya lamang ay hindi na nya nabawi kina Kiernan ang dati na nyang nasabi. At dumagdag pa nga ang selos na nararamdaman nya tuwing magkasama si Maine at Roo,pero itinago nya ang selos,ayaw na kasi nyang mag away pa sila ni Roo gaya dati.

Ngunit selos din pala ang sisira ng lahat. Ayaw ng manisi kung sino ang may pakana ng paglabas ng litrato nina Maine at Roo,dahil alam naman nyang may mali din sya. At ngayon nga ay gagawin nya ang lahat huwag lamang silang magkalayo ni Maine,huwag lamang silang magkasirang muli.

"Pangako,pag nagising ka,hindi na tayo magkakahiwalay pa." ang sabi pa nya,hinawakan nya ang kamay ni Maine,saka yumuko para maidlip sandali.

-----

"Limang taon na tayong ganito,para tayong naghahanap ng karayom sa isang kumpol ng dayami." ani Chael sa mga kasama habang nandito sila sa tapat ng dating bahay nina Maine.

"Bakit kasi hindi pa natin kumprontahin yang si Kiernan? O kaya yang si Kyd kung nasaang lupalop man sya ng planetang earth." sabi naman ni Kim saka umirap.

"Nakausap ko na si Kiernan dati pa. I know him. Maaaring ayaw nya sa amin ni Kyd pero hindi sya makakagawa ng ganong bagay,hindi din naman sya sinungaling. Kaya sa tingin ko,si Kyd ang nagtago kay Maine." ang sagot ni Roo habang tinitingnan ang bahay. Limang taon na silang naghahanap. Limang taon na din syang nangungulila kay Maine.

Sinisisi nya ang sarili. Kung sana,hindi nya ginawa yon ay walang lalabas na ganong litrato,walang mangyayaring masama. Nang dumating kasi sila sa lugar ng aksidente ay wala ng tao sa kotse,wala si Maine at ang Papa nito,pero nandun ang motor ni Kyd.

"Grabe talaga ang pagka obssessed nya kay Maine! Grabe din sya magtago,ni wala tayong idea kung buhay pa ba ang mag ama o hindi na." pagsingit ni Flexi sa kanilang usapan.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Where stories live. Discover now