Love~1

22K 421 42
                                    

"Ingat baby princess!" sigaw ni Papa mula sa pinto ng bahay. Namula agad ako dahil dun. Buti walang masyadong tao,maaga pa kasi eh. Kinawayan ko lang si Papa at naglakad na papunta sa sakayan ng jeep.

Sobrang excited na ako,first day ko sa new school ko. Though,kahit second grading na ay inilipat pa din ako ni Papa kesa tumigil ako,sayang naman kasi,last year ko na sa high school. Hindi kasi naging maganda ang buhay ko sa dati kong school,honestly pang apat na beses ko ng naililipat,pati bahay pang apat na beses na kaming lumipat. Lagi ako pinagtitripan sa mga dati kong school,which is puro all boys,kaya hindi nakakapag taka na mabully ako.

"Hi! Bago ka dito? Ngayon lang kita nakita eh." ani ng isang boses.

Huh? San galing yon? Lumingon ako sa paligid,wala naman tao.

Hala? Ang aga aga minumulto ako? Eehhh!

"Ano bang nililingon mo dyan? Nandito ako sa taas."

taas? Saang taas? Eh puro ulap ang nakikita ko?

"PAPAAAAAA!!!!" sigaw ko yan ng biglang may tumalon sa harapan ko. Pakiramdam ko montik na akong maihi.

"Wuy! Huwag kang maingay dyan! Baka isipin nila may ginawa akong masama sayo." sabi pa nito sabay takip sa bibig ko. Napakurap pa ako ng ilang beses para masiguro kong tao ang kaharap ko. Ang gwapo naman nito? Teka,sya yung nagsasalita? Agad kong tinanggal ang kamay nya sa bibig ko.

"Papatayin mo ba ako? Teka,ikaw yung kumakausap sa aking invisible? Sino ka ba? San ka galing?" ang sunod sunod kong sabi at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Gwapo talaga. At pareho pa kami ng uniform. Schoolmate ko pala sya.

"Oo ako nga yon!" nakangiti pa nyang sabi. "at hindi ako invisible no? Nandun lang ako sa sanga ng puno,naghihintay ng kasabay pumasok sa school. And pinakahuli,Im Rupert Santiago,pero Roo ang nickname ko."

At tiningnan ko nga ang puno na nasa gilid ng daan. Bakit hindi ko ito napansin kanina? Sa bagay,bago lang ako sa lugar na ito kaya hindi ako pamilyar. Malay ko ba kung bigla lang sumulpot ang punong yan dyan gaya ng Ruroopert na to.

"Ganun ba? Bakit wala kang kasabay?" sabi ko naman at nagsimula ng maglakad,sumabay naman sya. Mabuti na to,atleast may kakilala agad ako dito.

"Bagong lipat din kasi kami,last week lang,eh nakita kita kanina na pareho tayo ng uniform,kaya inabangan kita hehe."

"Pareho pala tayo,pero matagal ka na sa school?"

"Oo. Ano nga pala pangalan mo?"

"Jamaine Avelino,pero Maine palayaw ko."

"Pang babae naman pangalan mo,sa bagay,mukha ka namang babae. Ngayon lang nga ako nakakita ng magandang bakla eh." sabi nya yan. At alam ko,nag change color na naman ako.

"S-salamat." ang nahihiya kong sabi. Grabe naman. Hindi ako sanay. Sya ang ikalawang lalaki na pumuri sa akin. Nakakapanibago.

"Matagal ka ng bading?" out of nowhere ay tanong nya. Pakiramdam ko nalagas lahat ng ngipin ko sa tanong na yon.

"Oo naman! Nasa tyan pa lang ako ng nanay ko may cutics na ako!" sagot ko na lang. Ayoko magpaka sensitive at magpaka offend since sya ang una kong kakilala dito.

Humalakhak sya. May kasama pang pagpalakpak. Kahit nakasakay na kami sa Jeep ay tatahimik sya tas biglang hahagikgik. Sarap bigyan ng sprite ng matunawan. Hindi maka get over eh.

"Dito na tayo Maine!"

Pagbaba pa lang ay natuwa na ako. Ang ganda ng gate ng school at mukhang mas maganda pa sa loob.

"Ito pala ang St.Adams." wala sa sariling sabi ko ng makapasok na kami. Patingin tingin ako sa paligid. Patingin tingin din sila sa akin. I can't blame them,bagong mukha nga naman. Sana lang walang bully dito at talagang hindi ako mangingiming magpalipat ulit ng school.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon