Love~6

12.2K 292 27
                                    

Dedic to sayo,dahil kitang kita at damang dama ko ang pag suporta mo sa akin,natuwa ako na may sarili akong Reading List sa profile mo,thank you so much po! Pinataba mo ang puso ko,it almost made me cry. Maraming maraming salamat IREALL4GOT :) THANK YOU PO!

-----

"Sana ako na lang sya."

"Huh? Hindi kita maintindihan best. Lasing at pagod ka na. Magpahinga ka na,tara." ang tangi ko na lang nasabi at tumayo na,saka ko sya inalalayan at inakay patayo. "Ang bigat mo."

"Best,magagalit ka ba pag ginawa ko to?" ang bulong nya sa tenga ko kaya nanindig ang balahibo ko.

"Pag ginawa ang al---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil siniil nya agad ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko,pinilit ko syang itulak pero parang hindi sapat ang lakas ko. Parang bigla din nanlambot ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa kanya. At ang puso ko,hindi ko maintindihan,parang triple ang bilis ng tibok nito ngayon. Pero bago pa man ako mawala sa pag iisip ay buong lakas kong tinulak si Roo at walang lingon likod na tumakbo papasok sa cottage.

Agad akong nagtago sa CR,kailangan kong pakalmahin ang sarili ko at ang puso ko. Parang nahihirapan akong huminga.

"Bakit yon ginawa ni Roo?" tanong ko sa sarili at napahawak sa aking mga labi. "Bakit nya ako hinalikan?"

Lasing lang sya. Yon lang yon,at dapat hindi ko na ito gawing big deal. Bestfriend ko sya at ayaw kong ng dahil lang dun ay magkasira kami,sigurado naman kasi,na bukas nakalimutan na nya yon. Isipin ko na lang na hindi ito nangyari. Tama,ganon na nga lang.

"Sinong tao dito? Kamusta naman? Nasa taas ang mga kwarto! Hindi yan tulugan! Paiihiin mo muna ako kung sino ka man." boses iyon ni Kim na sinasabayan ng malalakas at sunod-sunod na katok. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ng Cr.

"Pasensya na. Hindi ko mapigilang magsuka." pagdadahilan ko.

"Ikaw pala yan! Next time huwag lumaklak kung hindi keri. Tabihan mo na yung irog mo sa itaas ng matigil sa pagka snorlax! Nakakaloka parang hindi mayaman." ang nakangiting sabi ni Kim. Nginitian ko na lang din sya at nagpaalam ng aakyat.

Kinabukasan ay maaga pa lang handa na kami sa pag uwi. Ewan ko ba,parang may nag iba bigla samin ni Roo. Hindi ko lang alam kung napapansin nila yon,pero ako damang dama ko kahit na nag uusap kami na parang walang nangyari kagabi. Sa totoo lang,hindi ako nakatulog dahil sa halik ni Roo,bago ako makatulog eh sya ang nasa isip ko.

Masaya ang byahe pauwi,nagkakantahan pa kami,mas naging close kami sa isa't isa. Ganon naman talaga siguro pag nakasama mo ang mga kaibigan mo ng higit sa bente quatro oras. Minsan din nagkakatinginan kami ni Roo,ako unang nagbabawi ng tingin,I dont know pero may nababakas ako sa mga mata nya na hindi ko pa kayang pangalanan.

Alas sinco na ng hapon ng maka uwi kami. Hinatid pa ako ni Kyd,pero si Roo dumiretso na ng uwi,alam ko kasing kakausapin sya ni Papa.

"Magandang hapon po Mister Avelino." ang nakangiting pagbati ni Kyd kay Papa ng salubungin kami nito sa gate. Nagmano ako at humalik matapos bumati ni Kyd.

"Magandang hapon din ijo,kasama ka ba nila?" ani Papa.

"Opo,binantayan at inalagaan ko po si Maine dun,kaya eto sya,naihatid ko ng safe and sound."

"Mabuti naman kung ganon. Pero hindi ka na dapat nag abala ijo,si Roo ang inatasan ko eh. Teka,nasan na ba ang batang yon?" sabi naman ni Papa. Napatingin sa akin si Kyd kaya ako na ang nagsalita.

"Pa,ginawa nyo namang baby sitter si Roo,mabuti at hindi nya nagawa ang pinapagawa mo baka hindi sya nakapag enjoy kung sakali,saka si Kyd naman ang gumawa." ang sabi ko saka hinawakan ang kanang kamay ni Kyd. Nakita kong sinundan ng tingin ni Papa ang mga kamay namin.

Inlove with you,too. (boyxboy)-COMPLETED!Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt