Shadow Of Tears: [Part 39]

548 239 16
                                    

Chapter 39

Kacey Lee's POV

Nasa veranda ako ngayon ng kwarto habang umiinom ng wine. Inaalala ko ang nangyari kanina.

"Napakababaw mo."

Bigla naman akong napapikit ng maalala ko ang mga salitang 'yon.

"You! Nothing but a dirt! Bruha ka talaga. Nakakainis ka!"

Napakuyom naman ako at bigla kong naitapon ang basong hinahawakan ko.

Tama ang ginawa mo Kacey. Kailangan mong maghiganti. Hindi mo dapat sila hayaang kalimutan ang pasakit na dinulot nila.

"Kacey," Biglang dumating si daddy. "Okay ka lang?" Dagdag niyang tanong saka ay tinapik ang kanan kong balikat.

"Opo. Okay lang ako." Sagot ko.

"Magaling ang ginawa mo. Bukas na bukas, magiging headline na naman sila. Magsisimula na ang pagbagsak nila." Anas niya habang nakatanaw sa malayo.

"Matulog ka na't magpahinga." Anas niya sabay gulo ng buhok ko. Saka ay tuluyan ng lumabas sa kwarto ko.

Napahawak naman ako sa buhok ko. Paminsan-minsan niya lamang 'yon ginagawa sakin. Napangiti naman ako. Sana gan'to nalang lagi.

Naalala ko naman bigla ang mga Go. Oo nga, magiging headline na naman sila. *Deep breath* Naalala ko na naman 'yong araw na paglayas ni mommy.

Flashback.

"Bakit mo kami niloko, ha? Sino ang ama ng batang 'yon? Saan mo itinago ang batang 'yon?!" Rinig kong sigaw ni daddy mula sa loob ng kwarto nila. Kauuwi ko lang naman galing sa school, isang kinder garteen student pa ako.

Napasilip naman ako sa loob. Nakita ko si mommy na umiiyak, pati narin si daddy na galit na galit. Nagulat naman ako ng bigla akong kinalabit ng yaya ko.

"Halika Kacey, doon tayo maglaro." Yaya niya sakin.

"Yaya, bakit po nag-aaway si stepmom at si daddy?" Tanong ko sakanya. Tama po, stepmom ko lang po siya. Pero kahit ganun nang dumating siya sa buhay ko, napamahal na ako sakanya.

"Sino po bang bata ang ibig sabihin ni daddy?" Dagdag kong tanong.

Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto nila daddy. Papasok sana ako para lapitan si mommy ng bigla akong pinigilan ni daddy.

"Simula ngayon, 'wag ka ng lumapit sakanya. Hindi mo na siya mommy. Naiintindihan mo?" Galit na paalala ni daddy sakin.

"Pero~"

"No buts Kacey. Makinig ka nalang." Tapos ay agad na niya akong pinatabi.

"Sander, halika. Pumasok ka dito." Utos ni dad sa secretary niya.

Nakinig parin ako sa mga pinagusapan nila sa loob kahit na hinila na ako ni yaya.

"Kacey, malalagot ka kay daddy pag nakita ka niya."

"Saglit lang yaya."

Narinig ko naman ang pag-uusap nilang dalawa.

"Hanapin mo ang batang 'yon. Kung hindi mo mahanap, patayin mo silang lahat." Boses ni daddy.

"No, 'wag mong gawin 'yan. Nakikiusap ako sayo Rico, 'wag mo silang damayin. Please, maawa ka. 'Wag mong saktan ang anak ko." Boses 'yon ni mommy. Teka, may anak si mommy?

"Yaya, sino po ba ang anak ni mommy? Bakit po ba ipapapatay ni daddy?" Natatakot kong tanong kay yaya. Agad naman akong binuhat ni yaya at inilayo sa kwarto nila mommy at daddy.

Lumipas ang ilang oras, nasa kwarto lamang ako habang naglalaro ng puzzle ko. Natatanaw ko ang labas ng bahay namin.

Nabigla naman ako nang, bigla kong nakita si mommy na may katagpo sa labas. Isang lalakeng nakasuite. Nagbow naman ang lalakeng 'yon. Saka ay nag-usap sila, si mommy naman ay tila natataranta.

End of Flashback.

'Yon ang mga pangyayari noon. Napakagulo ng buhay ko. Lumayas si mommy sa bahay at hindi na nakita pa, hanggang isang araw, nabalitaang naaksidente si mommy at agad na binawian ng buhay.

But then, hindi namin alam ni daddy kung bakit ayaw paring matahimik ng puso namin. Kung bakit 'di parin nahihilom ang sugat na natamo namin dati. Sinisisi namin ang mga Go sa pagkawala ni mommy.

Ngayon naman, itatanong niyo kung bakit nadamay si Ronnie Go? Lumaki akong mag-isa, walang ibang kasama kundi si yaya. Pinalaki ako ni daddy na puno ng galit at sakit. Inukit niya sa puso kong, ipaghihiganti ko ang sinapit ni mommy at ng buong pamilya namin.

Habang pinag-aaralan namin ang bawat kaaway at kalaban, nakilala kong secretary pala ni Ronnie Go ang lalakeng kausap ni mommy dati. Nalaman ko ring, si Ronnie Go ang ama nung batang sinasabi ni daddy.

Naputol naman ang pagmumuni-muni ko nang biglang may tumawag.

~Incoming call: Unknown number

[Phone Conversation]

"Hello?"

[Kacey.]

Bigla akong natigilan nang makilala ko ang boses niya. Siya na naman. Ang babaeng pinakamamahal ko.

"Anong kailangan mo?"

[Nabalitaan ko ang ginawa mo. Magaling Kacey, pinabilib mo 'ko.]

"Ginawa ko lang ang dapat."

[Isa na lamang ang gagawin natin ngayon, bago natin itarget si Ronnie Go. Ang malaman kung sino ang babaeng 'yon.]

"Babae?"

[Ang babaeng laging pumapagitna sa lahat ng plano natin. Mag-iingat ka Kacey, baka maunahan nila tayo.]

*Hanged up* Agad na niyang ibinaba ang tawag. Samantalang, naiwan akong nag-iisip. Sino nga ba 'yon? Ano bang kailangan at kinalaman niya sa mga Go?

Ronnie Go's POV

Agad na kaming nagtungo sa bahay matapos ang gulo sa hotel. Napapikit naman ako dahil sobra akong napagod sa mga pangyayari ngayon.

Kacey Lee. Ano bang nasa isip mo? Bakit ba ganun ang paniniwala mo?

Bigla ko namang naalala si Reena. Tama, siya 'yong binisita ko sa sementeryo. Puntod ni Reena 'yon.

Ano na bang gagawin ko ngayon? Reena, sabihin mo. Ano bang gagawin ko?

Flashback.

"Ano bang kailangan mo at nagpakita ka pa dito? Sinabi kong, may magiging asawa na ako. Aksidente lang ang nangyari sa gabing 'yon." Sabi ko kay Reena. Nakipagkita kasi siya sakin kahit na napakalalim na ng gabi.

"Ronnie, alam mo~ seryoso ako sayo. Pero, wala na talaga akong pag-asa 'diba?" Anas niya.

"Reena, sinabi ko na. Mahal ko ang magiging asawa ko. Lasing lang ako kaya nangyari 'yon."

"Kung ganun, ako nalang ang magpapalaki sakanya." Bigla niyang sabi sabay hawak sa tiyan niya. Nagulat naman ako. Hindi maaari.

"Teka, a-anong ibig mong sabihin? Sinasabi mo bang~"

"Buntis ako ng isang linggo Ronnie at ikaw ang ama." Nakangiti niyang sabi. Halos mailuwa na ang mata ko sa sobrang gulat.

"Te~teka, Reena, kailangan mong ipalaglag ang bata. Hindi 'to maaari, masisira tayong dalawa." Alala kong sabi. Nakita ko namang, napayuko siya at namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya.

"Biyaya 'to sakin Ronnie, bakit ko pa ipalalaglag? Hayaan mo na, itatago ko siya. Itatago ko ang pagkatao niya. Hinding-hindi ka masisira. Ibibigay ko siya sa taong magmamahal sakanya bilang isang totoong anak at pamilya." Masaya niyang sabi, ngunit alam kong sa kabila ng ngiti niya, ay ang sakit na nadarama niya.

End of flashback

I'm sorry Reena, I'm very sorry.

To be continue...

Shadow Of Tears #Wattys2017Where stories live. Discover now