'1

2.7K 118 92
                                    

'1

Kaliwa
Kanan
Kaliwa
Kanan

Kanina pabalik-balik ang mga mata ko sa kaliwa at kanan. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil ito ang unang beses na nakilala ko yung mga taong nasa paligid ko o kinakabahan ako dahil kailangan ko silang makilala . Pakiramdam ko ay tinitignan nila ang kaibuturan ng kaluluwa at pagkatao ko sa bawat pares ng mga mata na nakatingin sa akin. Walang gustong magsalita sa isa sa kanila. Tinignan ko sila bawat isa habang binibilang kung ilan sila, mayroon 10 tao sa loob ng isang malaking kwarto at pang11 ako pero parang walang tao dahil sa sobrang tahimik.

Napakamot ako sa sentido ko dahil sa nararanasan ko ngayon, hindi ako sanay na nakatingin sa akin ang maraming tao pero dahil napagtripan kong maging idol ay kailngang masanay na ako.

"Ah" nagtry akong gumawa ng ingay, sabay-sabay naman nilang itinaas ang mga kamay nila at ipinatong sa mesa sabay tingin sa akin kaya nagulat ako. Bakit ganon yung mga tao dito?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at nagbow sa harap nila. "Annyeonghaseyo Do Hera imnida" pakilala ko sa kanila. Muling nagpabalik-balik ng mga mata ko sa kaliwa't-kanan dahil walang nagresponse sa kanila. Nawiwierduhan na ako sa kanila, mali ata ako ng agency na pinasok, Asylum ata ang lugar na ito.

Maya-maya ay bumukas yung pinto ng kwarto kung nasaan kami at pumasok si PD-nim kaya sabay-sabay silang tumayo at nagbow kami. Naglakad papalapit sa akin si PD-nim at nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Buti pa si PD-nim, normal tong sampung kasama ko parang mga takas sa mental.

"Nakilala mo na ba sila?" Tanong nya sa akin at nahihiya akong tumawa at umiling. Ni hindi nga nila ako pinapansin eh.

"Nagpakilala po ako pero hindi nila ako pinansin" mahinang sumbong ko sa kanya at napailing naman sya.

Umubo sya ng ilang beses at napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. "Guys, napagusapan na natin to di ba? Hindi pwedeng tumuloy sa promotion ang Empress ng 3 members na lang sila, alam nyo yan Hyemi, Jera at Eunsoo di ba?" Sabi ni PD-nim dun sa mga babae na nakaupo sa unahan at tumango sila.

Tumayo yung babaeng may cute na nunal sa gilid ng kanang mata nya at nagbow sa harap ko. "Mianheyo, Empress Leader Hyemi imnida" sabi nya sabay lahad ng kamay sa harap ko, tinanggap ko naman iyon at sumunod yung babaeng pinakamaiit sa kanilang tatlo.

"Eunsoo" pakilala nya tapos yung pinakahuling babae na medyo masungit tignan at nagpakilala pero hindi sya nagpashake hands.

"Jera" cold na sabi nya sa akin at agad umupo kaya naiwan yung kamay ko sa ere, tumayo naman yung nasa kabilang part ng table at nakipaghandshake sa akin. Sya ang sumagip sa kamay kong naiwan sa ere, napatulala ako ng makita ko syang ngumiti.

"BTS Jin" sabi nya tapos sunod-sunod na silang nagpakilala.

"J-hope" sabi nung lalaking mukhang hyper at ang laki ng ngiti.

"Suga" walang ganang pakilala nung isa.

"Jimin" sabi nung cute at nawala yung mata nya nung tumawa sya.

"RapMon, BTS Leader" sabi nung isa na medyo nakakatakot pero malakas ang dating.

"V" sabi nung pangalawa sa dulo. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nyan, ano daw pangalan nya?

"Pardon?" Sabi ko with British Accent pa, inulit naman nya yung sinabi nya kaya napagawa ako ng V-sign sa kamay ko.

"V?" Tanong ko ulit tapos tumango sya, pwede na pa lang letra na lang ang pangalan ngayon? Bakit parang ang layo ng mundong kinagisnan ko sa mundo nila, pareho pa rin namang nasa earth ang U.K at Korea di ba?

"Jungkook" sabi nung malaki ilong sa na kaupo sa may pinakadulo. Infairness ang nose bridge ni Kuya ah, medyo perfect. Napahawak naman ako sa ilong ko, matangos din naman pero mas matangos yung kanya.

Napansin kong napahagikhik sila sa ginawa kong paghawak sa ilong ko. Hala! Nakakatakot pala talaga dito, bigla-bigla na lang natawa yung mga tao.

"Guys sya si Do Hera, pero ang gagamitin nyang stage name ay--"

"Janna" pagtuloy ko sa sinabi ni PD-nim. Nagtaas naman ng kamay yung medyo nakakatakot pero malakas ang dating.

"Why Janna? Is that your English name?" Tanong nya sa akin, napailing naman ako sa kanya.

"My name was already in English. Hera, it came from Hera, the Greek goddess of women and marriage. I choose Janna because it reminds me of my Mom" sagot ko sa kanya. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko sa mga mata ko pero pinigilan ko, pagdating talaga kay Mom nagiging emosyonal ako.

"Si Janna ang magiging Main Dancer at lead vocals ng Empress. It's been a year Empress, kailangan nyo ng magcomeback dahil naghihintay na ang stage ng mga Music Shows at fans nyo para sa pagbabalik nyo" anunsyo ni PD-nim at halatang nagulat yung mga magiging ka miyembro ko, pero may isang hindi sang-ayon.

Tumayo sya mula sa pagkaka-upo nya kaya natigil ang lahat. "Hindi ako sasali sa comeback" sabi ni Jera Unnie kaya nawala yung mga ngiti sa labi namin.

"Jera" tawag sa kanya ni Eunsoo Unnie.

"Walang papalit kay Yoora" dagdag nya pa kaya may namuong tensyon sa loob ng conference room kung nasaan kami. Lalabas na sana sya ng tawagin sya ni PD-nim.

"Jera!" Tumigil sya sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sya sa amin.

"Kelan mo tatanggapin na wala na si Yoora ha?" Tanong sa kanya ni PD-nim, nakita kong napakuyom sya ng kamay nya.

"Haji anta PD-nim, Haji anta" sagot nya bago tuluyang lumabas sa kwarto na iyon. "Never, PD-nim never"

Napabuntong hininga naman si PD-nim at pansin ko rin ang pag-iba ng atmosphere namin dahil sa nangyari. Sino ba si Yoora?

"Janna-sshi, mianhe." Sabi sa akin ni PD-nim at sinabi kong ok lang kahit na nacucurious ako sa nangyayari.

"Manaso bangawoyo, Janna-sshi. Welcome to Bighit Ent." Sabi ni PD-nim at sabay-sabay silang pumalakpak kahit medyo akward pa rin yung atmosphere. Nagpasalamat ako at pilit na ngimiti sa kanila.

-----
Seems like mahihirapan akong iconvert kayo na bago na dapat ang kaOTP ni #Tete T_T

Alam kong sobrang mahal nyo ang #TaeRa pero give Hera/Janna a chance ok?

Still planning what will happen to this story since connected sya sa Hold Me Tight. *cross fingers* Ayusin mo Laarni, maraming magagalit sayo kapag panget ang story ni #Tete.

I will try to put some light parts dahil gusto ko medyo childish at Brat ang character ni Janna pero expect scenes na medyo medyo nakakaiyak haha XD.

Ah! Eottokhae? Bakit kinakabahan ako sa magiging kakalabasan ng story na to? T_T

Shout out dun sa mga gumawa ng covers! Yay! Thank you sa inyo! Mahal ko kayo!

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon