Bet Your Heart ♡ Chapter 10

Start from the beginning
                                    

Ano ba naman ito?! Hindi ko na carry ang mga nangyayari! Nakaka-stress! Parang gusto ko na lang maglahong parang bula ngayon para makalayo sa mga problemang nasa harap ko.

Pero... waaah! Ayoko na talaga!

"Mark," tawag bigla ni Tita Belle sa anak niyang may sala kung bakit ako nai-stress.

May kalayuan siya sa amin, kausap sina Daddy at Tito Rick na katulad nila Mommy ay mukhang tuwang-tuwa sa mga nangyayari.

Ay, takte! Mga desperadong matatanda! Pero bakit parang ako lang naman ang hindi natutuwa ngayon? Kung makangiti rin kasi si Mark ngayon, from ear-to-ear!

Bwisit talaga!

Lumapit sa amin si Mark with his ear-to-ear smile on his lips and I have this urge na hatakin pa ang magkabilang dulo ng mga labi niya para mapunit na ang mukha niya!

"Anak, ihatid mo muna itong girlfriend mo sa room niya. Masama raw ang pakiramdam," utos ni Tita sa kanya.

"Sure,'Ma," nakangiti pa ding sabi ni Mark.

"Ingatan mo 'yang girlfriend mo. Mukhang buntis na," bilin pa ulit ni Tita at parang gusto ko na talagang maglaho na parang bula.

Kailangan ba talagang sabihin din sa harap nitong lalaking 'to na buntis ako kahit hindi naman talaga?

Goodness! Nakakahiya!

Pero bakit ba ako mahihiya sa kanya? Alam naman namin pareho na hindi totoo iyon!

Iniwan na kami ng dalawang matandang babae at pumunta sila sa pwesto nila Daddy. At dahil kaming dalawa na lang ni Mark, tininginan ko siya ng masama habang tino-torture ko siya sa isip ko.

Kasalanan niya itong lahat, eh!

Pero hindi ko muna siya kakausapin. Saka na lang kapag may naisip akong solusyon sa problemang ginawa niya dahil alam kong magtatalo lang kami at mai-stress lang lalo ang kagandahan ko sa kanya!

Nang ma-realize ko na hindi siya tinatablan ng lazer beam na nasa mga mata ko, walang salitang naglakad na ako pabalik sa room ko at sumunod naman siya sa akin.

"Masama ba talaga pakiramdam mo?" tanong niya nang makailang hakbang na kami.

"Oo! Sumama ang pakiramdam ko dahil sa mga pinagsasabi mo kanina!" pagalit kong sagot sa tanong niya.

"Bakit ba galit na galit ka? Ayaw mo bang matutupad ang pinapangarap nila Mama na isa sa amin ni Renz ang makatuluyan mo? Maswerte ka pa nga dahil hindi si Renz ang makakatuluyan mo," tatawa-tawa niyang sabi.

Oo, pangarap talaga nila Mommy at Tita Belle na isa kila Renz at Mark ang makatuluyan ko. Pero... diyos ko naman! Hindi ko kakayanin kahit sino sa kanila ang makatuluyan ko! Pareho silang babaero at siraulo! Sakit sila sa ulo! Kukulot agad and balat ko sa kanila at pati na din ang buhok ko!

"Kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka na sa harap ko. Kayang kong bumalik sa room ko na mag-isa," taboy ko sa kanya.

"Ayoko nga," sagot niya naman na umasta pa na parang bata na ayaw gawin ang ipinapagawa ng teacher niya.

Tsss! Bahala ka sa buhay mo!

Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat kwarto ko, na ipinagpasalamat ko, dahil hindi ko na maatim maramdaman ang presensya niya sa tabi ko at baka masakal ko na lang siya bigla!

Binuksan ko na ang pinto para pumasok na sa loob pero hinawakan niya ako sa braso ko, dahilan para humarap ako sa kanya.

"Ano na naman ba?!" naiinis kong tanong kasabay ng pagpiksi ko ng braso ko para matanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now