The Finale

1.4K 18 0
                                    

The Finale

Sam's POV

Nandito na kami malapit sa bahay.
Kailangan lang talaga naming takpan tong mata at bibig ni Dj para hindi mabulyaso ang plano namin.

"Suts!" Sinutsutan ko si Ej,sign na papasok na kami sa bahay.

Alam kong nasa loob na sila Kathryn.
Sa garden sila magi-stay kaya walang problema dahil sa kwarto namin balak dalin ang lalaking to.

Napakalikot talaga nito! Nakakapagod!
Binuksan ni Ej ang pinto.
Pagkatapos inakay namin si Dj paakyat ng hagdan.

"Wag kang magulo kung ayaw mong mahulog." Bulong sakanya ni Ej.

Masunurin din pala ang mokong na to.
Nakarating kami sa tapat ng kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto pagkatapos pumasok na kami.

Inupo ko muna si Dj sa kama.
Nag stretching muna kami ni Ej.
Abay hanep,sakit sa katawan.

Oras na para tanggalin ang blind fold sa mata nya.

Tinanggal ni Ej ang pagkakabuhol ng panyo.

"Bro!" Bati ko sakanya.

Lintik ang itsura ni DJ,parang lalamunin ako.

"DJ wag kang sisigaw utang na loob."

Pagkatapos tinanggal ko na ang tali sa kamay nya,sunod yung panyo sa bibig nya.

"Anak naman ng! Sam?Ej?"

"chill Bro!" Sabi sakanya ni Ej

"Oo nga Dj! Relax! Hindi ka ba masaya na nakita mo kami?"

"Hindi naman sa ano! Pero mga Pare wrong timing kase! Kailangan kong makita si Kathryn!"

"Bro,hindi na kailangan." Sabi ko sa kanya.

"Pare kailangan.Akala ko kung sino na dumakip sakin.Kayo lang pala!"

"DJ,makinig ka muna pwede?" Sabi ko sakanya

"Planado to lahat okey?Kaya utang na loob sumakay ka nalang."

"Planado?Saan?Teka Sam diko maintindihan."

"Dj pinlano namin tong lahat para sa inyo ni Kathryn.Pinaghirapan namin to para sa inyo." paliwanag sa kanya ni Ej.

"Pero Pare paano? Si Kathryn hindi ko alam kung nakasakay na ba sya ng eroplano."

"Hindi sya nakasakay Dj,Dahil nasa baba lang sya."

"Nasa baba?Si Kathryn?"

"Oo Dj."

"Seryoso ba kayo?"

"Mukha ba kaming nagbibiro?"

"Hindi.Kasi parang."

"Ay nako tama na muna yang arte.Sumunod ka nalang sa sasabihin namin para maging maganda ang flow."

"May nalalaman pa kayong flow."

"Eto tinutulungan ka na nga namin."

"Oh biro lang.Galit agad?Oh ano nga ba plano?"

"Pwede teka lang? Excited?"

"Oo Pare! Excited na kong makita si Kathryn! Kaya tara na."

"Loko ka ba? Tara agad? Pwede saglit lang! May hinihintay pa kasi."

"Sino?"

Karla's POV

Nandito na kami ni Diana sa bahay nila Sam.
Si Diana sa garden dederetso para kay Kathryn.Habang ako,sa kwarto sa taas para sa anak ko.

PBB Teens ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon