Chapter 54

1.2K 14 0
                                    

Diana's POV

Daniel,bakit?"

naiiyak ako pero pinipigil ko.

Iho mahal na mahal ka ni Kathryn...mahal na mahal ka ng anak ko.Talaga bang hindi mo sya matandaan?"

tumulo na ang mga luha ko.

Nasasaktan ako para sa anak ko.

Alam ko na doble pa ang sakit na mararamdaman nya pag nalaman nya 'to.

Kinausap ako ni Karla kanina.

Ang totoo daw nagkamalay na si Daniel pero sandali lang.

At sa pag dilat ng mata nya si Mikay ang una nyang nakita ngumiti daw si Daniel at binanggit ang pangalan ni Mara.

Naguluhan si Karla at Mikay sa pangyayaring iyon.

Binanggit daw nila na wala na si Mara.

Pero ipinipilit pa din ni Daniel na si Mara si Mikay.

Para makaiwas,sinabi ni Mikay kay Daniel na tatawagan nya si Kathryn dahil alam nyang matutuwa ang anak ko pag nalaman na gising na si Daniel.

Pero laking gulat daw nila ng itanong ni Daniel kung sino si Kathryn.

Pinaliwanag nila ang lahat pero hindi daw talaga matandaan ni Daniel ang anak ko.

At ipinagpipilitan ni Daniel na si Mikay si Mara.

Na si Mikay ang girlfriend nya at hindi si Kathryn.

Halos magwala daw si Daniel noon kaya tumawag agad sila ng Doctor at may itinusok sa katawan ni Daniel.

Simula daw nuon ay hindi pa nagkakamalay uli si Daniel.

Hindi masabi ni Karla kay Kathryn ang nangyari dahil alam nya na masasaktan ang anak ko.

Halos manghina ako nung narinig ko ang mga yon.

Daniel,alam mo ba kahit kailan hindi nawalan ng pag asa ang anak ko na gigising ka?"

na darating ang araw na pag gising mo sya agad ang hahanapin mo?"

Daniel ang saya sayang gumigising ng anak ko dahil dala nya ang pag asa na makakasama at mayayakap ka ulit nya."

Daniel pakiusap,alalahanin mo sya.Kung hindi mo man sya makita dyan sa isip mo.

Subukan mo syang hanapin sa puso mo.

At sigurado ko.matatagpuan mo sya."

Para na kong sira dito na iyak ng iyak.

Hindi ko na kasi kaya.

Kung pwede lang na ako nalang ang kumuha ng sakit na mararamdaman ng anak ko kakayanin ko.

Karla's POV

Nasabi ko na ang lahat sa Mommy ni Kathryn.

Sobrang nalungkot ako nung nakita ko ang mukha nya.

Punong puno ng emosyon.

Naiintindihan ko ang nararamdaman nya dahil ina rin ako.

Masakit sa amin na makita ang mga anak namin na nasasktan at nahihirapan.

Iko-comfort namin sila kahit buhay pa namin ang kapalit.

Ganun kaming mga ina,ganun namin kamahal ang aming mga anak.

May sinaggest ako kay Diana nung nag usap kami kanina.

Dahil sa nangyari wala kaming magagawa kundi protektahan ang mga bata sa sakit na mararamdaman nila.

At ang naisip ko siguro mas mabuti kung hindi malaman ni Kathryn ang lahat.

Kaya mas ok kung pupunta muna sya sa ibang bansa habang hindi pa sya naaalala ng anak ko.

Alam kong mahirap ito para kay Diana.Pero kailangan nyang gawin yon para sa anak nya.Kaya

Pumayag siya.

Nakausap na rin namin si Enrique Gil na nasa Canada.

Sya na ang bahala kay Kathryn habang magulo pa ang lahat. 

PBB Teens ?Where stories live. Discover now