Chapter 65

1K 13 0
                                    

Diana's POV

1Week na rin ang nakakalipas simula nang umalis si Kathryn.

Nakakamiss rin ang batang iyon.

Ang kakulitan nya.Ang pagiging sweet at maalahanin nya.

Naalala ko nung nasa Airport kami alam kong hindi pa lumilipad ang eroplano kaya't sinubukan kong idial ang number nya.Nagring naman.

Di ko alam pero nagi-guilty ako.

Nakikita ko ang anak ko na nahihirapan dahil sa desisyon kong wag syang masaktan.

Sana,mapatawad ako ni Kathryn.

Sana,maintindihan nyang ginawa ko ito,

Dahil mahal ko sya.

"Good Morning Tita.mwah."

"Good Morning Mikay."

Dito ko na nga muna pinatuloy si Mikay pati na rin si Yaya Maring.

Tutal nag iisa lang ako ngayon,

maganda na rin na makasama ko ang taong nagmamay ari ngayon ng puso ni Mara.

"Tita wanna join us?"

"Saan?"

"I think sa Mall.Dj wants to buy some clothes eh."

"Di nalang siguro..."

1araw makalipas ang pag alis ni Kathryn,nagising na ng tuluyan si Dj.

Kagaya ng inaasahan,

si Mikay ang hinanap nya.

Si Mikay ang akala nyang mahal nya.

At si Mikay ang inakala nyang si Mara.

"Tita,alam ko po hindi to maganda.

Ang magpanggap na Mara sa mata ni Dj.

Ang pumayag na maging girlfriend nya habang si Kathryn nahihirapan sa Canada para sakanya."

"Wala tayong magagawa sa ngayon.At alam ko namang hindi mo gusto ito.Ikaw ang hinahanap ni Dj.Kaya wala tayong magagawa kundi sumakay sa mga bagay na pinagpipilitan niya."

"Pero Tita hanggang ngayon nagtataka pa din po ako.

Why he always say that I'm Mara?

Bakit pinagpipilitan nya na ako ang mahal nya?"

"Mikay...."

huminga ako ng malalim. Siguro ito narin ang oras para malaman nya.

"Mikay kasi si Mara,Ex-Girlfriend ni Dj.Sobrang minahal nya ang anak ko.Pero kagaya ng ibang relasyon,nag hiwalay din sila."

"Pero Tita,paano si Kath?"

"Sa PBB House lamang nagkakilala si Mara at Kathryn.Doon lamang namin nalaman na si Kathryn ang akala kong namatay kong anak."

"At don po nagkakilala si Dj at Kathryn."

"Oo...madami ng nangyari between Mara and Kath.Pareho silang nagbibigayan.Lagi sila nagpapaubaya.

Hanggang dumating ang araw na lumubha ang sakit ni Mara.

Si Kathryn ang pinakanahirapan sa sitwasyon.Kayat wala syang inisip kundi ang kaligayahan ng Ate nya kaya pinaubaya nya si Dj."

"Napakaswerte nyo po sa mga anak mo."

"Maswerte rin ako sa kanila.Pero wala,iniwan na kami ni Mara.Pero alam ko nandito pa din sya.Alam ko na tumitibok pa rin ang puso nya para ipagpatuloy ang mga bagay na nahinto dahil sa pagkawala nya."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Mikay.

"Dahil ang pusong tumitibok ngayon dyan sa dibdib mo,

ay ang puso ng taong minahal ni Daniel,minahal ni Kathyn,at minahal ko.Kay Mara galing ang pusong bumubuhay sayo ngayon."

nakita kong tumulo ang mga luha ni Mikay.

"To-too po?"tumango nalang ako.

"Ngayon,naiintindihan ko na po."

Niyakap ko sya at sinabing

"Ingatan mo yan ha."

"Opo Mommy?"

"Salamat.Anak."

PBB Teens ?Where stories live. Discover now