Chapter 32

2.1K 31 0
                                    

Nandito na kami ni Kath sa Ospital .

Nakita namin si Tita na nakaupo .

"mommy ."

umupo si kath sa tabi ni tita . Ako naman nakatayo sa tabi ni Kath .

"di ba kayo naulanan?"

"naku tita eto pong--"

siniko ko ni kath at tumingin sakin .

Di naman ako slow kaya nagets ko yung ibig sabihin ng tingin nya.

"ah...e..."

"Mrs.Jacinto?"

hoo ! Buti nalang dumating 'tong nurse.Alam kong ayaw lang ni Kath na mag alala si Tita.Pero hindi naman yata tama na magsinungaling.

"ah sige Thank you!"

"oh Kath,saan kayo pupunta?"

Lumapit sakin si Kath habang nakatitig sa mga mata ko.

"Dj,Ok ka lang?"

"Ha?ba-bakit?"

tinapik tapik nya yung magkabilang pisngi ko.

"wala ka namang sakit.Bingi ka lang no?"

"ha?"

boink! Sabay batok sakin.

"kanina pa ko salita ng salita kanina so wala kang naintindihan kahit isa?"

"kausap mo ba ko kanina?"

"aba talagang--"

umakma sya na susuntukin ako kaya dinakot ko yung kamay nya.

"biro lang.Syempre naintindihan ko lahat ng yon.Pero saan nga kayo pupunta?"

"akala ko ba naintindihan mo?"

"eh doon lang sa part na yon ang diko narinig."

"sus!Tulala kasi.Pupunta kami ni Mama sa cashier.Dito ka muna ha.Pakibantayan si Ate."

"Ah sige."

Maglalakad na dapat sya pero pinigil ko.

"Te-Teka"

Lumingon sya sakin.

Tinuro ko naman tong pisngi ko.

"Ano?"

Nginuso nguso ko 'tong labi ko habang tinuturo ko pa din 'tong pisngi ko.

"Oy Mr.Padilla,nawili ka naman yata."

"isa lang"

"ayaw."

"pls..."

"ayaw."

"Anak..."

"tinatawag na ko ni Mommy"

Tumalikod na sya pero humarap ulit at nag flying kiss *_*

Syempre hinuli ko naman ang mahiwagang halik na lumilipad galing sa aking pinakamamahal.

[Kath's POV]

Iniwan muna namin ni Mommy si Dj.

Napansin ko naman talaga kanina na tulala yon.Ano kaya iniisip non?

Pero sa totoo lang pakiramdam ko ayos na lahat.Masaya kong kasama si Dj,maalaga,sweet at mapagmahal.Dito na nga ba magsisimula ang malafairytale naming story?

"anak."

"uhm mommy."

"lalim ng iniisip mo ah."

"Ah wala po 'to mommy,wag mo nalang po ako pansinin."

"anak..."

"po?"

"nakita ko kayo ni Dj kanina.Anak nililigawan ka ba nya?"

"mom..."

"anak mommy mo ko.Alam ko kung ano yang feelings mo.Baka naman,kayo na?"

"ay,hindi pa po."

"hindi pa po?so may pag asa?"

"mommy..."

"anak,gusto lang naman maging open ka sakin.so ano na nga ba?"

"mama,mahal po ko ni Dj."

"Mahal mo rin ba sya?"

Napayuko nalang ako.

"Anak...'wag mong pigilan yang nararamdaman mo,kahit minsan hindi nagkakamali ang puso."

"pero natatakot po ko."

"natatakot kang aminin?o natatakot kang masaktan ang Ate mo?"

"Anak,nagusap na kami ng ate mo."

Napataas yung mukha ko sa sinabi ni Mommy.

"a-ano pong sabi ni Ate?"

"Kath,masaya ang Ate mo dahil alam nya na mahal ka ni Dj.Masaya sya dahil alam nya na may po-protekta at mag aalaga sa kapatid nya."

"mommy..."

Diko na naiwasan na maiyak.

"sssshh...tahan na..."

"Mom Thank you!Napakaswerte ko po sa inyo ni Ate."

"Napakaswerte ko rin sa inyo ng Ate mo.Tara na"

"sige po." 

PBB Teens ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon