The Pain

2.3K 39 2
                                    

Wala na ko sa sarili ko sa mga oras na 'to.. dali dali akong tumakbo palabas ng kwarto para humingi ng tulong .

Alam kong alam ni Kuya lahat ng nangyayari kaya madami ng lalaki yung pumasok sa kwarto para buhatin si Ate.

"Kath anu ba nangyari?"

"Bakit nagcollapse ang ate mo ?"

"Kath bakit ayaw mo ,magsalita?"

"Kath?"

sa lahat ng tanong  nila saki wala kong masagot kundi tong pag iyak ko. Hindi ko alam kung anu nararamdaman ko. Nasasaktan ako.natatakotnagi-guilty dahil kundi ko sana pinuntahan si Ate..kundi ko sana sya kinausap ng ganun . Hindi sya aatakihin ng sakit nya .

Iyak parin ako ng iyak . Pero diko alam kung makakagalaw pa ko nung nakita ko si Dj na sumusugod papunta sakin .

Bigla nya kong hinwakan ng mahigpit sa magkabilang balikat ko . at kinalog kalog na para bang nakalimutan na nya lahat ng pinagsamahan namin at galit nalang ang natitira .

"KATHRYN ! ANO TONG GINAWA MO ! SINAKTAN MO SI MARA ? KATH ATE MO SYA ! ANONG GINAWA MO !"

Tuluyan ng gumuho ang mundo ko  sa mga sinabi ni Dj.Bakit ako ang sinisisi nya? Dj anu ba ginawa ko sayo? minahal lang naman kita..

"Dj tama na"

"Dj nasasaktan si Kath , ano ka ba !"

Naririnig ko na pilit syang inaawat nila Sam . Pero hindi pa rin sya tumitigil sa pagkalog sakin .

"SUMAGOT KA !ANONG GINAWA MO!"

"HINDI KO ALAM ! DJ HINDI KO ALAM...."

Masakit na ang mga balikat ko sa diin ng pagkakahawak nya . pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinasabi nya .

tumatagos sa isip ko at tumatama sa puso ko . ang sakit .

"HINDI MO ALAM?! IKAW LANG NAMAN ANG KASAMA NYA KANINA ! BAKIT PINABAYAAN MO SYA ! BAKIT KATH ?!"

"DJ , HINDI LANG IKAW ANG NASASAKTAN ! LALO NA KO DAHIL KAPATID KO SYA ! DAHIL ATE KO SYA ! AT KUNG INIISIP MO NA MAGAGAWA KONG SAKTAN ANG ATE KO DYAN KA NAGKAKAMALI DAHIL HINDI KO KAYANG SI ATE ! HINDI !"
"BAKIT KATH? OO KAPATID KA NGA NYA ! PERO ANONG GINAGAW MO ? LAGI NALANG IKAW ANG INIISIP NG ATE MO !HINDI MO HINAYAAN NA MAGING MASAYA SYA !"

"HINDI NGA BA HA? ALAM MONG SI ATE ANG DAHILAN KUNG BAKIT , KUNG BAKIT INIIWASAN KITA NGAYON . DAHIL MAS PINILI KO NA AKO NALANG ANG MSAKTAN WAG LANG SI ATE !"

"PERO WALA KANG NAGAWA KATH ! NASAKTAN PA DIN SYA !"

"Ano ba kayo ? Mas inuuna nyo pa yang pagsisisihan nyo ! Kath sumama ka sa Ate mo sa ospital . Daniel maiwan ka ."

"Pero kuya kaylangan ako ni Mara . Kailangan nya ko ."
"Si Kathryn na ang bahala sa ate nya ."

"Pero kuya walang magagawa si Kathryn . sya ang dahilan kung bakit nangyari yun kay Mara ."

Kung pwede lang sumabog ang puso ko sa sakit , kung pwede lang na magcollapse na ko dito para hindi ko na marinig lahat ng masakit na salita na sinasabi nya .Kung pwede lang .

"SHUT UP ! DJ TAMA NA ! BAKIT BA SI KATH ANG SINISISI MO! HINDI NYA GUSTO NA MANGYARI YON SA ATE NYA ."

Nagulat kaming lahat nung sinigawan ni Julia si Dj . Ayokong pati silang dalawa mag karoon ng away dahil sakin .

"Tama si Julia pare . Ano ba nagawa sayo ni kath at kaylangan ipamukha mo pa sa kanya na sya ang may kasalanan ng lahat . Dj , wala syang kasalanan . Wala ."

"Kath sige na . Lumabas ka na ."

Wala ako sa sarili nung lumabas ako sa bahay . Para lang akong tinatangay ng hangin  papasok sa ambulansya .

_________________________________________________________________________
Okey Guys ! sorry sa nagiging takbo ng story :) pero salamat po talaga sa pagsuporta .

Magkakasundo pa kaya si Dj at Kath? Mare-realize kaya ng ating ultimate crush na mali yung ginawa nya ? well abangan po natin yan :)

Vote ! vote! comment :)))

PBB Teens ?Where stories live. Discover now