Chapter 80

1K 10 0
                                    

Diana's POV

Sa ngayon wala muna kong iisiping problema.

Wala muna kong aalalahaning bagay bagay.

Dahil ngayon birthday ng anak ko.Birthday ni Mara.

At kahit na puso lamang nya ang kasama namin ngayon,magcecelebrate pa rin kami.

"Tita!"

"Oh Dj.Buti nakauwi ka agad."

"Opo Tita,konti lang naman ho ang tao kanina."

"Ganun ba?O sige lulutuin ko na 'to para pag gising ni Mik-"

O,o

"Nino ho?"

"Ni Ma-mara ok na lahat."

mga 11 or 12 noon ang madalas na gising ni Mikay.Kaya hindi kami mahihirapan sa pag surpresa sakanya.

DJ's POV

"Tita."

"Bakit Dj?"

"Kanina ho kasi may nakilala ko sa Hypermarket."

"Talaga?Mabuti naman at naaalala mo na ang iba."

"Tita hindi ko ho sya kilala.Pero kilala nya ko."

"Malamang Iho.Sikat na sikat ka.Imposibleng walang nakakakilala sayo."

"Pero Tita iba kasi.Ang weird."

"Sino ba yang nakilala mo ha?"

"Kat-"

"O anak Dj,nandito ka na pala."

Wrong timing naman itong si Ermats.

"Ma,kadarating ko lang din."

"Ganun ba?Sige tulungan ko na muna itong Si Diana."

"Sige ho."

Pumunta na muna ko dito sa Terrace.

Medyo sumakit na naman ang ulo ko.

Sino ba ang Kathy Bernardo na yon?Bakit may iba kong naramdaman nung niyakap nya ko.

Bakit parang may naaalala ko sa Pottie at Baba na sinasabi nya?

Sino ba talaga sya?

Una si Kathryn.Ngayon si Kath?Kathy?Pareho pang KATH?

Anak ng!Nakakastress naman o!

Mga ilang minuto rin ako dito.

"Anak?"

"Oh Ma!"

"Lalim ng iniisip natin ah."

"Wala ho ito."

"Sus!Iniisip mo ba ang regalo mo kay Mara?"

Oo nga pala.Simple lang ang regalo ko sa kanya.Isang

Watch.

Hindi ko alam pero parang may kung ano sa watch na 'to.

"Anak?Natulala ka na!"

"Ay Ma!"

"Dj,Karla gising na ang anak ko."

"Talaga ho?"

"Oo iho kaya salubungin mo na."

Umakyat na ko sa kwarto ni Mara.Sakto paglabas nya.

Inakbayan ko agad sya.

"Happy birthday.:-)"

"Huh?"

"Sabi ko happy birthday."

"Be-birthday?Ko?"

"Hindi birthday ko.Mara ok ka lang?"

Ano ba nangyayari sakanya.

"Ah.Eh hehe.Oo nga pala."

"Ito,pati birthday nakakalimutan.Happy birthday uli."

"T-Thank you."

"Yun lang?Thank you?Wala manlang bang?"ngumuso nguso ako.

"Sira ka talaga!"sabay kurot sa pisngi ko.

Tapos naglakad na.

"Uy Mara..."sinundan ko naman.

"I Love you."huminto naman sya sa paglalakad.

"I Love you more :-) Dj."*mwah!*

"Sa pisngi lang?"

"E San mo gusto?"

ngumuso nguso ulit ako.

"Ah dyan ba?

Suntok gusto mo? Ha?" umakma naman sya na susuntok kaya umiwas ako kahit alam kong nagbibiro lang sya.

Pababa na dapat kami ng yakapin ko sya mula sa likod.

"Mahal na mahal Kita Mara."Bulong ko sa kanya.Humarap naman sya sakin.

"I Love you too Dj."

Sa pagsagot nyang yon may napansin ako.

Napansin kong nalungkot sya.

Magtatanong sana ko pero hinawakan nya ko sa mga kamay ko.

"Sana Dj...Di na 'to matapos...kasi natatakot ako baka isang araw pag gising ko hindi ka na sa kin." 

PBB Teens ?Där berättelser lever. Upptäck nu