Chapter 28

2.4K 42 8
                                    

Nandito kop ngayon sa labas ng Emergency room .

Nilalamig kinakabahan at nanghihina .

"KATH !"

"mommy?" agad ko syang niyakap ng mahigpit . Hindi ko na napigilan na umiyak .

"Kumusta na ang Ate mo ? Ano ba ang nangyari anak ?"

"Mommy sorry ....mommy...."

"Sssssssshhhhhh...."

"Ano ba nangyari?"

Pagkatapos ko ikwento ang lahat kay mommy . hindi pa din humihinto ang pagpatak ng mga luha sa mata ko .

"Mommy.....sorry .."

"Anak wala kang kasalanan ..wag mong sisihin ang sarili mo ."

"Pero mommy7 tama po si Dj . pinabayaan ko si Ate...hindi ko sya inalagaan...ang sama sama ko mommy .."

"Anak...."

"tapos ngayon mommy si DJ Galit na galit sakin ... mommy ... anu po gagawin ko ..."

"Anak nagulat lang din si DJ sa mangyayari . Kung may nasabi man sya sayo dala lang yun ng galit ..."

"Sana po.....sana po talaga ..."

'Mrs.Jacinto?"

"Dok ? kumusta na ho si Mara ? kumusta na po ang anak ko ?"

"The patient is in critical condition ."

"Mommy...."

Hinawakan ni Dok sa magkabilang balikat si Mommy .

"Sorry..."

"A-ano po ibig nyong sabihin ?" singit ko .

"iha maaaring linggo o araw na lamang ang itatagal ng pasyente ."

Hindi ko alam kung ano gagawin ko.... naghihina na buong katawan ko . Gusto kong  umiyak ng umiyak .gustong kong tumakbo . Gusto kong pumunta sa isang lugar na ako lang mag isa .

Hindi ko namalayan  na tumakbo na pala ko at dito ko dinala ng mga paa ko ...

"Bakit po? bakit po si Ate pa ? ano po ba nagawa namin ? bakit nyo po kami pinaparusahan ng ganito ."

 napaluhod na ko sa kakaiyak .

"Diba po mahal mo kami ? diba po mahal mo si Ate? bakit po nagyayari ang lahat ng ito ? bakit ? bakit po?"

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko .

"Anak hindi nya gusto ang mga nagyayari ."

 Lumingon ako sa nagsilita . at tumingin ulit ako sa harapan .

"Pero Father bakit po nangyayari ang lahat ng ito ? hindi na ba nya kami mahal? ano po ba nagawa naming kasalanan..."

 humarap ulit ako kay Father .

"Father hindi ko na po kasi maintindihan ... nagmahal lang po kami ni ate .... bakit kailangan mangyari pa po ang lahat ng ito ? hindi naman po kami nakalimot sa kanya ."

nahihirapan na kong huminga dahil sa pag iyak ko . at ito yata ang dahilan kung bakit di ko na namalayan na nawalan na ko ng malay .

[DJ's POV]

"Ano ba 'tong ginawa ko ! bakit ko nagawa yun kay Kath ? Ang tanga tanga ko !"

Hindi ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko . Galit na galit ako . Galit na galit ako sa sarili ko!

"Pare tama na ."

"Dj ano ka ba ! walang magagawa yang pagwawala mo jan !"

"PERO ANO GAGAWIN KO ! SINAKTAN KO SYA ! SINISI KO SYA NA HINDI NAMAN DAPAT !"

"Pare puntahan mo sya . Kailangan ka ni Kath ."

"Dj tama si Sam . Kailangan ka ni Kath ."

"Dj sana naman ngayon si Kath lang ang isipin mo . Hindi ikaw . Hindi si Mara kundi si Kath lang ."

Tama sila .wala na kong ginawa kundi paiyakin si Kath . wala na kong ginawa kundi saktan sya . Sinasabi ko na mahal ko sya pero hindi ko naman maiparamdam sakanya .

"Pare ano pang ginagawa mo ?"

"Pero pano si Kuya?"

"Pumayag na sya . kaya sige na ."

Wala na kong sinayang pa .

PBB Teens ?Where stories live. Discover now