Chapter 88

1K 11 0
                                    

Quen's POV

Kakauwi ko lang from park.

Yeah pumunta kasi ko sa bahay nila Kathy kanina,pero sabi ni Tita Diana nasa park daw sya kaya pumunta ko.

Lalapitan ko na sana sya pero naunahan na ko ni Daniel.

Mga ilang minuto ko pa sila pinagmasdan.I was about to walk away pero nakita kong umiiyak na si Kathy.

Gusto ko syang lapitan pero naalala ko ang sinabi ko sa kanya.

Hindi ako makikialam.I'm just here para sumuporta.

At kung ano man ang reason ni DJ para hayaan nyang umiyak ng ganon si Kathy.I'm sure para rin kay Kathy yon.

Mikay's POV

Kakababa ko lang ng phone.

Kinwento sakin ni Quen lahat ng nangyari.

Kasalanan ko 'to...

Kaya dapat gumawa ko ng paraan para magkaayos sila.

"Anak..."

Si yaya Maring pala.

"Ya,bakit po?"

"Nailagay ko na lahat ng gamit natin sa sasakyan."

"Ah sige po.Magpapaalam lang po muna ko kay Tita Diana."

Nakapag decide na ko na bumalik nalang sa dati naming tinutuluyan.

Nakita ko si Tita na nasa kusina.

"Tita..."

lumingon naman sya sakin.

"Aalis ka na ?"

"Ah opo Tita...magpapa alam lang po sana ko."

Ngumiti lang si Tita.

"Salamat po sa lahat :-) napakabait nyo po sakin,kahit ako ang dahilan kung bakit nagulo ang pamilya nyo."

"No....Hindi ikaw may kasalanan ok?"

"Pero Tita pangako.Aayusin ko po ito.Gagawin ko po lahat para maging masaya na uli si Kathryn."

"Sige Mikay,ikaw ang bahala...kung kailangan mo ng tulong ko.magsabi ka lang."

"Sige po Tita...Salamat po.And di na po ko magpapa alam kay Kathryn.Pakisabi nalang po na sorry and thank you."

"Sige makakarating.Mag iingat kayo."

"Kayo din po."

Niyakap ko lang saglit si Tita and naglakad na din ako papunta sa sasakyan.

"Let's go?"

"Tara (:" sumakay na ko and sinara na ni Quen yung pinto.

Oo si Quen,nagprisinta sya na ihatid kami ni Yaya.Tatanggi pa ba ko?

After 1hr & 20mins nakarating na din kami.

Tinulungan kami ni Quen na magbuhat ng mga gamit ko.

"Dyan nalang yan...salamat."

"Pano mauna na ko?"

"Ay nako iho dito ka nalang mag hapunan."

Tiningnan ko si Quen na may 'sige na' look.

"Sige po...."

"Ayos ! Tara na ?"

"Saan?"

"Sa kwarto ko.Magliligpit pa ko wii."

"Ok lang?"

"Ay nako ! Syempre naman."

"Yaya maring ok lang po ba?"

"Sige lang iho.May tiwala ako sa inyo."

"Salamat ho."

Binuhat na namin ni Quen yung mga gamit ko at umakyat na kami.

Quen's POV

Di na muna ko pinauwi ni Mikay at ni Yaya Maring.

Kaya nandito ko ngayon sa kwarto with Mikay.

Nilalagay nya sa dresser lahat ng damit nya habang ako naman nagdidikit ng mga posters and pictures nya sa wall.

"Quen,tagal ahh...baka mainlove ka na dyan."

natawa naman ako sa sinabi nya.

"Dito?Hindi ah.Hinding hindi ako maiinlove sa picture lang."

lumapit sya sakin at umakbay.

"Eh sa tao sa picture?"

natameme ako bigla.posible nga ba?

"uy! Joke lang ! Natulala ka na dyan."

Ngumiti lang ako.

"Ay nako Quen,sige lang wag ka magsalita."

"Bakit ba?"

"Bakit ba!Bakit ba!pero Quen alam mo pangarap ko pumunta sa Paris."

"Paris?Bakit?"

"Diko alam...gusto ko lang makita yung eiffel tower.Pakiramdam ko solve na ko pag nakarating ako dun."

Napaisip ako bigla sa sinabi nya...

Di naman masama kung ako ang magdadala sa kanya dun.

"Iho,Mikay,kakain na."

"Kakain na daw.Tara na."

Inaabot sakin ni Mikay yung kanang kamay nya.

Nakahiga kasi sya.

"Tayo mo ko...."

Inabot ko yung kamay nya at hinila para makatayo sya.

Ang lambot ng kamay nya.

Para kong naground sa pagkakahawak nya.

"Tara na...." hinila nya ko pababa kaya sumunod na ko.

Kumain lang kami ng kumain.At pagkatapos nagpaalam na din ako,medyo late na din kasi.

PBB Teens ?Where stories live. Discover now