Chapter 87

952 12 0
                                    

Kath's POV

Nandito ko ngayon sa Park.Kung san naging masaya kami ni Dj.

Umupo ako sa swing and nagstart ng magduyan...

Ilang minuto lang naramdaman kong may umupo sa kabilang swing.

Kaya lumingon ako...

At sa paglingon ko,nag umpisa na namang tumibok ng mabilis ang puso ko.

"Dj?"

"Ang saya magduyan dito no...nakakawala ng stress..."

umiwas ako ng tingin sa kanya sa diko malamang dahilan.

Kaya nag swing uli ako pero straight lang ang paningin ko.

"Kamusta ka na?"

Parang may pwersang pumigil sa duyan ko nung narinig ko yung sinabi nya.

"O-okay la-lang.Ikaw?"

Diko alam pero sa mga oras na to.Ang gusto ko lang ay pakinggan lahat ng sasabihin nya.

"Kung di kaya ako nagka amnesia?Ano na kaya nangyayari sakin ngayon?"

napayuko ako bigla.Di nya sinagot ang tanong ako.

"Masaya kaya ako ngayon kung hindi ko nakalimutan ang taong sinasabi nilang mahal ko?"

Nag uumpisa ng mamuo ang mga luha sa mata ko.

"Kung talagang mahal ko siya.Bakit siya pa ang hindi ko maalala?Yun ang hindi ko maintindihan."

Tuluyan na kong naiyak.Alam ko nakikita nya ang bawat pagpatak ng mga luha ko.

"Kung magkakabalikan uli kami.Sa tingin ko hindi na magwowork ang relationship.Kaya naisip ko na."

Hindi na ko makahinga dahil sa pag iyak ko.

"Kalimutan na ang nakaraan.Na mas magiging okay kung kakalimutan ko na ang hindi ko maalala."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko.Nanlambot ang mga kamay ko na nakahawak sa swing dahilan ng pagbagsak ko sa lupa.

Naramdaman kong tumayo si Dj.

Pero hindi nya ko nilapitan.

At dun ko naramdaman,na ang sakit pala sa pakiramdam na iwan ka ng mahal mo pero wala ka manlang magawa.

Doon ko naisip na sana hindi ko sya iniwan nung mga panahon na wala syang malay.Sana hinintay ko na bumukas ulit ang mga mata nya.Sana hinintay ko na ako ang una nyang makita....

Iniwan ko sya...

Isang oras mahigit yata akong nakaupo lang dito sa lupa...nahimasmasan na ko kaya,kaya ko ng tumayo.

Sa pagtayo ko.

Napatingin ako sa duyan na inupuan kanina ni Dj.

At nakita ko na may isang panyo na nakalagay.

Kahit hindi ako nilapitan ni Dj.Naramdaman kong may pakialam pa rin sya sakin.

Dj's POV

Gusto kong lapitan si Kathryn kanina.Gusto ko syang itayo,gusto kong pahiran ang mga luha sa mata nya,pero hindi ko magawa.

Naaawa ako sakanya.

Nahihirapan siya dahil sakin.

Nasasaktan sya dahil sakin.

Kaya sinabi ko ang lahat ng yon para hindi na sya umasa.

Para hindi na uli sya masaktan.

At para kalimutan na din nya ang hindi ko maalala.

Papunta kong ABS ngayon,may kailangan akong pirmahan para sa upcoming show ko.

Nadaanan ko ang PBB house papuntang ELJ.

May naramdaman ns naman akong kirot sa ulo ko,kaya inihinto ko muna ang sasakyan.

Yumuko muna ko sa manibela at pumikit.

Hindi ko namalayang nakatulog ako.Nagising ako dahil sa kalampag sa bintana ng sasakyan.

Binaba ko yung salamin.

"Daniel!Anong nangyari sa'yo?"

"Wa-wala ho.Naidlip lang yata ako."

"O sya.Dumeretso ka na sa office at kanina ka pa nila hinihintay."

"Sige po."

Anak ng!

Lagot ako nito . Ba't nakatulog ako.

Pinaandar ko na yung sasakyan at dumeretso na sa office.

PBB Teens ?Where stories live. Discover now