CH 15 #KIDNAPPED?

45 1 0
                                    

AN: kikidnapin ko kayo pag di kayo nag-iwan ng comment.. joke lang.. hihihi.. cast a vote para mas nakaka-inspire.. thank you.. :-)


------------============--------------------------


CH 14 – KIDNAPPED?

***KEYCHIEL

Nakita ko naman kaagad 'yong kotse na minamaneho ni Mang Erning. I wonder kung nakauwi na si papa. Hindi n'ya ipinapakita sa'kin na nagluluksa s'ya but I can sense it. I know he's mourning. Gusto ko s'yang i-comfort pero mahina ako sa mga ganun. 'Yong sarili ko nga hindi ko ma-comfort ibang tao pa kaya. Sumakay kaagad ako sa kotse then I heard the engine started. Sa labas lang ako ng bintana nakatingin. 'Yong isip ko naka-focus kay Jam. What if seryoso nga s'ya?

"I told you, this time I'm dead serious. Gusto ko 'to. Please. Give a chance to prove you. Hindi naman mahina ang ulo ko. I'm a rebel. Aminado ako doon. But I have brains. At least let me use it to help those who are in need."

Bigla akong napangiti nang maalala ko 'yong linya n'yang 'yon. Then I just realized what I did. Ngumiti ba talaga ako? Nagsalubong ang kilay ko nang mapansin kong ibang route ang dinadaanan namin.

"Mang Erning, may dadaanan pa po ba kayo?" baling ko sa nagda-drive pero natigilan ako. Kilala ko si Mang Erning nakatalikod man ito at nakaharap. Tiningnan ko ang rearview mirror.

"Luke?" I uttered nang makilala ko kung sino 'yong. Sinulyapan n'ya naman ako gamit din ang rearview mirror. "Asan si Mang Erning?" what's with my question? Parang sa mga movies lang.

Tiningnan ko ulit ang binbaybay namin. Parang alam ko kung saan ang punta namin pero bakit?

"Listen Luke. Wala akong time sa mga gimik n'yo or something. I just want to go home and rest." Pero patay malisya ang loko. Patuloy lang sa pagda-drive. "Luke. Stop the car will you?" Irritated I commanded but he does not seem to listen. I get my phone and dial a number pero narinig kong sa loob ng kotse may tumunog. So iniwan ni Mang Erning ang phone n'ya dito? "Tatalon ako dito kapag hindi mo inihinto ang kotse!" banta ko then I heard a click. The hell! Naka-child lock. Pinaharurot n'ya pa 'yong kotse at mas pinili ko na lang tumahimik. Looks like I'm being kidnapped at hinahayaan ko lang.

"He's there." Aniya nang huminto ang kotse sa isang memorial park. See. I know this is where we're going. "Two days na s'ya d'yan." Anito. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya gamit ang rearview mirror. "Zach." Wika n'ya na tila ba nabasa ang ibig sabihin ng titig ko.

Zach? Andito si Zach? As far as I know kahit minsan hindi n'ya man lang binisita si Carlo then suddenly Luke would tell me na nand'yan s'ya? No kidding.

"So?" I'm not interested kung nand'yan s'ya o wala.

"Hindi s'ya pumapasok ng straight na two days. Hindi nga ako sigurado kung kumakain ba s'ya o hindi." Look at this loyal friend of that unworthy jerk.

"Eh ano naman? Sanay naman s'yang hindi pumasok. At ano namang paki ko kung kumakain s'ya o hindi?" iiling-iling kong sambit.

"Tell him to go home. Kapag ikaw susunod s'ya." I raised my eyebrow.

"Kinidnap mo ako para lang utusang umuwi na s'ya? Woaaahh. Great!" I exclaimed in disbelief. "He's a jerk. Why worry about him? Kapag nagutom 'yan for sure kakain 'yan. Kapag na-bored 'yan aalis din 'yan. Kapag natripan n'ya, papasok din 'yan." I added.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon