CHAPTER 1.8 - KEYCHIEL

42 2 0
                                    

***KEYCHIEL

Tumutulo na ang pawis ko pero patuloy pa rin ako sa pagtira sa shuttle cock at ibinabalik naman 'yon ng kalaro ko. Walang sablay at bakas sa kilos ko na eksperto ako sa larong ito. Who wouldn't? Puros gold medals ang nauuwi ko everytime na lumalaban ako ng play ng badminton.

"Hindi pa ba tayo titigil? Halos mag-iisang oras na tayo dito." My friend out there shouted at me. But I refuse to give him an answer at itinuloy ko lang ang paglalaro.

"Sabi ko nga diretso lang. Ito na ang katapusan mo Clyde Ramos mamamatay ka na dito." I know nilakasan n'ya talaga ang pagkakasabing 'yon para marinig ko. "Mamamatay kang hindi man lang nakakapagtapat sa love of your life." Muli itong humirit na nakinig ko pa rin. Tumira ako ng malakas. Sinadya ko talaga 'yon since nakita ko that he really want us to stop playing.

"Out!" nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni Clyde—who happened to be my best friend—at saka kinindatan pa ako.

Hinabol ko ang paghinga at nagpasya ng itigil ang laro. I straightly went to the bench kung saan nakapatong ang gamit namin. Sumunod sa'kin si Clyde at tulad ko uminom rin ito ng tubig.

"Ano na namang problema?" I heard him asked pero hindi ako sumagot sa halip ay naupo ako sa bench at nanahimik habang malakas pa rin ang aking paghinga.

"Tinawagan mo ako para lang makipaglaro? I don't bite it." muling sambit nito. Sinulyapan ko s'ya. "Anong problema? Alam kong meron. Hindi ka naman tatawag kung wala. Now tell me." Muling saad nito.

"Asa pharmacy ka pa rin ba?" binago ko ang usapan.

"Oo." Maikling tugon naman ni Clyde. "So ano ngang problema?"

"Hindi ka pa rin nakakapagtapat sa kanya?"

"Hindi pa." tugon muli ni Clyde. "So ano na ngang problema?"

"Eh kung tawagan ko na 'yong may-ari ng pharmacy at ipasisante na kita." Seryosong saad ko.

"Teka bakit ba napunta sa'kin ang usapan. Ako ang nagtatanong sa'yo. Ano nga bang problema?" nalilitong sambit ni Clyde. Napabuntong-hininga naman ako. He really knows when I'm having this so called troubled mind.

"Remember the girl na naikwento ko sa'yo? 'Yong ka-batch ko?" I said in surrender.

"Hmmnn. 'Yong med student na ang book na binabasa ay palaging tungkol sa law?"

I nodded as an answer.

"Eh ano na namang tungkol sa kanya ngayon?"

Ibinaling ko ang tingin sa badminton court matapos n'ya akong tanungin.

"Last week sa library din—" huminto ako saglit bago nagpatuloy, "--nakatulog s'ya. I have nowhere to sit kaya pumunta ako sa table n'ya since 'yon lang ang bakante"

Huminto ako sa pagsasalita at sinulyapan ang kaibigan na seryoso namang nakikinig sa'kin. Ibinalik ko ang mata ko sa court.

"I did not intend to invade her privacy. Pero na-curious lang ako kung ano 'yong pinakikinggan n'ya. Sa tuwing nagbabasa kasi s'ya may nakapasak na head set sa tenga n'ya. So I took her i-pod while she's sleeping but I found nothing on it. Walang music or any file doon. Wala s'yang pinakikinggan."

Tiningnan ko ulit si Clyde. I saw him staring at me.

"Umamin ka nga sa'kin Keychiel since best friend mo naman ako. Tatanggapin kita kung ano ka pa. Tell me, may gusto ka ba doon sa ka-batch mo? Or di kaya lesbian ka ba?"

Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung torpe lang talaga 'tong kaibigan ko o bopols. I mean matagal na kaming magkakilala then suddenly out of nowhere maririnig ko ang mga tanong na 'yon sa kanya. Geez. Ginawaran ko s'ya ng matalas na paningin.

"Palagi mo kasi s'yang ikinukwento sa'kin." Usal pa nito saka nag-peace sign.

"Best friend ba talaga kita?" Umismid ako at saka tumayo. "Tss! D'yan ka na nga at ang madumi mong utak." I get my sports bag and then started walking away from him.

Narinig kong nagmamadali rin s'yang sumunod sa'kin.

"Nagbibiro lang ako. Masyado kang seryoso kaya natatakot lumapit sa'yo ang mga tao."

Huminto ako at nilingon si Clyde na nag-peace sign na naman habang nakangisi ng bonggang-bongga. Kesa magsalita ay inirapan ko na lang 'yon at nagpatuloy na sa paglalakad palabas sa isang exclusive sport complex.

"Alam ba nila Tito na nandito ka?" tanong ni Clyde nang halos kasabay ko na 'to sa paglalakad.. Umiling ako. "Oh! Tingnan mo. Tapos uuwi ka ng ganyan. Ihahatid na kita. Magbihis ka na muna." Tahimik lang ako pero sumangayon ako doon.

Hindi alam ng parents ko na bumalik ako dito sa sikat na sports complex at naglaro ng badminton. Ang paalam ko kasi may bibisitahin lang akong kaibigan. Kilalang-kilala talaga ako ni Clyde. Without him I might not survive living at all. Gamit ang sasakyan nito dumaan lang kami saglit sa isang gasoline station. Sa comfort room noon ako nagpalit ng damit. I removed my contact lenses and put back my eye glasses then went back to Clyde's car.

"Wala ka pa rin bang mga kaibigan sa University n'yo?" tanong ni Clyde while driving. Oh yes! He can drive. My student permit na s'ya at prof na 'yon.

"Andyan ka naman." Patay malisyang tugon ko.

"Iba naman ako. Ang tagal mo na sa HRU dapat may mga new friends ka na." huminto ito saglit bago nagpatuloy ulit. "Si Mariz ba, hindi mo pa rin s'ya close? Hindi pa rin kayo friends?" usisa nito.

"Ang issue ba dito eh si Mariz o 'yong wala pa akong kaibigan?" hirit ko. Napangiti tuloy si Clyde dahil doon.

"Kung hindi kita best friend iisipin ko nagsiselos ka." Banat pa nito. I then smirked.

"At kung hindi naman kita bestfriend malamang matagal ka ng patay." I uttered at tumawa pa talaga ng malakas si Clyde pero tumigil din 'yon nong natahimik na ako.

"I don't need to find friends. Hindi ko kailangan noon dahil andyan ka naman. You're my friend." I said. "Mahirap ng magkaroon ng kaibigang iiwan ka rin sa huli. It would hurt even more." I even added.

Napatikhim si Clyde lalo na at nagkaroon ng doom na ambiance sa pagitan namin. He knew what I meant by that. Tatlo kaming magkakaibigan unfortunately si Carlo who's the other one met an accident. Binalot kami ng katahimikan. Hindi na muli pang nagbiro si Clyde.

KEYCHIEL DE CASTRO, is my name. I'm turning eighteen soon. I'm taking up BS Architecture sa HRU at second year college na ako. My mom's a doctor while my father is a professor in my University. One of the highest shareholder ng University si Papa. They considered me as the SUPER TALINO as in genius. Kilala din ako sa University bilang seryoso sa buhay. You see I seldom smile. No! I don't smile at all. You see, I'm never into smiling at 'yon ang dahilan kaya ilag na lumapit sa'kin ang mga estudyante doon. Lumalapit lang 'yon unless needed talaga. Si Mariz—who happened to be my best friend crush—lang ata ang malimit na lumapit sa'kin kahit wala namang kaimportantehan. I knew her from the start dahil ito lang naman ang ultimate crush ng bestfriend n'yang si Clyde kaya kahit wala sana akong balak na ientertain 'yon ay nagawa ko para sa bestfriend ko. I look very much alike Kathryn Bernardo. I wear glasses too since Malabo ang mata ko pero hindi ako nerd! I heard someone called me the ice princess, stone genius, cold hearted beautiful monster at iba iba pang bansag. Well I don't! itawag nila sa'kin ang gusto nilang itawag I don't give a damn about it. Kilala ko kung sino ako at alam ko kung anong mundo ko. Besides, I just don't want to complicate my life again kaya mas pinili ko na lang ang manatili sa sariling mundo ko.

ric.gk

--------======------


--------======------

TAGAL ng naka-tengga kaya nilubos-lubos ang pag-aayos ng story na 'to.. sana nga lang magustuhan n'yo..




HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSWhere stories live. Discover now