CH 5.4 - #Started

26 1 0
                                    

***KEYCHIEL

I went straight sa pinakang dulong table ng LRC. I took a deep breath at saka lang nag-sink in 'yong nangyari kangina. Napahawak ako sa dibdib dahil sa biglang bilis ng tibok nito. Geez! What just happened? That other half of Carlo, that guy who I hated the most, that guy who I really don't want to see—HINAWAKAN n'ya ako. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Something that I can't explain.

"Come on think! Think! Think!" mahinang utos ko sa sarili. Naramdaman kong may tumabi sa'kin sa upuan.

"Hi." Hindi ko na sinubukang lingunin pa ang nagsalita. Hindi ko naman ugali 'yon. "Pwedeng maki-join?" I just nodded but didn't bother to answer. Nakatitig lang ako sa table. Ngunit may kung anong nag-utos sa'kin na sulyapan ang pamilyar na boses ng kasalukuyang katabi ko na sa upuan—si Ryza.

Wala naman talaga akong balak tingnan s'ya but I found my self staring at her lalo na ng magpasak n naman s'ya ng ear phone.

"Did I disturb you?" tanong nito at saka inalis ang pagkakapasak ng ear phone sa tenga. I looked at the i-pod na inilapag n'ya sa mesa. Naalala ko saglit that i-pod of hers has nothing on it. Ibinalik ko ang tingin sa mukha nito. "You see I have this feeling where I just wanted someone to talk to."

Natigilan akong saglit. This place is not a public place where students are allowed to talk. So bakit n'ya sinasabing gusto n'ya ng makakausap? Tsaka am I even asking her? Who even cares kung gusto n'ya ng may makakausap o hindi?

"Give me some time, kailangan ko lang talaga ng makakausap ngayon."

Napakunot na ang noo ko upon hearing her. This is the very first time na may taong nag-utos sa'kin na bigyan ng oras para lang makausap. That's something new. Someone's demaning me to listen to a story I don't want to hear. That was my interpretation of what she said. Wala akong intensyon na makinig sa kung anumang sasabihin nito pero muli akong napasulyap sa i-pod nito. That blank i-pod makes me so curious. I looked at my wrist watch. Siguro naman hindi masama kung bibigyan ko s'ya kahit ilang minuto lang.

"Five minutes." Maikling tugon ko at ibinalik sa mukha n'ya ang tingin ko. Nakita kong tila ba kumislap ang mga mata n'ya pagkasabi ko noon. I don't know but I felt like we have this weird connection. I paused and ready myself for whatever this weird girl is going to tell me. Then she started.

Napapataas na ang kilay ko nang mapasulyap sa wristwatch. Halos magsasampung minuto ng nagsasalita si Ryza pero pakiramdam ko wala pa rin itong balak huminto. Nasa may pinakang dulo naman kami ng LRC at medyo tago kaya hindi naman kami masyadong pansin dito.

"Ayon nga katulad ng sinabi ko kanina adopted daughter ako pero I've got everything I wanted. But that's not my point talaga. Ang point ko is I felt like I fail her." Patuloy lang si Ryza sa pagsasalita habang sinulyapan ko na naman ang suot kong wristwatch.

"Pero alam mo ba ang nakakalungkot sa lahat eh 'yong feeling na may nangyaring masama sa importanteng tao dahil sa'yo. Then they still treated you well. It was my fault why my adopted father died pero kahit kailan hindi ako nakarinig ng kahit anong blame from her."

Napatingin ako kay Ryza. Hindi sa pinatatamaan n'ya ako pero kusa akong nabukulan sa sinabi n'yang 'yon. Then I notice some tear fall from her eyes.

"Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko na after her being so good to me, I still choose to disobey her without her knowing." Napakunot ako ng noo. In what way did she disobey her so called adopted mother? I wanted to ask her that pero it's not so me.

"I'm taking up Nursing instead of law. She wanted me to follow her footsteps but I chose not to without her knowing about it." Tila ba nabasa n'ya ang isip ko dahil sinagot n'ya ang tanong ko. So that was her reason. Ano bang dapat kong sabihin? Dapat ba akong magsalita? Should I comfort her? Pero that's not so me.

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSWhere stories live. Discover now