CH 11 #HEARTBROKEN

13 1 0
                                    

AN: Kung nagustuhan po pwedeng magcast ng vote at mag-iwan ng comments .. thank you..


----------------------================---------------------


CH 11 – HEARTBROKEN

***MARIZ

"I'm sorry Clyde. Pero hindi kita gusto." Sa wakas ay basag ko sa katahimikan. Nakita kong halos bumagsak ang balikat ni Clyde nang marinig ang mga katagang 'yon.

Alam ko kung gaano s'ya nagmadaling makarating dito sa park kung saan dalawang kanto lang ang layo mula sa inuupahan namin ni Gemma. Gusto kong bawiin ang sinabi ko nong makita ko ang lungkot at sakit na naramdaman n'ya. I can see it through his eyes.

"Alam ko kung paano ka nag-exert ng effort pero other than friendship. Wala na akong ibang pwede pang maibigay sa'yo." Andito na 'to eh. Paninindigan ko na 'to. Tama si Keychiel. Kung masasaktan ko rin lang naman s'ya sa huli. Kailangan ko ng gawin 'to ngayon pa lang. Nakatitig lang s'ya sa'kin na tila ba sinasabing sana nagbibiro lang ako.

"I tried so hard na magustuhan ka but it's not working. Mabait ka at sobrang mapag-alaga at sinubukan ko talagang magustuhan ka pero wala talagang pag-asa eh." Totoo 'yong sinabi ko. Alam ko noon pa man na may gusto s'ya sa'kin at sinubukan kong magustuhan s'ya pero bigo ako eh. Speechless pa rin s'ya sa mga sinabi ko.

"Nagpapasalamat ako sa'yo dahil naging dahilan ka para magkaroon ako ng kaibigan na palaging nakikinig sa drama ng buhay ko. Sobrang thankful talaga ako sa lahat ng nagawa mo para sa'kin, sa'min ni Gemma. Sobra-sobrang thankful ako doon." Magsalita ka na please. Murahin mo ako para kahit paano mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.

"Pero hanggang friendship lang ang kaya mong ibigay sa'kin?" sa wakas nagawa na n'yang magsalita. Alam kong nasasaktan pa rin s'ya pero mas pinili kong tumango bilang tugon. "Ibig sabihin nirireject mo na ako bago pa man ako makapag-confess sa'yo?"

Tinitigan ko muna s'ya bago malumanay na tumango. I'm sorry Clyde pero kailangan ko 'tong gawin kesa naman sa umasa ka pa at masaktan pa ng sobra.

"Ouch!" she tried to smile after saying that word. Pinipilit n'yang ipakitang okay lang s'ya at mas nakokonsensya ako doon.

"Sorry talaga Clyde." Sa halip ay tugon ko.

"Tsk! Sayang! Alam mo ba kung gaano karaming babae ang nagkakagusto sa mukhang 'to? Kung alam mo lang." He's trying to act cool. Ngumiti pa s'ya pagkasabi n'ya noon. He's trying to crack a joke kahit alam kong nasasaktan s'ya ngayon. I'm feeling sorry for him even more.

"Alam ko. Kaya nga hindi ka mahihirapang humanap ng iba d'yan. Ikaw pa!" sakay ko sa biro n'ya. "Hindi mo na rin kailangang magpanggap na poor Clyde. Kilala na kita." Pag-amin ko.

"Tsk! Kelan pa? Paano mo nalaman ei hindi naman ako isinasama sa mga pictorial. SECRET child kaya ako." there he goes again trying to make this conversation light.

"Matagal na. Basta matagal na. Hindi ko na matandaan kung kelan. Paano ko nalaman? Hello marami akong koneksyon. Si Mariz Lee ako diba?" napatango-tango naman s'ya sa tinuran ko. Ayokong malaman n'yang kay Keychiel ko nalaman kung sino talaga s'ya. Si Keychiel ang nagsabi sa'kin ng lahat at ng tungkol sa nararamdamman n'ya sakin kaya nga pakiramdam ko dahil kay Clyde pinansin ako ni Keychiel eh.

"Thank you Clyde. Thank you." Pagkuway sambit ko ngunit laking gulat ko na lang ng bigla n'ya akong hilahin palapit sa kanya at bago pa man ako makaimik ay yakap na n'ya ako.

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSWhere stories live. Discover now