CHAPTER 1.3 - LYKEN & ANGEL

68 2 0
                                    

*** LYKEN

Dahan-dahan pang isinara ni Angel ang maliit na gate nang bahay habang kasunod n'ya lang ako. We're screwed talaga kapag nakita kami ni Totz dito. Lagpas na kami sa curfew. Haist. Nakakapagod kayang gawin ang punishment n'ya kapag nagkataon.

Ako na ang nagbukas ng pinto using the spared key tapos hindi ko pa man napipihit 'yon ay kusa ng bumukas ang pinto. There! Nakita ko si Totz, Angels father looking straight into me then to Angel.

"G-good evening Titz." Patay malisya kong wika at saka nagmamadali ng pumasok ng bigyan n'ya kami ng daan.

"H-hi Dartz." Nakangiting bati naman ni Angel at ramdam kong nagmadali na rin s'yang sumunod sa'kin at kumapit sa may siko ko.

"Kumusta ang group study?" nakangiti at kalmadong tanong naman ni Totz Art (papa ni Angel) kay Angel pero hindi naman ito sumagot kaya ibinaling n'ya ang tingin sa'kin. Kanino pa ba. "Kumusta ang group study, Lyken?"

"G-group study po?" nagtaka pa ko ng tanungin ng tanong ang tanong ni Totz. I mean I'm not aware. Hindi naman sinabi sa'kin ni Angel 'yon kaya naman sinulyapan ko ito na pinanlakihan pa ako ng mata. Come on Angel. We're definitely screwed!

"It went well Dartz. Diba Lyken?" wika pa ni Angel as if trying to tell me na maki-arte na lang. kaya nanahimik na lang ako kesa magkasala.

"Eh kumusta naman ang bar? It went well din ba?" panghuhuli ni Art kay Angel.

"Hindi okay Dartz! Naghintay kami ng almost two hours tapos—" napatakip naman sa bibig si Angel nang ma-realize kung ano ang kanyang ginawa.

Bullseye! Angel does really know how to make us in trouble. Tingnan mo nadulas kaagad. Ganyan talaga 'yan. Malimit namang ganyan.

"Okay! 500 words." Maikling sambit ni Totz at ngumiti pa sa'min.

"Dartz—" putol na tutol ni Angel.

"1000!" maikling saad muli ni Art at nginitian pa s'ya. yah~~! Kya ayaw ko ng umimik pa kapag ganang punishment na nadadagdagan kasi. Wala talagang kadala-dala si Angel.

"Okay po." Ako na ang sumagot bago pa maging 1500 ang isulat ni Angel.

"After n'yong magsulat matulog na kayo." Huling saad niTotz saka iniwan na kami sa sala.

Kalmado lang akong pumasok sa silid habang medyo padabog naman si Angel. She's acting like a child again. Kung hindi kolang 'to kaibigan kinalbo ko na 'to eh. Ganun parati ang eksena sa tuwing lalagpas kami sa curfew ng papa n'ya. Isusulat namin ang salitang SORRY kung ilan man ang sabihin ng papa n'ya as a punishment. Sanay na nga kami doon at mukhang nahahasa pa nga ang pagsulat namin kasi nga maraming beses na namin 'yong ginagawa. Alam n'yo na ang ibig kong sabihin.

Si ANGEL GUZMAN, eighteen years old, second year college ng High Rise University at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Business Administratiion Major in Marketing. Pasyonista s'ya and pink is her favorite color, girly talaga at mana s'ya sa papa n'yang bading. Art ang pangalan ng papa n'ya at Darlyn naman ang sa mama n'ya na namatay matapos na maipanganak s'ya. Dartz ang tawag n'ya sa papa n'ya dahil pinagsamang pangalan 'yon ng mama at papa n'ya. Iba't ibang color at design ng headban ang suot n'ya ganun din ang iba pang accessories n'ya, 'yon kasi ang tinatawag n'yang fashion. She indeed has a pretty face, just imagine Janelle Salvadors baby face at nakakahawig n'ya 'yon.

Mas naging mapag-alala, mapag-alaga at mapag-unawa naman si LYKEN GUTIERREZ (ako po 'yan) simula nang maging boyfriend ng kaibigan kong si Angel ang Ariz na 'yon. Parang kapatid na rin kasi ang turing ko kay Angel na simula pagkabata ay nakasama ko na kahit sa simbahan pa ako tumutuloy ng mga panahong 'yon. 'Yong totoo sa bahay ampunan na ako lumaki sa pangagalaga ni paring si Father Rod na kinilala ko ng ama bago pa ako tuluyang lumipat kina Angel na nagkataong matalik na kaibigan naman ni Art ang itinuturing kong ama na si Father Rod. Alam na ni Angel ang lahat ng kwento ng buhay ko lalong-lalo na 'yong pinakasinsitibong dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko katulad ng alam ko na rin ang kwento ng buhay n'ya. Katulad n'ya, Second year college din ako sa HR University kung saan kinuha ko naman ang Mass Communication. Kabaligtaran ni Angel ang attire ko dahil malimit akong naka-black kahit pa yellow naman ang favorite color ko. Ako 'yong tipo ng taong bigla na lang sumusulpot kapag kailangan mo kaya nga tawag sa'kin ni Jam eh kabute. Pero alam mo bang kabute rin ang tawag ko sa babaeng 'yon kasi bigla na rin lang s'yang sumusulpot. Medyo malalim lang talaga ako minsang mag-isip at sa sobrang deep parang maiilang kang lumapit sa'kin. You see seryoso lagi ako kaya naman naiilang talaga ang kahit sinong lalapit sa'kin. Tanging sina Angel at Jam lang ang nakakaalam ng kabaliwang part ng pagkatao ko. I don't need to describe myself that much, basta morena ako at maganda daw kung ngumiti. You have to imagine Mariz Racals face (yon bang teen housemate ng PBB dati) dahil nakakamukha ko s'ya.


----------------============------------------

parang nahirapan talaga ako sa first persona.. hahaha. pero ituloy na 'yan.. since may nagbabasa naman.. 

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSWhere stories live. Discover now