CH 9 #PABOR NI KEYCHIEL

23 1 0
                                    

CH 9 – PABOR NI KEYCHIEL

***KEYCHIEL

Ilang oras na ang nakalipas pero walang dumating na Mariz sa park kaya naman mas pinili ko na lang ang tumungo dito sa pinakang rooftop ng College of Nursing. Hindi pa naman masyadong mainit kaya naman nakaka-relax pa rin ang tumambay dito. May mahabang bench kasi dito kung saan malimit tambayan ng mga nagre-review na Nursing student.

"Ms. De Castro?" Kanina ko pa s'ya hinihintay. Hindi nga ako nagkamaling dito s'ya unang pupunta. Pero himala. Mukhang mag-isa lang s'ya. Asan kaya 'yong kabuntot n'ya parating si Clarck. "Anong ginagawa mo dito?" tumabi na s'ya sa'kin sa bench na kinauupuan ko. Hindi ko ugaling makipag-usap na lang ng basta kaya huminga muna ako ng malalim at tiningnan s'ya.

Naalala ko na naman 'yong eksenang gumuhit sa aking isipan kanina. Totoo nga ba ang nakita kong nawalan ng malay ang kapatid n'ya.

"May problema ba Ms. De Castro?" anito habang nakatitig lang ako sa kanya.

"Do you remember the first time na lumapit ako sa'yo?" Nag-alangan pa ako nong itanong ko 'yon sa kanya. "I told you straightly na lumapit ako sa'yo because Clyde, my bestfriend want me to. He want me to make sure na magiging okay ang lahat sa'yo dito sa HRU. I did that. Pero may isang importante akong sinabi sa'yo na malinaw na malinaw. Naalala mo?" Napansin kong saglit s'yang napaisip na tila ba inaalala ang bagay na 'yon.

FLASHBACK NI MARIZ...

First year ako at second sem noon sa HRU. Mag-isa lang ako sa laboratory ng biglang dumating si Keychiel wearing her serious look. Hindi ko talaga inasahan 'yon. Hindi pa man ako nakakabati ay umimik na kaagad s'ya without even smiling at me.

"I just wanted to make it clear to you. Lumapit ako sa'yo hindi para makipagkaibigan kundi para pagbigyan ang isang kaibigan. Kilala mo si Clyde, right?" tumango naman kaagad ako since kilala ko si Clyde na kasa kong nagwowork sa Pharmacy.

"He's my bestfriend and he likes you a lot." Natigilan ako sa sobrang pranka n'ya at hindi kaagad ako nakaimik dahil doon. "At dahil gusto ka n'ya then I should like as you well as someone who's special to him. Isa lang gusto kong gawin mo. Torpe ang kaibigan kong 'yon. So kapag naramdaman mong sobrang gusto ka na n'ya at ayaw mo naman talaga sa kanya tell him straightly. Tell him to stop liking you. Tell it in front of his face. Ayoko kasing nagmumukhang tanga s'ya for someone he can't have."

END OF FLASHBACK

"Naalala mo?" She nodded as a respond. "Hindi mo s'ya gusto hanggang ngayon diba?" hindi s'ya nakaimik sa sinabi ko but I can sense it. Hindi n'ya gusto ang kaibigan ko. "Sinabi mo ba sa kanya? Sinabi mo na ba sa kanya na kilala mo naman talaga kung sino s'ya talaga?" Natahimik na naman s'ya at alam ko kung anong ibig sabihin noon. "Then tell me. Gusto kong marinig ng diretsa sa'yo if you like him or not. Do you like him or not?"

Umiling s'ya bilang tugon sa tanong ko. Nasaktan nga ako so I'm sure Clyde will be in so much pain too. Pero mas maganda na kasi 'yong nalalaman n'ya ng maaga. Ang hirap namang umasa sa wala.

"Then please tell him. Tell him directly na hindi mo s'ya gusto. Wag mo na s'yang paasahin pa. Stop playing with his games. Nagmumukha kasi s'yang tanga." Diretsahang sambit ko at s'ya namang tunog ng phone ko. Saktong pangalan naman ni Clyde ang nag-appear sa screen ng phone ko. Sinulyapan ko pa s'ya bago ko tuluyang sagutin ang phone.

"Hmmn, Clyde?" seryoso ngunit marahang sambit ko.

"Yah!" nagsalubong ang kilay ko sa tila ba nagtatampong himig n'ya sa kabilang linya. "Wala ka ba talagang balak na dalawin ako? I almost got killed, you know." Lalong nagsalubong ang kilay ko. Anong pinagsasasabi ng baliw na 'to?

"Huh?" I said in confusion.

"May magnanakaw na nakapasok sa bahay kagabi. Nasaksak lang naman ako. Andito kaya ako sa hospital n'yo." Napatayo akong bigla sa tinuran n'ya. Tell me he's just kidding.

"Wag mo 'kong pinaglululoko!" I said sa kabila ng pagdaloy ng pag-aalala sa katauhan ko.

"Nurse. Tell her I'm not kidding. Will you?" nairinig kong sambit nito sa kabilang linya pero tumanggi naman ang kinausap noon. Tapos may narinig akong nagpi-paging. Damn! He's telling the truth. "Key, ayaw n'ya eh. Pero—"

"I'm on my way." Sa halip ay sambit ko at hindi ko na s'ya pinatapos pang magsalita. Ibinaba ko na kaagad ang phone.

"Ms. De Castro, may problema ba?" naalala kong andito pa nga rin pala si Mariz.

"Kausapin mo si Clyde after n'yang ma-discharge sa hospital. Make sure na sabihin mo kung hanggang saan lang talaga ang pwede sa inyong dalawa. Don't let him hope for more." Sa halip ay tugon ko at saka tinalikuran na s'ya.

Isang hakbang na lang at nasa pintuan na ako ng magpasya akong lingunin s'ya. Ginugulo pa rin ang utak ko nong naalala kong eksena kanina.

"Mariz." Nilingon ko s'ya. I met her eyes. Apektado pa rin s'ya doon sa mga sinabi ko kanina. "May kapatid ka diba?" I said and she nodded. "Asan s'ya?"

"Paris." Maikling tugon n'ya.

"Call her. Ask her if she's fine or not." That's it. Kung totoo mang nangyari nga ang nakita ko eh I want her to call her sister. I mean, diba dapat pamilya ang unang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa kanila. Without another word. I left her hanging and maybe confuse tungkol sa sinabi ko. Ako nga naguguluhan s'ya pa kaya.

--------------

Mabilis ko namang nalaman ang silid na kinaroroonan ni Clyde and look at this guy abot tenga pa ang ngiti habang ako eh halos magsalubong na ang kilay. I gave him my deadly look pero mas nginitian n'ya pa ako ng mas malapad. Nakakaloko!

"Masaya ka pang nasaksak ka eh noh?" I uttered in dismay.

"Sino ba namang hindi sasaya eh heto nga't buhay pa ako. Tingnan mo nga 'yang itsura mo para kang pinagsakluban ng kung ano. Buhay pa naman ako ah. Ano ka ba?" Pinipigil n'yang tumawa. Sarap talagang sapakin eh.

"So hihintayin mo pang mamatay ka? Iiwan mo rin ako ganun ba?" Malalim na naman po ang pinaghuhgutan ko. Napakahalaga n'ya kasi sa'kin at ayokong pati s'ya ay mawala pa. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Napansin kong nawala ang ngiti sa labi n'ya sa halip ay napalitan 'yon ng pag-aalala. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Dapat ako ang nag-aalala sa kalagayan n'ya pero mukhang nadaig n'ya pa ang pag-aalala n'ya tungkol sa nararamdaman ko.

"Wag ka ng bumalik sa apartment na 'yon." bago ko sa usapan. Ayokong isipin n'yang naalala ko na naman si Carlo.

"Pero—" tutol ni Clyde.

"Kapag bumalik ka pa ulit doon—" huminto s'ya at tinitigan ang kaibigan, "—masasaktan ka ulit. Mas masasaktan ka lang ulit higit pa sa sakit na naramdaman mo nong masaksak ka." Makahulugang dugtong ko.

"Okay lang. May sense naman 'yon eh." Hindi n'ya mapipigilan ang kaibigan sa gusto nito. Sobrang na-love at first sight ata 'to kay Mariz eh. Aalis lang siguro 'to kapag si Mariz na mismo ang nagpakatotoo sa sarili. She needs to hurt him para tapos na ang lahat at sana ganun nga lang kabilis 'yon.

"Oh? Umuulan?" sinulyapan ko ang bintana ng silid na tinitingnan n'ya. Umuulan nga. Pero hindi doon nakatuon ang atensyon ko kundi sa mga wirdong bagay na naramdaman at nangyari sa'kin ngayong araw na 'to. Something is really wrong with my thoughts, with what happened and especially with me.

"Keychiel, si Carlo—" bumalik ang tingin ko sa kanya, "—you both love rain." Aniya. Hindi na ako umimik pa. I do love rain before. Pero after he died hindi ko na 'yon gusto, hindi ko na magugustuhan at gugustuhin pa. Bakit? Dahil that day when he died hindi naman dumating ang ulan na dapat bumuhos nong mga oras na 'yon. I no longer like rain.

s6mF47ИU {x5&z۳*XRP0r.Ti|<<;el/\40OaN؊ZyBgLRj.|̉R'Rz|+@[&;iE

HEAVEN SHELTS KEY & GUARDIANSWhere stories live. Discover now