Chapter 1

250 5 3
                                    

Ree's POV

TICKETS

"OMG OMG OMG OMG!" sigaw ko habang papalapit sa table nila Dea sa Mcdo. I'm so excited! Malaki ang ngisi ko na feel ko ay mapupunit na yung mukha ko!

"Oh? Anong klaseng espiritu na naman ba yung sumapi sayo Ree?" Tanong ni Jea na tumatawa kasabay si Leigh sa tabi nya. Umiling na lang ako. If I know magbabaliw baliwan din tong mga to mamaya.

"Well, I just found out na in 3 days, Jacob Sartorius will be having a concert here in Davao!" Pag babalita ko na sabay may action na pa kaway kaway ng kamay, nag mumukha akong ewan pero wala akong pakealam sa mga tao dito. Narinig ko naman ang pag ubo ni Dea. Hala? Nabilaukan ang gaga! HAHAHAHA

"OH EHM G G G G G!" Sigaw niya rin na kung titignan ay mas excited pa saakin. Hala?

"We need to have tickets for this concert!" Ani ni Mon na sumangayon na man ang katabing si Jeng

"Yes we need it ASAP, kung gusto talaga nating pumunta." Jeng added. I nodded in agreement.

"True that!" I pointed out and sat with them. Dun ako sa gitna ni Dea at Jeng.

"THIS IS SO GUNNA BE AWESOME! GUYS MAG PLANO NA TAYO! EXCITED NA AKO!" hiyaw ni Dea na may pa fist bump in the air pa, ewan ko anong nakain nito. Sa aming mag babarkada, sya ata yung pinaka malala ang saltik sa ulo.

"Well actually..." Panimula ko, nang naputol ako ng naghigingalong kwago sa likod ko. Hahaha djks. Si Tenten, yung mukhang kwago.

"Guys sorry I'm late" Hingal na hingal na sabi ni Tenten. Tumakbo ata to mula Pinas papuntang Mars. Makikita mo yung bakas ng pagod sa mukha nya. Oo tangina nyo nag lakad yung pagod sa mukha nya kaya may bakas.

"Tumakbo ako mula sa drugstore" Ani nitong pandagdag. See! I told ya! Agad naman kaming umusog para may maupuan sya, nako kawawa naman hahaha.

"Anong ginagawa mo sa drugstore?" Napatawa kong tanong, inirapan nya ako at binalewala ang tanong ko. Bumaling sya sa table namin at huminga ng malalim.

"Hep hep!" Pagputol ko sakanya ng nakita kong may plano pa sya mag story telling. Teka! Ako muna!

"Ako muna ha? Mamaya ka na." Ani ko na agad naman napunta ang atensyon saakin ng anim na babae.

"Ano ba yun Ree? Hahaha shet palagi mo na lang inaaway tong si Tenten" Natatawang sambit ni Leigh, tumango naman silang lahat kabilang na si Tenten na nanlilisik ang mata.

"Hahaha you know I love you Ten!" Malambing kong sinabi, inirapan nya ulit ako. Avaaaa Maldita!

"So ayun na nga! I ALREADY HAVE TICKETS FOR THE CONCERT!" at dun na nag tatapos ang kwento.

HAHAHA joke. Syempre nag tilian kaming pito, lalo na si Dea na kung akala mo ay nanalo sa lotto. Kilala nya kaya si Jacob Sartorius?

"Nandun pa si Ras kanina sa ticket booth WAAAAH" napatili ako sa pag kwento, napatingin naman silang lahat saakin at naghihintay ng idudugtong ko storya.

"Ganto kasi kung nangyari..."

-------- at the ticket booth -----------

Yes! Tatlong tao na lang ay ako na yung susunod! Jusko ang layo ng pila dito huhuhu sikat pala talaga si Jacob nakakaiyak. Nakita ko kasi sa Facebook kahapon na magcoconcert sya dito kaya eto ako pumipila para makabili ng ticket.

Nilibot ko yung paningin ko sa paligid nang may nakita akong Papi! Muntik na akong makasigaw, mabuti lang napigilan ko pa hehe. Nakatalikod siya kaya hindi ko maaninag yung mukha. Pero alam kong gwapo kasi ewan.

"Kapag lumingon ka, akin ka" bulong ko sakanya, hindi nya naman maririnig kasi ang layo nya saakin.

Lumingon sya. AY SI RAS! YUNG CRUSH KO!

"Hala jusko akin siya!" napatili kong bulong sa sarili ko. Yung puso ko nag mamarathon sa ribcage ko paker!

Ngumiti sya saakin

"HALA JUSKO CRUSH NYA DIN AKO"  bulong ko ulit sa sarili ko, paksheeet feel ko matutunaw na ako!

Kumaway sya

"HALA GUSTO NYA AKO MAGING GIRLFRIEND" bulong ko ulit na feel ko ay hihimatayin na ako, yung puso ko naman parang ewan huhuhu Ras bat ka ganyan!

Naglakad sya papunta saakin

"HALA GUSTO NYA AKONG PAKASALAN PUTANGINA RASEFF DI PA AKO HANDA!"

Napatingin siya saakin na parang nag tataka. OH SHIT DID I JUST SAID THAT OUT LOUD?!

Umiling siya at nilagpasan ako, lumingon ako at nakita ko siya nakikipag high five sa tatlo niyang kaibigan. Puta di pala ako yung kinawayan at nilapitan niya huhuhu.

Nag uusap sila at mukhang may kinikwento siya sakanila, bigla silang napatingin saakin. Malamang sinabi niya sakanila yung mga narinig niya saakin. Shit tumalikod ako sakanila dahil sa hiya. Shucks!

THE G-SQUADWhere stories live. Discover now