Mahinang tumawa si Kuya Silver pero halata ang pagka-irita. "Really, Eion? Really?" He mockingly said that to Eion.

Napayuko ako. Humigpit pa lalo ang pagkakahawak sakin ni Eion. He's mad at his brother. "Bakit hindi ka nalang maging masaya samin, Kuya?" Halata ang pagka irita sa boses ni Eion.

Humalakhak si Kuya Silver. "Ofcourse, I am!" Then he walked out.

Napatingin ako kala Kuya Sky at Daddy na seryoso din nakatingin samin.

"I heard kakabreak niyo lang ni Erin Montefalco, Eion. Ginagawa mo bang rebound ang kapatid ko? As far as I know, mahal ka ng kapatid ko. Siya ba, mahal mo?" Maanghang na tanong ni Kuya Sky. Napatingin din si Daddy sa isasagot ni Eion.

Damn! Grabe na ang pagkakaba ko. Anong isasagot mo Eion? Alam natin na hindi mo ako mahal, paano mo ito malulusutan? This time, anong kasinungalingan ang sasabihin mo sakanila? Pumikit ako ng mariin.

"M-mahal--"

I cut him off. "Kuya, he loved me. Please, maging masaya po sana kayo saming dalawa." Tumingin ako kay Daddy. "Dad. I love him." Tumingin ako sa magulang ni Eion. "I love him po, Tito at Tita."

Ngumiti sakin ang mga magulang ni Eion at tumango. Napangiti narin ako. Atleast, tanggap nila. Bumaling ako kala Kuya at Daddy.

My dad sigh. "As long na masaya ka, masaya narin ako para sayo, sweetheart."

"Me too! Eion, take care of our little angel." My brother said.

Tumango si Eion at pilit ngumiti. "Sempre naman."

Nakahinga ako ng maluwag. Finally, akala ko mahihirapan kaming mag tapat sa mga magulang namin pero hindi iyon nangyari. They're really understanding! We thanked them dahil naging magulang namin sila. Though, one sided lang talaga itong relasyon namin ni Eion. Ako lang ang nag mamahal saming dalawa!

"Hey! You okay?"

Napalingon ako sa kapatid kong kakapasok lang dito sa kwarto ko. Kanina pa kami nakaalis mula sa bahay nila Eion, doon narin kami kumain ng lunch for a celebration. Tuwang-tuwa sila sa ibinalita naming dalawa ni Eion! Naisip ko lang, matuwa pa kaya sila kung yung totoong rason ang sinabi namin? I'm sure magagalit lang sila kay Eion at lalo na sakin. Ayoko naman 'yong mangyari.

Tumango ako at ngumiti. Humarap muli ako sa malawak na garden namin habang nakatayo ako sa balkonahe ng aking kwarto. Naramdaman kong tinabihan ako ni Kuya Sky at batid ko din ang mapanuri niyang tingin sakin.

"You looked so very happy, little sis." Pahayag ng aking kapatid.

Ngumiti muli ako at tumango. "Yes, kuya! Finally, me and Eion are together."

He chuckle. "I loved it, when you are happy. I hope na hindi ka niya sasaktan at talagang mahal ka niya! Kasi kung niloloko ka lang niya? Believe me, ako ang unang sasapak sa mukha ng Eion na 'yon."

Niyakap ko bigla ang kapatid ko. I bit my lower lip!

I'm sorry, Kuya Sky kung kailangan kong mag sinungaling sainyong dalawa ni Dad. Alam kong pagagalitan niyo ako sa mga ginawa kong padalos-dalos na desisyon, pero ayun ang sa tingin kong magpapasaya sakin. Ang maging rebound ni Eion, masakit man at napaka-tangang desisyon pero alam kong magiging masaya ako. Pumayag si Eion sa gusto ko, in span of one week nararamdaman ko siya palagi sa tabi ko. He's been extra sweet of me. Pero hindi ko masabi kung dahil ba mahal niya na ako or bilang kaibigan parin kung kaya't sweet at caring parin siya sakin. Pero hindi ako susuko sakanya, alam ko at naniniwala ako sa aking sarili na matututunan niya rin     akong mahalin! Eion's will be my inspiration, when it come's to my study and anything.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu