Bet Your Heart ♡ Chapter 8

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinawi ko ang bangs ko gamit ang malaya kong kamay habang hindi niya pa din binibitawan ang isa at mukhang wala siyang balak na bitawan.

"Bitawan mo ang kamay ko," mahinahon kong utos sa kanya habang nakatingin sa mga kamay namin at sinubukan kong hilahin ang kamay ko. Pero hindi niya bitawan.

"Why would I?" kunot-noo niyang tanong. "Aren't you happy that I'm proud to show everybody that you're my girlfriend? Ang suwerte mo nga kasi hindi mo na ako niligawan, tayo na agad," nakangisi niya pang dagdag.

Aba't! Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Kung ganito lang din pala ang sinasabing 'suwerte' mas gugustuhin ko na lang yatang malasin!

Sobrang hangin niya na! At ano raw? Siya daw ang dapat ligawan?! Jeez! Sapakin ko na kaya ang lalaking ito? Ang kapal niya talaga!

Hindi ko nagawa ang balak kong pagsapak sa kanya dahil bigla niya na lang akong hinila.

"Tara na! Kanina pa nila tayo hinihintay. Magpapaliwanag pa ako sa kanila na girlfriend na kita kahit hindi mo ako niligawan," aniya. Nilingon niya ako saglit para ngumisi sa akin ng mapang-asar.

Hindi ko na lang pinag-aksayahang imikin siya. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Nakakapagod lang. Ang aga-aga pa at mahaba pa ang araw para ubusin ko na agad ang lakas ko dahil lang sa mga kalokohang sinasabi niya.

Joke lang din naman siguro na ipapakilala nga niya ako bilang girlfriend niya kila Mommy. Asa naman! Wala nga siyang dinala sa mga naging girlfriend niya sa bahay nila, eh. Tapos ako na hindi naman niya totoong girlfriend, ipapakilala niya?! Nah-ah with matching head shake!

Kung hindi ko pa siya nakikita dati sa school na iba-iba ang kasama niyang babae every week, baka naisip kong bakla siya!

Hawak-hawak niya pa din ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa table nila Mommy, kasama sila Daddy, tito Rick at tita Belle.

Masaya silang nagkukwentuhan pagkalapit namin. Tumatawa sila na parang tuwang-tuwa sa kung anumang pinag-uusapan nila.

"O, nariyan na pala kayo, hija," sabi ni Tita Belle na unang nakapansin sa amin. Tumayo pa si tita at hinalikan ako sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Mommy.

"Maupo na kayong dalawa," utos sa amin ni Daddy.

Mukhang hindi na galit si Daddy, katulad kanina. Nakangiti na nga siya sa amin ngayon at ayoko sa ngiting nasa mga labi niya. Feeling ko sisintensyahan ako ngayon!

Parang kanina lang mukha siyang galit na galit sa nakita niya, ah? Ngayon naman, sobrang ngiting-ngiti siya. Mas nakakatakot tuloy.

Wala sa loob ko na napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mark dahil sa kabang nararamdaman ko.

Umupo kami ni Mark na magkatabi. No choice na kasi. Si Daddy at Tito Rick nasa magkabilang dulo ng lamesa, tapos si Mommy at Tita Belle, magkatabi sa harap namin. Pang-anim na tao lang ang lamesa.

Wala si Renz. Inilibot ko ang paningin ko sa ibang table para hanapin siya pero wala akong nakita kahit anino niya.

Wala talaga si Renz? Nasaan na naman ang kumag kong best friend? Hindi ba siya natulog kagabi sa room nila ni Mark at sumama sa mga babae niya? Hindi kaya siya namolestiya na ng mga babaeng kasama niya?

Teka... hawak pa din ni Mark ang kamay ko, ah?! Sobra na siya sa chansing!

Hinila ko ang kamay ko pero katulad kanina, hindi niya pa rin pinakawalan ang kamay ko.

Ano ba naman 'yan?!

Lumingon ako sa kanya at pinandilatan ko siya ng mata para bitawan na niya ang kamay ko. Pero nginitian lang ako ng loko at nag-iwas na siya ng tingin.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon