Bet Your Heart ♡ Chapter 8

Start from the beginning
                                    

Bahala siya sa buhay niya! Ayoko na siyang kausapin pa. Nakaka-badtrip at nakakapikon lang. Nai-stress pa ang kagandahan ko nang dahil sa kanya!

Mabilis na akong nag-shower habang nagngingitngit pa rin ako sa baliw na si Mark at kasabay din niyon ang pagsuri ko sa sarili.

Wala pa naman akong bawas, 'di ba? Wala naman akong napansing mga marka o kung anuman sa balat ko. Nagbibiro lang siya kanina. Masakit ang katawan ko dahil nahulog ako kahapon. Tama. Iyon lang 'yon.

Nang matapos ako mag-shower, sa loob na din ako nagbihis. May manyak kasi sa labas. Baka makapatay na talaga ako ng poging hayop kung sakaling manyakin niya na naman ako, katulad ng pagtatangka niyang halikan ako.

Lumabas na ako ng bathroom pagkatapos kong magbihis at nakita ko si Mark na nakaupo sa kama ko habang nakasandal sa headboard.

Ang ganda lang ng upo niya. Feeling yata niya, kuwarto niya ito.

"Ang tagal mo naman maligo. Sobrang kapal ba ng libag mo at hirap na hirap ka hiludin?" pang-aasar niya agad sa akin.

Agad namang lumipad ang masamang tingin ko sa kanya and he just wiggled his brows.

Ang manyak ng hitsura!

Sumimangot pa ang nakasimangot ko naang mukha. Nagmadali na nga akong mag-shower, eh! Makapang-asar lang talaga siya! Buwisit!

Inirapan ko siya at dumiretso ako sa harap ng salamin para mag-ayos at magpaganda pa lalo kahit alam kong ang ganda-ganda ko na.

Siyet! Napaka-conceited ko talaga! Oh, well... it is just the truth and nothing but the truth kaya walang magagawa ang kahit sino kung ipagduldulan ko man na sobrang ganda ko.

"Dapat tinawag mo ako para natulungan kitang maghilod," patuloy niya pa sa pang-iinis.

Ang bastos lang talaga niya! Ang guwapong pervert! Este, ang laking pervert! Argh!

Hindi ko pa rin siya pinansin kaya nanahimik siya ng ilang minuto. Pero hindi talaga siya makatiis na hindi magsalita!

"Baka gusto mong dalian?" naiinip niyang tanong sa akin.

Napataas naman ang isang kilay ko at hindi ko na napigilang hindi siya sagutin. "Sinabi ko bang hintayin mo ako?"

Tsss! Wala naman talaga akong sinabi na hintayin niya ako, 'di ba? Puwede naman siyang mauna na, tapos susunod na lang ako sa baba. Kaya ko naman pumunta roon mag-isa!

Makapang-inis lang talaga ang unggoy na ito!

"Dalian mo na. Ikaw na nga itong hinihintay," iritable niyang sagot na may kasama pang pagkamot sa gilid ng ulo niya.

Napataas naman lalo ang isa kong kilay. Umabot na yata sa hairline ko ang kilay ko sa sobrang taas. Para kasing pinalalabas niya na utang na loob ko pa ang paghihintay niya sa akin.

"Tsss! Ang kupad talaga!" narinig ko pang bulong niya.

"Oo na! Ito na nga, tapos na!" naiinis ko nang sabi. Tumayo ako at padabog na ibinaba ang suklay sa harapan ng salamin.

Nagmamartsang naglakad ako palabas ng pinto. Sununod naman siya sa akin at nang naabutan niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko.

Napahinto naman ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Kung nakakamatay siguro ang tingin ko, kanina pa siya pinaglamayan.

"What?" painosente na naman niyang tanong nang hindi ako magsalita.

Buwisit talaga itong lalaking 'to! Ang sakit sa bangs!

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now