Chapter 13: Rematch

Start from the beginning
                                        

Nakapark na sa SB yung kotse ni Jeron at Thomas pagbalik ko.

“Bro, Celine. Susunod nalang kami dun. Sandali lang naman yung dadaanan namin” sabi ni Thomas

“Sige, bro. Text niyo nalang kami.” Sabi ni Jeron

Natuwa naman ako nung pinagbuksan ako ni Jeron ng pinto. Alam kong nagiging gentleman lang siya pero hindi naman bawal kiligin diba? Haha Bago ako pumasok ng kotse tinawag ako ni Thomas.

“Celine! Ingat ka kay Jeron a? Mabilis yan… mag-drive. Hahaha” sabi ni Thomas

“Loko ka talaga, Thom!” sabay tawa si Jeron at sumakay na rin siya sa kotse.

“Ano bang gusto mong pakinggan? Baka kasi di mo trip songs ko e.” tanong niya sakin

“Kahit ano lang. Basta wag heavy metal.” sagot ko

“Hala, Puro Metallica at Alesana yung nasa playlist ko.” sabi niya “joke lang! gusto ko lang tignan reaction mo. Hahaha”

“Natuwa ka naman ba sa ginawa mo ha?” asar ko kay Jeron

“Dapat ata sinubukan kong magpatugtog ng Metallica para makita reaction mo e. Hahaha”

“Bully ka no?” tanong ko sakanya

“I’m not a bully. Masarap ka lang talaga asarin. Hahaha” sagot niya sakin. Sakto tumigil kami sa stoplight kaya tinignan niya kung ano magiging reaction ko.

Ugh yung ngiti niya nakakaloko pero ang gwapo gwap niya parin. At tinititigan niya talaga ako. Please sana hindi ako namumula kahit very kilig na ako deep inside.

“Kaya nga, ganun mga bully. Lahat para sakanila masarap asarin” at nakipagtitigan ako sakanya with taas kilay effect. Wrong move. Pigil na pigil ako sa sarili ko na mapangiti sa kilig. Nakakainis sana mag-go na yung stoplight please. Buti nalang bumusina na yung kotse sa likod naming. Go na pala. Hay nako, kung nakakatunaw lang ang tingin, tunaw na tunaw na ako. Pero mas tunaw siya. Hahaha

Jeron’s POV

Di ko rin alam bakit ako nakipagtitigan sakanya. Akala ko maiilang siya pero tinabla rin niya ako sa pagtitig. Kung hindi siguro bumusina yung kotse sa likod, baka natagalan pa ang pagtitig ko sakanya. There’s something about her eyes na parang nakakahypnotize. Ano ba yan, Jeron, ang corny mo.

Hindi boring ang car ride papuntang Katipunan kahit medyo natraffic kami. Puro palitan lang kami ng biro at asaran. Buti nalang walang napipikon samin. Sa pagkakaalam ko, hindi ako malakas mang-asar pero pagdating sakanya, naaaliw ako. Hindi naman ata ako masamang tao dahil dun. Hahaha

“Andito na tayo” sabi ko

“Hihintayin pa ba natin sila Thomas?” tanong niya sakin. Sa totoo lang, nararamdaman kong hindi na susunod sila Thomas. Minsan talaga pag tinopak, lakas ng trip e. Pero ayos lang naman, hindi naman boring kasama si Celine.

“Hindi na siguro. Alam naman na nila to e. Magtetext nalang yun pag andito na sila.” sabi ko

“O, simulan na natin to” hamon ni Celine. Minsan mapapaisip ka kung nasan kaartehan ng babaeng to. Sanay na siguro siyang puro lalaki kasama dahil sa kuya niya at mga dating teammates.

“Anong pustahan natin?” tanong ko sakanya

“Ikaw na bahala. Ikaw naman magbabayad mamaya so balato ko nalang yun sayo. Hahahaha”

“Confident ka talaga e no? Hahaha Sige, dinner after nito. Kung sino talo siya magbabayad.” sabi ko sakanya

“Call. Hahaha Game na 2k13”

Nung una, kala ko mananalo na si Celine. Magaling naman siya pero siyempre, mas magaling parin ako. 4pts lamang ng team ko sakanya.

“Pano ba yan? Edi sagot mo dinner mamaya. Hahaha Ikaw kasi e, ako pa hinamon mo” pang-asar ko sakanya

“Fine. Edi ikaw na magaling. Pero may isa pa akong challenge sayo. Tekken naman. Pero yung dinner ako na talaga dun. Ibang pustahan na yung Tekken. Haha” sabi ni Celine sakin. Ayaw talaga magpatalo ng babaeng to. Buti nalang magaling din ako mag-Tekken. Hahaha

“Osige, game ako dyan. Anong pusta?”

“Hmmm. Wala akong maisip. Bragging rights? Hahaha” sabi ni Celine

“Ayoko nga. Bragging rights lang makukuha ko?” loko ko sakanya

“Wow. Lakas mo a? Tapos na ba yung game? Di pa nga tayo nagsstart e. Haha”

“Movie nalang. And popcorn.” sabi ko sakanya

Teka, bakit yun ang nasabi ko? Ano ba yan, Jeron. Excited ka mag-isip e.

“Uh sige. Pero kelan naman yun?” tanong niya

“Mamaya after nito or after dinner. 24 hours naman Resorts World e. Hahaha At Friday naman ngayon” sagot ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Kahit ako nagulat.

“Muntik ka na hindi maging spontaneous no? Hahaha Sige movie and popcorn.”

“Yan. Simulan na natin. Saya ng Friday ko nito, libre dinner, libre pa movie and popcorn!” asar ko kay Celine

“Asa ka, Jeron. Sa dinner ka lang makakalibre. Hahaha”

At gaya nga ng sinabi ni Celine, sa dinner lang ako makakalibre. Nakakahiya mang isipin, wala akong naipanalong round sakanya. In my defense, close fights naman. Pero talo nga.

“Jeron Teng, I am very disappointed. Buti nalang nagstick ka sa basketball no? Hahahaha”

“Sus. Naka-chamba ka lang e.” sabi ko sakanya

“Really, Jeron? I don’t think you even know what that word means. Given na nasweep ko yung game. Hahahaha”

“Ang yabang mo talaga. Buti nalang cute ka.” ‘Babae’ dapat ang sasabihin ko, hindi ‘cute’. Ano ba yan bakit ang sabaw ko. Natahimik ata siya. Teka parang alam ko na pano makakaganti.Hahaha

“May sinasabi ka ba?” medyo natagalan bago nagsalita ulit si Celine. Lagot ka sakin ngayon.

Dahil nasa magkabilang dulo kami ng sofa, tumayo ako. “Ang sabi ko” habang naglalakad papunta ako sakanya “ang yabang mo pero buti nalang” tumigil ako sa harap niya at nilagay ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng inuupuan niya “cute ka” at magkaharap na kami. Hindi rin siya makakagalaw dahil nakaharang sa magkabila niya ang mga kamay ko. Wala siyang choice kundi humarap sakin. Alam kong hindi na comfortable ang distance ng mga mukha namin at nakikita ko sa mga mata niya na kinakabahan siya pero ayaw niya ipahalata. Ang sarap talaga niyang asarin.

“Bakit di ka makapagsalita ngayon? Gwapo ko ba masyado?” sabi ko sakanya. Bigla nalang niyang tinakpan ang bibig niya at nagpipigil ng tawa. Ano ba naman tong babaeng to. Kala ko nakakaganti na ako bakit siya tumatawa. “O bakit ka tumatawa dyan?” sabi ko sakanya

“Hahahahaha wala lang. ang conceited mo pala. Hahahahaha” at tuloy si Celine kakatawa niya. Hindi ako sanay na ganyan ang reaction sakin. Usually namumula sila o nasspeechless. Ito naman tinawanan ako. Wirdo talaga nito. Pero nakakahawa ang tawa niya. Ewan ko ba dito.

“Sorry. Hahaha” sabi niya “Nagulat lang ako sayo. Hahaha”

“Iba ka rin magulat e no. Tumatawa. Haha”

“Sorry na, weird ako e. Hahaha”

“Oo, pansin ko nga e. Haha Tara na nga, gutom na ako.” aya ko sakanya

“Ay, wait. Sila Thomas pala?” sabi ni Celine

“Hindi na daw sila makakasunod. Matagagalan daw sila dun e”

“Ah ganun ba? Nasan ba sila?”

Ang dami namang tanong nito. “Sa tita ni Luigi sila pumunta. May kukunin ata dapat” sabi ko.

“Ah okay. Sayang naman. Sige, tara na. Gutom na rin ako e. Haha” at naglakad na kami ni Celine papuntang kotse.

Expected, but not really.Where stories live. Discover now