Chapter 13: Rematch

Começar do início
                                        

“Sorry daw sabi ng Quiapo a? Kayo na pumili kung anong pizza.”sabi ko

“Jeron, ikaw na pumili” sabi ni Thomas

“E kahit ano lang sakin. Celine, ikaw na magdecide. Kahit naman ano kakainin ng mga to e.” sagot ni Jeron

“Hoy, Teng. Wag ka magmalinis diyan. Hahaha” sabi ni Luigi

“O para walang away itong Monster Deal nalang. Para walang sisihan. Hahaha” sabi ko

“Osige okay na yan! Order na.” excited na sabi ni Thomas

“Oo na teka lang. Excited ka e no.” at tinawag ko na yung waiter.

Puro kulitan lang kami habang kumakain. Lakas pa tumawa ng mga to kaya lalong napapatingin yung mga tao. Nung palabas kami ng Shakey’s may mga Thomasians na nagpapapicture sa kanila. Iba talaga pag basketball player kahit taga-ibang school pa.

“Tara, kape muna tayo. San ba malapit na Starbucks dito?” yaya ni Luigi

“Dyan lang pagtawid. Tara.” Dinala ko sila sa Starbucks sa may P. Noval.

Nasa labas palang kami ng Starbucks, pinagtitinginan na kami ng mga nasa loob

“Grabe, guys. Agaw-attention talaga kayo” biro ko sakanila

“Siyempre, sa gwapo ba naman ni Papi Jeron. Hahaha” asar sa kanya ni Thomas

“Oo nga. Gwapo naman siya Celine diba?” tanong sakin ni Luigi

“Oo. Lahat naman kayo gwapo e. Okay, sagot niyo na kape at dessert ko. Hahahaha”

“Si Jeron na bahala sayo, Celine. Kahit tig-iisang flavor ng cake pa orderin mo.” Sabi ni Thomas

“Mga loko kayo. Malakas kaya kumain to. Lugi ako” asar sakin ni Jeron

“Oo, plano ko talagang malugi ka. Ikaw may dahilan kung bakit ako napa-pizza e. Hahaha”

“Hindi ko naman kasalanan kung magaling ako e” sabi ni Jeron

“Wala sa galing yun. Sabi ko nga, bisita ka namin. Nakakahiya naman kung tatalunin kita diba. Considerate naman kasi ako. Hahaha”

“Hahaha ano, rematch tayo? May alam ako sa Katipunan na pwede natin paglaruan para fair. Walang bisi-bisita.” hamon sakin ni Jeron

“O sige, game. Kelan?” di ako magpapatalo. Crush ko siya pero mas gusto ko parin manalo. Haha

“Ngayon. Haha Uwian mo na. Wala rin kaming practice.”sagot ni Jeron

“Seryoso ba yan, Jeron?” tanong ko

“Oo. Bakit, takot ka?” sabi niya

“Ako matatakot? Di uso sakin yun. Hahaha” sagot ko kay Jeron

“Game na a. After coffee punta tayo Katipunan”

“Okay, call.” sabi ko

“Jeron, sa kotse mo nalang sasabay si Celine a? May dadaanan pa kami ni Luigi e.” sabi ni Thomas

Hinihintay ko yung violent reaction ni Jeron kaya nagulat ako nung sinabi niya “Okay. No prob”

Hindi ko alam kung nakita ni Jeron na nagtinginan si Thomas at Luigi at may kakaibang ngiti. Bakit parang may pinaplano tong dalawang to? After coffee, sabi ko babalikan ko sila dahil magbibihis pa ako. Nakakahiya naman kung maglalaro ako ng naka-uniform. Baka isipin di ako pumasok. Hahaha

Expected, but not really.Onde histórias criam vida. Descubra agora