Chapter 11

170 1 0
                                    

○Yumi's POV○

Arrrrgh! What a bad day! Why? Sino ba namang magiging masaya kung may asungot na mambubulabog sayo umagang umaga pa lang. The most shocking is, tinatanong niya kung may nangyari daw ba sakin or kung may pumunta daw dito. Diba tinanong niya na yon kagabi? Psh!

"Hello? Ah ikaw pala Sarah" tinignan ko siya at nagulat ako dahil cellphone ko gamit niya. What the heck!

"Yaah! Akin na nga yang phone ko!" sigaw ko at binigay naman niya pero patay na yung call. Diba asungot talaga? Sinong hindi mababad mood.

*ding dong*

Ha? Sino namang pupunta dito? Ipinagkalat ba ng asungot na to ang bahay ko? If yes, hindi ko na siya palalabasin ng humihinga pa. Baka ikulong ko pa siya sa freezer.

"Sino yan?" tanong ko dahil siya po ang nagmadaling magbukas ng gate.

"Ah wala to" sagot niya habang may tinutulak. Para maconfirm kung sino, lumapit na ko.

"Ah hi?" pero mali pala desisyon ko. Sana naniwala na lang ako sa asungot na to na wala nga.

"Pasok ka na sa loob" sabi sakin ni asungot sabay kindat. Ano ko dinidiktahan niya? Bahala siya jan.

"Aalis ako" sabi ko at nilagpasan silang dalawa pero nagulat ako nang biglang may manghila sakin at sinakay ako sa motor.

"Hindi ka aalis mag isa" seryoso niyang sabi at pinaandar na ng mabilis ang motor kaya bigla akong napayakap sa kanya.

Pero sa kamalas malasan may isang bwisit na sumunod. Ano bang ginagawa niya? Bakit ba siya sunod ng sunod? Wala na naman kaming dapat pag usapan ah. Nakita kong inabutan siya ng red light kaya napatigil siya. Akala ko titigil na rin siya pero nag iba siya ng direction.

"Ano bang kailangan sayo ng gagong to?" nagulat ako dahil nakita ko si Marius na nakatigil sa unahan namin. As in hinaharangan ang daan namin.

"Itigil mo na lang. Sasama na lang ako sa kanya" seryosong sabi ko. Pero nagulat ako sa ginagawa niya. Hindi niya hinihinto.

"Nagpapatawa ka ba? Who said that I'm okay with that? Asa ka!" pilyo pero kitang kita na seryoso siya. Medyo nagkaroon ako ng hint ng takot dahil tuwing magsasalita siya hindi siya nakatingin sa dinadaanan namin.

"Close your eyes" sabi niya at binigyan ako ng assuring smile. Ewan ko ba pero kusang sumunod ang mata ko kahit ayaw ng utak ko dahil inutos niya yon.

"Alright! Open your eyes" pagmulat ko nakita ko si Marius na humahabol pa rin pero nalampasan namin siya.

"Ang kulit talaga niya. Don't worry your safe with me" gusto ko siyang barahin pero ayaw ng bibig ko magsalita. Parang totoo lahat ng sinasabi niya. Feeling ko talaga safe ako.

"Hold tight!" sigaw niya at alam niyo ba kung nasan kami ngayon? Sa building na ginagawa pa lang at walang tao. Oo naka motor pa rin kami.

"Wooooh!" napakapit ako ng mas mahigpit dahil lumipat kami ng isang building, akala ko sa movie lang nangyayari yon. Pero f*ck! Nakakatakot pero masaya sa feeling.

"Wala na siya" sabi niya at kumindat pa.

"So?" pagsusungit ko.

"Hahatid na ulit kita. Wala ka naman talagang pupuntahan e" sabi niya at babalik na sana kami kaso pinigilan ko siya.

"Sa tahimik na lugar" hindi na siya nagsalita at nagdrive na lang siya. Hindi ko totally alam kung saan niya ko dadalhin pero sa ngayon nagtiwala ako sa kanya.

●Marius' POV●

Alam kong iniiwasan niya ko at galit siya sakin. Pero nangako ako at tototohanin ko yon. Aaminin ko na sobrang selos ang nararamdaman ko sa nakita ko kanina. Pero anong magagawa ko? Hindi naman ako pwedeng magalit or manumbat dahil wala akong karapatan.

Marrying My Gangster EnemyWhere stories live. Discover now