Special Chapter : Territory

Start from the beginning
                                    

Sinigurado ko munang ayos lang iwan ang mga pinsan ko bago ako maligo.

Pagtapos kong maligo ay nagulat ako nang makita ko si Jason na nasa sala, kasama ang mga pinsan ko.

"Jason! Bakit nandito ka!?" gulat kong tanong sa kanya habang nakaduro ako sa kanya.

Napalingon naman siya at mukhang nagulat din.

"Anong ginagawa mo dito Allen!?" tanong niya habang nanlalaki ang mata niya.

"Bahay ko 'to! At yang mga kalaro mo, mga pinsan ko!" pasigaw kong sagot sa kanya.

"Ha? Paanong? Tal-" hindi na niya tinuloy yung sinasabi niya, basta na lang siyang tumayo at dinukot sa bulsa niya yung phone niya.

Mukhang may idinial siya at inaantay niya iyong sumagot.

"Kuya, sino po siya? Kaibigan mo? Pwede ko ba siyang maging boyfriend?" pa-cute na tanong ni Riah.

Napangiti na lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Hindi pwede, Riah. Masyado siyang matanda para sa'yo. Syotain mo na lang si Paul-Paul. Yung anak ni Ate Mercy. Bagay kayo nun! Ayieh! Diba magkaklase kayo nun sa daycare? Yieh!" senseless ko namang payo sa kanya tapos nakita kong namula yung pisngi niya nung banggitin ko yung pangalan ng kapitbahay namin. Hehehe. Ang cute! Puppy love!

Ngumiti na lang siya tapos bumalik na sa pakikipaglaro sa iba.

/ Hello! Dito ka ba talaga nakatira!? Bakit parang address ni Allen yung binigay mo!? Address mo yung hiningi ko, bakit napunta ako dito sa bahay ni Allen?/ narinig kong sabi ni Jason sa kausap niya sa phone. Teka, galit ba siya? Tss.

Hinila ko si Jason palabas ng bahay at sinara ang pinto.

Tinitigan niya ako ng masama habang nakatapat pa rin sa tenga niya yung phone.

/ Ano!? Hindi mo 'to bahay!? Niloloko mo ba ako!? / sabi pa ni Jason kaya tinakpan ko yung bibig niya.

"Wag ka ngang maingay! Mamaya matakot yung mga pinsan ko sa'yo eh." babala ko sa kanya tapos ay hinila ko yung cellphone niya.

"Sino ba 'tong kausap mo?" tanong ko sa kanya tapos ay tinignan ko yung screen ng phone niya. Sus, number lang? Sino kaya 'to?

Tinapat ko yung phone sa tenga ko at narinig ko ang pamilyar na boses ng pagtawa.

/ Diane!? Diane ikaw ba 'to? / tanong ko sa babae sa kabilang linya. Sigurado kasi akong si Diane yung narinig ko eh.

/ Hehe. Hello! Ang galing ko 'no? / sagot niya. Tangnang babae 'to!

/ Ano 'to? Bakit nandito si Jason? Anong sinabi mo sa kanya? / sunod-sunod kong tanong sa kanya para mabigyang linaw agad ako.

/ Hehe. Eh hindi daw niya ako type eh. Kaya ayan, nakuha niya number ko at pinilit na kunin ang address ko. At dahil nga hindi niya ako type, hindi ko binigay ang address ko. Ano siya, hilo? Magdusa siya! Ang ganda-ganda ko eh. Hahaha. / pagpapaliwanag niya sa akin na na-gets ko naman agad.

May gusto si Jason kay D! Hahahaha. Huli ka, boy!

/ Ilagay mo nga sa speaker, may sasabihin ako sa kanya. / utos ni Diane kaya sinunod ko naman.

Pagpindot ko ng speaker button ay sinabi kong okay na para magsalita siya.

/ PUMASOK KA NA SA TERITORYO KO, DRE! MAHIHIRAPAN KA NANG MAKALABAS! HAHAHA. / tawa ba yung dulong part? Kinilabutan kasi ako eh.

Hinablot sa akin ni Jason yung cellphone niya at tinapat sa tenga niya.

/ Hello? Hello! Hello! / sunod-sunod niyang sabi tapos ay ibinulsa na lang niya yung phone dahil mukhang wala namang sumagot.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now