Chapter 33

700 25 4
                                    







Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa mga oras na ito. Madaling araw na at hindi pa rin ako nakakatulog. Papaano ba ako makakatulog kong yung nangyari kagabi ang palaging nagpa-flash sa isip ko. Yung paghawak nung babae kay Sehun. Yung halikan nilang dalawa. Yung pagpunta ng mga kamay ni Sehun sa suot ng babae. Sa tingin mo ba, makakatulog pa ako nun? Hindi. Nakailang iba na ako ng posisyon at naka-thousand na rin ata ako ng bilang eh para makuha ko ang tulog ko pero wala pa rin ng nangyari. Instead, my heart constricted painfully.

Ang sakit sa totoo lang. Pilit kong iwinawaksi yung scenario na iyon sa utak ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi si Sehun iyon, na ibang tao ang nandun. Pilit kong isinisiksik sa ulo ko na baka nagiilusyon lang ako, na baka namimiss ko lang siya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa sarili ko para masabing hindi iyon si Sehun. Pero hindi, dahil halatang-halatang siya iyon. Ang hubog ng katawn niya, ang anyo ng buhok niya at ang kutis niya, alam kong sya iyon. Hindi rin nakaligtas ang kanyang suot kanina at ang kanyang sasakyan. Tanga ba ako kung sasabihin kong hindi iyon pamilyar sa akin kung ilang beses na rin akong nakasakay dun? Duh, hindi lang ako tanga pagnagkataon, gaga rin.

Ala-singko na ng umaga nang bumangon ako. Umupo ako sa kama ko dito sa maid's area at kinusot ang aking mga mata. Iniadjust ko ang vision ko sa paligid nang binuksan ko ang lamp na nasa gilid ko. Good thing about here is hiwa-hiwalay ang kwarto ng mga maid. Kumbaga parang sa stable ng kabayo, hiwa-hiwalay at may harang to give privacy. I stood up on the floor and stretched my arms and limbs. Naninigas kase eh. I'm wearing my pajama with a mickey mouse design. Gustuhin ko mang mag-underwear lang, I can't. Babae kaya mga kasama ko, nakakaloka.

I walked to my cabinet and grabbed a towel and an underwear. Dumiretso ako sa kusina at dun naghilamos. Pagkatapos ay nagtimpla ako ng chocolate coffee. Naghanda na rin ako ng mga kape sa ibang mga katrabaho ko. Black, brown, milk, chocolate. Kilalang-kilala ko na rin kung kanino o anong klase ng tasa ang gagamitin ko sa kanila. Yep, may sari-sariling gamit ng pangkain at panginum ang mga katulong dito. They've been a part of this mansion and also, pinagkakatiwalaan naman sila ni Mr. Oh. I sighed. Mr. Oh, kailan kaya siya babalik? Naextend daw ang trip nila sa Singapore nung minsan tumawag sila last week, Wednesday afternoon. Kaya ayun, sayang yung panglilinis namin sa buong mansyon. Naghanda pa nga kami ng mga paborito niyang pagkain. Ang dami pa naman iyon at nasayang lang iyon. Kinain na lang namin at ipinamigay. Napuno nga yung ref dahil sa dami ng mga niluto ni Nanay Ita at nung isang maid na matanda eh. Ays.

Nagsidatingan na sila. Kinukusot-kusot ng iba ang kanilang mga mata at yung iba, kakagaling lang sa CR. Yung iba nagpupunas ng basa nilang mukha. I smiled at them. "Good morning!"

Nanay Ita smiled at me, too. "Good morning, Luhan. Mukhang ang aga mong gumising ngayon, hijo. Okay ka lang?"

"Oo nga. Nakatulog ka ba ng maayos? Ang laki ng eyebags mo?" natatawang sambit nung babaeng ang buhok ay hanggang shoulders lang niya.

"Saan ka pala nagpunta kahapon? Lagpas curfew ka na umuwi kase," tanong naman ng isang maid na umupo sa table at kinuha ang cup ng black coffee at bread.

"Easy," natatawang pagpipigil ko sa kanila with matching shake of my hands. Ang dami kaseng tanong, eh. I went to the refrigerator to bring out an eggs, hams, and hotdogs. "Okay lang naman po ako. Medyo hindi ako nakatulog ng maayos kaya ang laki ng eyebags ko at walang taxi kagabi kaya pahirapan ang pagsakay ng tricycle. Atsaka, nagpaalam naman po ako kay S--" Natigilan ako ng muntik ko nang mabanggit ang pangalan niya.  Ramdam kong nagkatinginan ang isang maid na nasa gilid ko at yung nasa table. I sighed and bit my lips. "Nakalimutan kong magpaalam kase parang galit si Sir Oh. At mukhang ayaw paistorbo ang isa sa inyo kahapon dahil sobrang busy kayo sa ginagaw ninyo kahapon. Kaya ayun," sabi ko na lang.

HUNHAN: That Guy!Where stories live. Discover now