Bet Your Heart ♡ Chapter 4

Bắt đầu từ đầu
                                    

Para bang may nag-uudyok talaga sa akin na huwag kong patulan si Mark at ang kalokohan niyang ipinangangalandakan niya sa pagmumukha ko ngayon.

Pero kailangan kong itayo ang bandera ni Gabriela Silang! Kaya sugod na!

Natapos kaming kumain na hindi na nagkikibuan pa. Parang nakikiramdam lang siya at ako naman, pinipilit na i-ignore ang sinabi niya kanina at ang presensiya niya, pati na rin ang hindi pamilyar na pakiramda na nararamdaman ko ngayon.

∞∞∞

Mark's POV

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kanina. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at hinamon ko siya ng ganoon. Napag-trip-an ko lang yata? Wala lang siguro akong magawa.

Agh! Pero hindi! Alam kong mayroon pang ibang dahilan pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko... ulit.

Hindi tuloy maipinta ang mukha niya ngayon. Mukhang na-badtrip talaga sa kalokohan ko. Ang tahimik din niya. Hindi ko naman alam kung paano magsisimula ng panibagong topic.

Aist! Naman, o! Sobrang tahimik! Ayoko ng ganito. Hindi ako sanay. Ang daldal kaya nitong kasama ko palagi, 'tapos ngayon tatahi-tahimik? Nasaan na ang matabil niyang dila?

Tsk! Napapailing na lang ako sa sarili ko. Ikaw ang may gawa n'yan sa kanya, Mark!

Papunta na kami ngayon sa main beach. Naghihintay na siguro doon ang mga magulang namin at si Renz kasama ang mga kasama naming sa bangka.

"Nasaan na ba sila?" 'Ayon! Nagsalita rin siya. Kaya lang, nakasimangot pa din at nakakunot ang noo.

"There." Tumuro ako sa hindi kalayuan kung saan naghihintay ang mga kasama namin.

Natatanaw ko na sila Mama na naghihintay sa amin. Hindi pa naman sila mukhang naiinip. Nagkukwentuhan pa nga sila at nagtatawanan. Mukhang kararating lang din ng bangka.

Hindi na ako sinagot ni Lianne. Tumakbo na siya palapit sa itinuro ko at as usual, si Renz una niyang nilapitan. Binilisan ko na din ang paglalakad para makarating na rin kaagad doon.

"Ang tagal niyo, ah?" sabi ni Renz pagkalapit ko.

"Ang takaw kasi ng Kuya mo," sabi naman ni Lianne na umirap pa sa akin.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at ang pag-irap niya sa akin. Baka kasi lalong ma-badtrip. Ibang klase pa naman 'yan kung ma-badtrip. Minsan, daig pa niya ang batang nagta-tantrums. Pero okay lang. Cute naman siya, bagay sa kanya pati sa height niya.

"Mga anak, halina kayo dito. Para makapamasyal na tayo sa island," tawag na sa amin ni Tita Lea, ang Mommy ni Lianne.

Naunang umakyat si Renz sa boat na sasakyan namin sa island hopping. Sumunod naman si Lianne. Gentleman ako kaya pinauna ko na siya. Itong kapatid ko kasi, walang kaalam-alam sa pagiging gentleman kahit kaunti.

Inalalayan ko pa sa pag-akyat si Lianne sa kahoy na hagdan. Hawak ko ang isang kamay niya para hindi siya mahirapan at mapabilis siya sa pag-akyat. Pero isang hakbang na lang sana at makakasampa na siya sa bangka nang bigla na lang nadulas ang isa niyang paa.

"Gaaah!" tili niya.

Naging alerto naman ako at nahawakan ko siya sa baywang. Pero dahil hindi ako gaanong handa sa nangyari at na-out of balance din ako at bumagsak kaming pareho sa tubig.

Damn! Ang sakit! At ang bigat niya talaga kahit maliit lang siya!

Ang saya! Basa na kami pareho kahit hindi pa naman namin balak mag-swimming. Pero mas basang-basa ako. Ako kasi ang nasa ilalim at nasa ibabaw ko siya. Magkaharap pa kami at magkalapit ang mga mukha namin.

♡ Playing Love Games ♡Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ